Althea's POV
Hmmm. Ang sarap matulog.
Ang lambot ng kama.
Ang lambot ng unan sa ulo ko.
Ang lambot ng comforter na ginawa kong kumot.
Pakiramdam ko tuloy mayaman ako.
Ang sarap naman yakapin nitong unan na ito.
Para siyang may heater kasi mainit.
Pero medyo matigas, ok lang lang komportable naman eh. Sobra.
Ang cute lang kasi parang nakayakap din yung unan sa akin.
Lalo ko itong niyakap kasi ang bango niya.
Ang bango-bango.
Teka nga...
Nasa future na ba ako? Bakit ang sosyal ng unan ko? High-tech.
Nevermind.
Sininghot ko yung unan ko kasi ang bango-bango niya talaga.
*chuckle
Huh? Ako ba iyon? Hindi naman ah.
Sino yung nag-chuckle?
(shucks, sobrang slow ng bida ko, huhu.)
Bahala na nga, inamoy ko ulit yung unan ko at nagulat ako nung medyo gumalaw ito.
Luhh.
"Stop it. Nakikiliti ako" husky na sabi nito.
O____________________O
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!"
(Yes, na-gets din niya, wahahaha. Ay ang epal ko na. Bye na readers. Wahahaha.)
"Awww!!! Aish. Shut up, Althea! Ang sakit mo sa tenga!!!" reklamo ni Vladimir na ngayon ay napaupo dahil sa pagkagising.
"Shut up ka dyan!!! Walang hiya ka! Sabi ko matulog ka lang sa side na iyan, Bakit ka nakayakap sa akin?" tanong ko.
Huhuhu. Bakeeeet????!!!!!
"Ang arte mo naman. Pero kanina kung maka-amoy ka sa akin, kulang na lang isuksok mo yung mukha mo sa kili-kili ko." Natatwang wika nito.
O/////////////O
Oh, my gulay!!!!
Kama, Lamunin mo ako!!!!
"Eh kasi akala ko unan! Asan ba kasi yung unan na dapat ay barrier natin?" Reklamo ko.
"Ayun oh. Ang likot mo kasi." Turo niya sa sahig. Mukhang nalaglag yung unan.
"Anong ako? Baka ikaw!" sisi ko.
"Tss"
Huhuhu, Anong nangyare??
"Kasi naman eh, sabi sa iyo dapat sa kwarto namin na lang ako natulog eh. Hindi naman ako binangungot eh. Ay mali, Ikaw pala yung bangungot." Asar ko.
"Psh, ha-ha-ha. Corny mo. Ikaw kaya yung mukhang bangungot sa atin." Ganti niya.
"Grrr. Manyak!" sigaw ko.
"Manyak daw? Sino kaya yung wagas makasinghot sa atin?"
"Sino kaya yung wagas makayakap?"
"Sino kaya yung wagas makadikit ng mukha?"
BINABASA MO ANG
Haunted
خيال (فانتازيا)Ok na sana maging katulong para kay Althea. Pero nung malaman niya kung gaano kagulo ang mga aalagaan niya, ayy nako. At ito pa, may something na hindi natural sa magkakapatid. Tapos napuno pa ng kung anu-anong kababalaghan ang school nila. Ano nga...