CHAPTER 13

11 2 1
                                    



Casimir's POV

Kalat na yung balita about sa babaeng nakitang walang malay dun ulit sa building ng mga grade 10.

May bago na naming epal sa school.

Kakaiba na yung nararamdaman ko ngayon ah.

Dati kasi, kailangan pa naming nila kuya pumunta sa ibang lugar tuwing summer para lang mag-hunt ng mga pasaway na supernatural.

Pero simula nung.....

No, that's not the reason.

"Hoy Haunt!!! Hindi ka na naman nakikinig! Aba, Hindi lang kami ang officer dito noh!" Sigaw sa akin ni Xena.

Aish, isa rin itong bwisit sa buhay eh.

Si Xena ang president ng classroom namin at isang honor student. Pero wala akong paki sa kung ano pa man ang mga achievements niya.

Simula nang ako ay mapili ng mga bwisit na classmates namin para maging vice, hindi na ako tinigilan ng bunganga nitong si Xena.

Utos siya dito, utos siya doon.

Akala mo kung sino.

"Aish, Ano ba kasi yan?!!!" iritang tanong ko.

"Tignan mo! Hindi ka talaga nakikinig eh! Ewan ko ba kung bakit ikaw pa yung naging vice president eh nuknukan na ka naman ng tamad!"

"Nagtatanong na nga ng gagawin diba?!!! Kailangan manigaw?!!!"

"Eh kasi, kung hindi ka pa sisigawan, hindi ka pa kikilos!!!!"

Arghhhh, kahit anong sigaw ko, tatapatan niya lang din ng sigaw.

Ayaw patalo.

Naiirita ako sa kanya.

Nakakapikon siya.

Siya lang nakakasigaw sa akin dito sa school bukod kay Althea.

Ang lakas ng loob. Pasalamat siya babae siya, kahit hindi halata.

"Mabalik tayo sa pinaguusapan." Huminahon na ulit siya at humarap sa iba pang officers.

Kami-kami na lang ngayon ang nasa classroom dahil uwian na. Nagpaalam naman ako kila kuya na hintayin ako dahil ayaw akong pauwiin ng epal na Xena na ito.

Nabigay ng mga insights yung ibang officers, ako tahimik lang na nakikinig.

Maya-maya humarap naman na sa akin si Xena.

Ano na namang problema nito?

"Ikaw, mr. Haunt? May isasuggest ka ba?" taas kilay nitong sabi.

"Tss, WALA." Sabi ko sabay tingin sa bintana.

Umirap lang ito sa akin at pagkatapos ay dinismiss na kami.

Lumabas na kaming lahat. Ako naman ay dumiretso sa locker ko para magiwan ng gamit.

Imbis na kasama akong magimbistiga dun sa nangyari eh.

Kaasar.

Malamang tapos na sila kuya at medyo madilim na.

Xena's POV

Kahit kailan talaga,walang kwenta yung Casimir na iyon.

Naturingan na vice president, pero walang ibang ginawa kundi ang makipag-basag ulo.

Wala namang gustong palitan siya dahil maraming babae ang may gusto sa kanya. Wala namang pakielam yung ibang boys.

Psh.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon