CHAPTER 15

12 2 0
                                    



Althea's POV

Since wala na kaming class after lunch, petiks na naman kami ni Vlad dito sa school. Since kailangan sabay-sabay umuwi silang magkakapatid.

Ang sarap naman yatang maging grade 10? Laging nawawalan ng klase. Tapos next week may Org. Fare pa na tatagal ng tatlong araw.

Naisipan namin ni Vlad na pumunta sa clinic para bantayan si Selene.

Chineck pala siya ng doctor dito sa school namin pero, ayun. Obviously, they have no idea. Nagkunwari na lang din kaming windang. Kasama rin pala namin si Ellie.

Si Art, umuwi agad. Good boy yun eh. Sobrang honest sa parents.

Nilapitan ko ngayon si Selene.

Ngayon ko lang napansin. May something sa gesture ng mukha niya.

Oo, lifeless yung mga mata niya pero yung facial expression niya.

"Ellie? Diba you can read emotions?" Tanong ko.

"Yes, friendship" sagot nito.

"Can you tell me what's the emotion that Selene felt before siyang magkaganito?" request ko.

"Hmmm" Ellie looked at Selene's face.

"She looked...... shocked." Ellie stated.

"And..." Tanong ko.

"puzzled...." Ellie continued.

"And..." tanong ko ulit.

"That's it" Ellies finally said.

Napasalampak naman yung mga balikat ko dun.

Lahat naman ng sinabi ni Ellie ay obvious na reactions eh. Malamang kapag nakita mo yung isang kagaya ni kamatayan. Magugulantang ka.

"Thanks Ellie" I said.

"No prob" Ellie said lifelessly.

Concerned din pala talaga siya kahit dati ay nagtatarayan lang sila.

Ilang segundo makalipas, pinutol ng mga katok ang panandaliang katahimikan na bumalot sa amin. Malalim yon, dapat may award. Haha.

Bumukas yung pinto at hindi ko inaasahan ang aking makikita.

"Matt." Hindi ko alam kung magtataka ako o ano pero siyempre, hindi lang naman kami ang pwede dito sa clinic.

"Uy, Althea!" He greeted me.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Ah, ipapacheck-up ko lang itong sugat ko." He answered. He's talking about the wounds on his shoulders nakagagawan ni baklitang Ellie.

"Ayy, fafa Matt. Don't worry. Hindi naman yan infected or something. Malinis ang mga ngi---" Pinutol ko na yung sasabihin ni Ellie.

"What?" Matt looked puzzled.

"Ahh, wala yun. Wag mo nang pansinin yang si Ellie. Medyo depressed lang yan dahil sa girlfriend niya." pagdadahilan ko.

"Hoy, bruha! Girlfrie---" This time si Vlad naman yung pumutol.

"Tama si Althea. So just go ahead and have your check-up, pare" Singit ni Vlad.

Kitang kinakausap yung tao eh. Kailangan paalisin agad.

"Uhm, Sige. Pero Althea, can I talk to you later?"

Sasagot na sana ako pero umepal na naman si Vlad.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon