CHAPTER 20

15 2 0
                                    


Hello po ulit, hehehe

-------------------------------------

Althea's POV

"HOY VLAD!!! GISING NA!!!!" sigaw ko sa damuhong nakadapa sa kama at kanina pa hindi gumigising kahit kanina ko pa ginigising.

Redundant ba? Edi wow.

Sorry sa nasusungitan. Nadadala lang ako sa mood ko dahil sa mokong na itong ayaw pang gumising.

Ok stop with the gising-thing.

"Huy VLADIMIR! ANO BA???!!" sigaw ko ulit. Sa wakas tumayo na rin siya mula sa kama.

"Why do you have to be so freaking noisy???!!!" reklamo nito.

"Che, sabi nang kailangan nating pumasok ngayon eh. Anong oras na oh? 10:00am na!" pangaral ko.

"Tss, Ayokong pumasok ngayon. Diba sabi ni ma'am hindi required na pumasok? Bukas na lang!!!" babagsak na sana siya sa kama pero pinigilan ko agad siya.

"Hep, hep, he---- ayyy, tokwa!!!!" sigaw ko. Paano kasi, imbes na mapigilang bumagsak ay hindi ko kinaya ang bigat niya at napasama ako sa pagbagsak niya. Ang itsura tuloy namin ay para akong nakapatong sa kanya.

O///////O

Agad na sana akong tatayo pero biglang bumalikwas si Vlad. Ang itsura naman namin ngayon, siya na yung nasa itaas ko.

Potek na yan oh.

Ang lapit ng mukha niya masyado.

Hindi ako makagalaw dahil sa bigat niya, buti na lang at medyo nakasupport yung mga braso niya, pero mabigat pa rin siya >_<

"U-umalis ka nga, Alis! Ang bigat mo kaya!" reklamo ko.

Nagsmirk muna siya tapos bigla na siyang tumayo at saka tumalikod.

"Tss. Panira ka talaga ng tulog" bored na wika niya.

"Ikaw na nga nasa panaginip ko, tapos ikaw pa gigising sa akin. Ano ba yan? Mapagising o tulog para akong nasa bangungot!" Nangaasar na wika nito.

"Che!" sigaw ko.

Tumayo na rin ako at saka nagsimulang magligpit ng kama niya. Aba siyempre, maid pa rin ako noh.

Pero ano daw yung sabi niya?

'Ikaw na nga nasa panaginip ko, tapos ikaw pa gigising sa akin.'

Luhhh, baliw na si Vlad. Kung anu-anong pinagsasasabi.

Matapos nun ay lumabas na ako ng kwarto niya. Nakauniform na ako pero dahil sa bwisit na Vlad na iyon, medyo nagusot tuloy yung suot ko. Ngayon nga pala ang unang araw ng fare, kailangan naming pumasok kasi pareho pa kaming walang organization kahit mga grade 10 students na kami.

Wala kasi akong matipuhang club dati. Kaya hanggang ngayon, wala akong club. Sana may mga bagong club ngayon na pwedeng pasukan.

After a few millenia, lumabas na si Vlad sa kwarto niya.

Tinignan niya lang ako. Ako naman inirapan lang siya.

Galit-galit na naman kami. Ewan ko ba dito sa mokong na ito. Maya-maya ang bait, maya-maya ang sungit. Bipolar yata ito eh.

Si Cas at Ymir nauna na since may mga club naman na sila.

Si Cas, kahit ganun yun. GANUN NA TALAGA YUN!!! Haha.

De joke, member din siya ng student council dahil vice president siya sa classroom nila.

Si Ymir, isa sa mga officer ng 'Otaku's Guild' o yung organization na para sa mga anime lovers. Member din siya ng 'Mystics' o yung oragnization na mahilig sa video game na Mystic Craft. Kasama niya dun si Art. Marami pang organization na sinalihan si Ymir. Baliw kasi yun eh. Kung anu-ano inaatupag imbis na mag-aral.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon