Althea's POV
(SFX: insert thunder and lightning effects)
"MAMA!!!" sigaw ko nang marinig ang malakas na tunog ng kulog at kidlat.
Nanginging man dahil salamig ng hangin at basang dulo ng ulan, pinilit ko pa ring tumakbo ng matulin palayo sa lugar kung saan ako lumaki, at nakaramdam ng pagmamahal.
Putikan ang kagubatan dahil sa ulan. Medyo nadudulas pa nga ako pero hindi ako pwedeng huminto.
Hindi ako pwedeng mamatay.
Isinakripisyo nila ang buhay nila para sa akin.
Hindi ko hahayaang masayang iyon.
'GRRRRR'
Anumang lakas ng tunog ng ulan ay hindi pa rin nito matakpan ang tunog na iyon mula sa mga nilalang humahabol sa akin.
Mga nilalang na kumitil sa aking mga magulang at kapatid.
Mga nilalang na walang habas na kinain ang aking buong pamilya.
At dahil sa nakita ko na sila. wala na akong takas dahil hindi sila papayag na may isang buhay na makakaalam ng tungkol sa kanila.
Naririning ko lang sila sa mga istorya.
Mga halimaw na kumakain ng tao.
Kasabay ng pag-ulan ang pagtulo ng aking luha.
Luha mula sa sakit, lungkot at galit.
Bakit sa amin pa?
Bakit sa akin pa?
Bakit sa pamilya ko pa?
Hindi ko napansin na sa sobrang pagiisip ay naabutan na nila ako.
Mula sa mga puno ay bumagsak ang limang kakaibang nilalang.
Mga hugis tao, tindig tao, pero hindi tao.
Matatalas ang kanilang ngipin at kuko. Puti ang kanilang mga mata at ang iba sa kanila ay may bibig din sa kamay.
Katapusan ko na.
Wala na akong takas.
Napapikit na lang ako dahil sa aking kapalaran.
---------------
"HINDEEEEEE!!!!"
Bigla akong napatayo mula sa kama at napasigaw.
Napansin ko na may mga luhang tumutulo sa aking mga mata.
Binangungot pala ako.
Kainis!
Bwisit na panaginip!
Kailangan ipaalala? Kailangan? KAILANGAN???
Kitang nagmumove on eh.
Tss.
Ano ba yan?
"Huy, Althea! Ok ka lang?" Tanong sa akin ng kapwa ko katulong.
Tumango naman ako.
Lumabas muna ako para kumuha ng tubig.
Ramdam ko kasi ang panunuyo ng lalamunan ko.
Madilim pa dahil walang ilaw at saka alas dos palang ng madaling araw.

BINABASA MO ANG
Haunted
FantasíaOk na sana maging katulong para kay Althea. Pero nung malaman niya kung gaano kagulo ang mga aalagaan niya, ayy nako. At ito pa, may something na hindi natural sa magkakapatid. Tapos napuno pa ng kung anu-anong kababalaghan ang school nila. Ano nga...