Althea's POV
After class, agad na nagpaalam na ako sa mga classmates ko para pumunta sa archery club to practice.
Since marami na rin akong nagawa sa mga props. Pinayagan naman nila ako.
After a few days, napansin ko na mabilis ko na ring nagagamay ang archery.
I feel good everytime I held a bow.
Natutuwa nga si coach sa akin dahil ang bilis kong matuto although nung simula talaga ay mukha akong tanga dahil hindi man lang umaabot sa target yung mga pana ko. Well, wala namang taong pinanganak na magaling agad sa mga bagay-bagay.
Naalala ko na naman yung insidente about sa brain-washing necklace.I think it's only adrenaline rush. My reflexes are inhuman. My senses are sharper. And my aim suddenly became accurate.
"ang galing mo na, Althea! Kakainggit ka." Usal ni Joy na katabi ko ngayon.
"Oo nga po, ate. Ang galing mo na!" Masiglang sabi ni Xena.
Nakaupo pala sa gilid namin sila Xena at Lara. Lagi na nila akong sinasamahan every practice.
Napansin ko na bukod sa tahimik si Lara ngayon, which is normal naman, she seemed to be pissed off. Ang diin ng pagkakatapak niya sa mga damo sa field na parang may tinitiris na kung ano.
After letting go my last arrow, nilapitan ko na siya.
"Something wrong?" tanong ko.
"Oo nga girl. Anyare ba?" Joy.
"Ymir has been pestering me ate." Sumbong ni Lara.
"Bakit ano bang ginawa mo?" tanong ko.
"Wala naman." Sagot niya.
"Ahhhh." Sagot ko.
Nakita kong napalingon sa akin silang lahat.
"Why, ate?" Naguguluhang wika ni Lara.
"Kasi nga WALA kang ginawa. May sapak kasi iyong batang iyon. Paepal kasi iyon eh. Gusto niya lagi ng atensyon. Kaya ka nun ginugulo kasi, hindi mo siya pinapansin." Paliwanag ko.
"Tss, lahat ba talaga silang magkakapatid, puros baliw?" Tanong ni Xena.
Napatango na lang kami ni Lara ng marahan dahil sa sinabi ni Xena.
"Nagsama-sama ang mga future in-laws." Joy.
Tatlong matatalim na tingin naman ang nakuha niya dahil doon.
"A-ah, ehehe. Joke lang kayo naman." Bawi nito sabay lunok.
"Anyway, so ano ba ang buong pangyayari?" tanong ko.
"Ymir pranked one of my classmates on class, tapos nun ay bigla siyang umalis ng classroom. To my surprise, bigla niya akong kinaladkad kung saan, tapos kinausap niya ako ng kinausap nung napansin niyang hindi ako sumasagot, he threatened to kiss me." Kwento niya.
Nanlaki yung mga mata namin dahil sa sinabi niya bandang huli.
"Ay sis, confirmed. Crush ka nun kaya yun ganun." Wika ni Joy, na kung hindi ko lang kilala ay malamang napagkamalan kong bakla. Siguro magkakaintindihan sila ni Ellie.
"WHAT? No way!" gulat na sagot ni Lara.
"Huy Joy, lukaret ka talaga. Ang bata pa ni Lara para sa mga ganyan. Wag mo ngang iniimpluwensyahan ng mga kalokohan mo." Saway ko.
"Ay, wagas maka-nanay. Para ka namang manang girl." Sabi nito.
"che!" usal ko.
"Eh, ikaw ate Joy. Musta naman ang lovelife mo?" tanong bigla ni Xena na parang kinikilig. Sana lagi na lang siyang ganyan para hindi siya beastmode.
BINABASA MO ANG
Haunted
FantasyOk na sana maging katulong para kay Althea. Pero nung malaman niya kung gaano kagulo ang mga aalagaan niya, ayy nako. At ito pa, may something na hindi natural sa magkakapatid. Tapos napuno pa ng kung anu-anong kababalaghan ang school nila. Ano nga...