Althea's POV
"Ate? Are you happy?" biglang tanong ni Xena.
Nasa food court kami ngayon at nagpahinga muna para kumain, tapos mamaya ay uuwi na kami.
"Ha? Oo naman. Masaya ako dahil ito ang first na girl-bonding natin. Hihi" sabi ko.
Napangiti naman silang tatlo doon.
"Bakit mo nga pala natanong?" tanong ko.
"Eh, kasi girl. Simula pa noong practice, Ay mali, simula pa nung nakita kita ulit, para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Buti na lang at naisipan ni Xena na gumala." Singit ni Joy.
Tumango naman yung dalawang mas bata.
"Is there something wrong ate Althea?" tanong ni Lara.
Hmm, palagay ko pwede ko naman silang pagsabihan ng problema. Nakita ko naman na kung gaano sila kabait.
"Uhm, medyo naging off kasi kami nung iba ko pang kaibigan eh." Panimula ko.
Pinaliwanag ko sa kanila yung normal na details. Siyempre tinago ko na yung mga weird na bagay kasi nandyan sila Joy at Lara. Hindi na nila dapat pang malaman ang tungkol doon.
"Ahh, kaya naman pala... So ibig sabihin, until now ay cold pa rin sila sa isa't-isa, kahit ikaw?" tanong ni Joy.
Tumango naman ako.
"Don't worry ate, We will help you para mabuo ulit yung group of friends mo. At saka para makilala na rin nila sila ni ate Joy. Edi magiging malaki yung barkada." Masiglang wika ni Xena.
Excited na sumang-ayon yung dalawa. Kahit si Lara mukhang nawala na rin yung kaninang iniisip.
"Hmm, eh paano pala natin yun gagawin?" tanong ko.
"Edi, kailangan mapagsama-sama kayo sa iisang lugar para makapag-usap kayo." Payo ni Joy.
"Paano naman yun?"
"Find something all of you have in common." Biglang wika ni Lara.
Napaisip ako doon.
Something in common....
May naisip ako pero.... hindi ko pwedeng sabihin ng malakas sa harap nila Joy at Lara.
Lahat kami ay involved sa supernatural.
Pero hanggang ngayon, wala pa rin namang nangyayaring kababalaghan sa school namin at saka ayoko din naman dahil maraming estudyante ang maaring mapahamak.
"Hmm, wala eh. Magkakaiba kasi kami ng hilig." Sabi ko na lang.
"Aha!!! Alam ko na!!!" biglang sigaw ni Joy na siyang kumuha ng atensyon ng marami dito sa food court. Agad siyang nakaramdam ng hiya kaya ngumiti na lamang siya at saka nag-peace sign.
"Alam ko na." Ngayong ay mas mahina na niyang sabi.
Bigla niyang tinipon yung dalawang bata at saka bumilog. Hindi niya ako sinali.
Grabe sila oh.
"Huy, ano ba yang plano mo? Sali naman ako oh." Pagtry ko na maki-singit.
"Dyan ka muna ate. Maganda itong plan ni ate Joy eh." Xena.
"Eh, bakit ayaw niyo akong isali?"
"Basta! Para sa iyo ito at sa mga kaibigan mo." Joy.
"Trust us, ate." Lara.

BINABASA MO ANG
Haunted
FantastikOk na sana maging katulong para kay Althea. Pero nung malaman niya kung gaano kagulo ang mga aalagaan niya, ayy nako. At ito pa, may something na hindi natural sa magkakapatid. Tapos napuno pa ng kung anu-anong kababalaghan ang school nila. Ano nga...