CHAPTER 19

9 2 0
                                    


Althea's POV

After the mind-blowing revelations about Art's true nature, agad na naming tinignan yung transalation ng libro. The book is indeed rich with knowledge about the supernatural.

But we have no time to admire it.

Hinanap namin yung tungkol sa kalaban namin at nung makita namin iyon ay halos buong gabi kaming nag-device ng plano para ito ay mahuli at maibalik ang aming mga kaibigan.

Araw ng Lunes at kasalukuyan kami ngayong nasa school. Mamayang uwian ay kukunin na yung katawan nila Selene at Cas.

Oras na para gawin namin ang plano para hulihin ang Soul Collector. Ito ang tunay na tawag sa uri nila. Kilala sila sa maraming pangalan.

Grim Reaper, shinigami, Thanatos, Letus, Santa Muerta, at marami pang iba. Their variety of names depends on the culture where they are found.

We've also found out that each soul collector has a master or lord. Meron silang pinagdadalhan ng mga kaluluwang kanilang kinokolekta once they are done collecting it.

Sa kaso ng Soul collector na aming kinakaharap, hindi pa siya kumokota.

We've noticed the common denominator sa mga kinukuha niya.

Maidens.

What happened to Cas was just an accident. Art, deducted na hindi rin ginusto ng collector na kunin si Cas.

Ang susunod na kukunin dapat ng collector ay si Xena. But unfortunately, si Cas ang nakuha nito.

Mabalik tayo sa plano namin.

Kasalukuyan ngayong naglalakad sa isang madilim na hallway si Xena. Actually, hindi talaga namin ginusto na siya ang gawing pain para sa collector pero she insisted.

We waited and waited hanggang sa senyasan kami ni Vlad.

He can sense the presence of the collectors darkness kaya alam niyang nandito na ito ngayon.

At hindi nga siya nagkamali, the collector is now currently floating it's way to Xena.

We can't make any miscalculations dahil buhay ang nakatayo dito.

Once makumpleto ng collector ang mga kaluluwang kailangan niya, tuluyan nang dadalhin nito ang mga ito sa kanyang master.

Papalapit na ng papalapit ang ang collector kay Xena.

Maya-maya

'shshshshsh'

The collector grabbed Xena's shoulder at marahas itong hinarap sa sarili.

But all of this were only a part of an act.

"Hi pogi. Anong kailangan mo?" Ellie said flirtatiously while flipping it's wig na kamukha ng buhok ni Xena.

Alam namin na naguluhan na yung halimaw dahil sa kanyang nakita.

"Ymir! NOW!!!" sigaw ni Vlad sabay labas mula sa kanyang pinagtataguan. He used his scythe to distract the collector.

Ymir appeared out of nowhere and started conjuring a mini-tornado then use it to trap the collector for the second time.

Now it's time for Art's part. Since maalam siya pagdating sa ancient Latin. Siya yung naassign to speak the incantation used to release the trapped souls.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon