"I'm sorry? Do I know you?" tanong sa akin nung lalaking nakasabay ko sa pagkuha ng libro.
Ay shucks. Awkward.
Ang OA ko naman kasi eh.
"Ah, eh. Hehe. Sorry, ako nga pala si Althea. Sa class 4-A ako. Diba ikaw yung napabalitang walang malay sa isang classroom dun sa building ng mga fourth year?" tanong ko.
Di ako pwedeng magkamali. Siya yun. Nahagip kasi ng paningin ko yung itsura niya nung binaba siya sa building namin.
"Uhm, yup it's me. Nakakahiya naman na kilala ako as a helpless person. By the way, I'm Matt? Nice to meet you, Althea." Wika nito sabay ngiti sa akin.
O///////O
Shemay, ngayon ko lang narealize na ang pogi niya pala.
Ano ba yan. Nabubuhayan ang malandi kong espiritu.
Hala siya, Althea. Maghunos-dili ka nga. Focus. Focus.
Napansin ko na nakalahad pala yung kamay niya para makipag hand-shake.
IHHHHH. ENEBE.
Aish! Shatap, hormones. SHATAP.
Inabot ko na lang yung kamay ko para hindi obvious na kinikilig ako.
Ang lambot ng kamay niya.
"Uhh, so do you need that for your assignment?" tanong niya. Sabay turo sa libro na ngayon ay hawak ko na.
"HA? A-ah hindi, nababagot lang kasi ako. Naghahanap lang ng mababasa. Ang boring kasi dito. Ikaw ba? School project?" tanong ko.
"Nope. May gusto lang malaman." Sagot niya.
Sabi na. Mukhang naalala niya yung nangyari sa kanya.
"You said that your bored. Bakit? may hinihintay ka ba dito?" tanong naman niya.
"Oo eh" sabi ko sabay tingin sa tatlong unggoy na naguusap dun sa isang mesa.
Mukhang sinundan ni Matt yung tinitignan ko.
"Oh, I remember you." Sabi niya bigla.
"Talaga?" takang tanong ko. paano?
"Yup, your the one na laging kasama nung Haunt brothers, specially Vladimir. So the two of you are what? A couple?"
"Ahhhh, eh, hehe. Oo, ako nga yun.------wait, what?! Couple? Hindi noh!" todo deny ko.
"Okay, chill. Well that's great, akala ko taken ka na. Good thing na hindi pa." Pahina ng pahina yung boses niya kaya hindi ko narinig yung last sentence niya.
"Ano yun?" tanong ko.
"Nothing, so tutal hinihintay mo pa naman sila. Can we chat for a while. You look like a fun person." Sabi niya.
Shemay, fun person daw.
Yieeeee. Althea!!!! Kumalma ka, hahaha.
Naghanap kami ng mauupuan para naman makapag 'chat' daw kami.
"So ano yung gusto mong malaman?" tanong ko.
Bigla siyang lumapit ng kaunti para walang makarinig na iba. Pansin ko rin ang pagseryoso ng mukha niya.
Gulay naman oh.
Wag ka ganyan koya.
"Something is not right when the incident happened." Wika nito.

BINABASA MO ANG
Haunted
FantasyOk na sana maging katulong para kay Althea. Pero nung malaman niya kung gaano kagulo ang mga aalagaan niya, ayy nako. At ito pa, may something na hindi natural sa magkakapatid. Tapos napuno pa ng kung anu-anong kababalaghan ang school nila. Ano nga...