CHAPTER 28

12 2 0
                                    


Althea's POV

Kitang-kita ko ang pagkayamot sa mukha ni Vlad dahil hindi nasagot ni ma'am Davil ang ilan sa mga katanungan na bumabalot sa amin ng misteryo.

Mabilis na lumabas ng clinic si Vlad, akala ko ay didiretso lang kami sa classroom.

Nagulat naman ako nung pagdating namin ay bigla na lamang hinila ni Vlad si Allison mula sa upuan nito. Matapos ay dinala siya sa labas. Todo sunod naman ako.

"Hey baby, anong kailangan mo?" Allison said in a flirty tone.

Pero hindi iyon pinansin ni Vlad, puno ng linya ang mga noo niya dahil sa pagkainis.

"Spill it, Allison. Where did you get your necklace?" tanong nito.

I felt awkward dahil doon sa tanong niya. Alam kong wala ako sa tiyempo para mag-isip ng ganun pero Vlad sounded like an insecure teenager.

Nakita kong naningkit yung mga mata ni Allison.

"W-what necklace?" she asked.

"Stop pretending as if you don't know, Allison!" nanggagalaiting wika ni Vlad.

Sumingit na ako sa usapan.

"Vlad, stop! I think wala talaga siyang alam." Sabi ko pero parang wala lang siyang narinig.

"Come on, Allison. Tell me who is Avernus." He ordered.

Hinawakan ko na siya sa kaliwang braso niya para patigilin.

"Tama na, Vlad. Allison is innocent ginamit lang siya." Wika ko.

Pero dahil malakas siya ay inalis niya lamang yung pagkakakapit ko sa kanya.

Patuloy lang siya sa pagpilit kay Allison kaya naman napikon na ako.

Dahil sa inis ay marahas ko siyang hinila paharap sa akin.

I don't know what I did next pero after it, nakita ko na lang ang sarili kong nasa itaas ni Vlad habang siya nakabagsak na sahig.

"I said stop it, Vlad." I said with my coldest tone. I don't know either kung saan ko rin nakuha lahat ng lakas ng loob na iyon para pigilan si Vlad. Pero maganda na iyon dahil kawawa naman si Allison. Kahit naman na mahadera siya ay mortal pa rin siya ay walang kalaban-laban.

Nung marealize ko kung ano yung ginawa ko ay napansin ko ang pagtataka sa mga mukha ni Vlad.

What's happening to me?

Bakit parang hindi ko na kilala yung katawan ko?

Naka-drugs ba ako?

Napatayo ako matapos nun, nakita kong naluluha na si Allison dahil sa ginawa sa kanya ni Vlad, bigla na lang siyang umalis at nawala sa aming paningin.

Naguguluhan na naman ako.

Dahil sa pagkawindang ay napansin kong dinadala na pala ako ng paa ko kung saan.

Bigla-bigla na lang akong nagiging ganito.

I feel so impulsive.

Kinakabahan ako kasi baka mamaya makapanakit na naman ako at next time baka inosente na ang masaktan ko.

Bakit ba ako nagkakaganito.

Kinonfirm naman ni Vlad na tao ako.

"Althea, wait!" sigaw ni Vlad sa likod ko.

Sinundan niya pala ako.

Hala, hindi ko napansin na nasa labas na pala ako ng school.

Nung makalapit si Vlad ay agad ko siyang tinanong.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon