Althea's POV
Katapusan ko na.
Wala na akong takas.
Napapikit na lang ako dahil sa aking kapalaran.
Unti-unting lumapit sa akin yung mga halimaw.
Kitang-kita ang gutom sa kanilang mga mata.
Parang walang hanggang pagnanasa na makakain ng karne ng tao.
Tinanggap ko na ang mapait kong kapalaran ng nagsimula nang sumugod yung isa sa kanila.
Kung sabagay, at least makakasama ko na sila papa.
Ilang segundo ko rin na hinintay ang pag lapa sa akin nung halimaw pero nakakapagtaka naman dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong maramdaman.
Pagdilat ko ay isang itim na pigura ang humarang sa aking paningin.
Nababalot siya ng anino.
Para siyang kadiliman na nagkatawang tao.
Para siyang si kamatayan.
Kinilabutan ako dahil sa imahe ng kanyang sandatang dala.
Pero nang mapansin ko ang katawang nasa lupa na may hati sa gitna.
Mukhang itong si palang kamatayan na ito ang pangalawa kong buhay.
Panandalian siyang humarap sa akin at doon ko unang beses na makita ang kanyang magandang mukha. Maganda ang nasabi ko dahil parang hindi sapat ang salitang gwapo para idescribe siya.
OA man pakinggan pero para siyang anghel. Siguro anghel siya ng dilim at nandito para parusahan ang mga makasalanan.
Hindi ko naman maalala na ganun ako kamakasalanan kaya sana naman ay huwag niya ako agad kunin.
Gamit ang kanyang mga anino. Kinalaban niya ang mga halimaw ng buong tapang.
Napakaganda ng imaheng nagagawa niya sa bawat galaw na kanyang gawin.
Parang nakikipag-saway. Nakikipag-sayaw kay kamatayan.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ang laban.
Nagawa niya akong iligtas mula sa mga humahabol sa akin.
Pero ngayon, ano na?
Kukunin na ba niya ako?
Pakiramdam ko, oo dahil ramdam ko na ang pagbigat ng aking mga mata.
Basa ako dahil sa ulan at pagod dahil sa pagtakbo. Mukhang hindi na kaya ng katawan ko.
Kung sino ka man na anghel ng dilim, ikaw na ang bahala sa akin. Niligtas mo naman ako eh.
----------------------------------
Nagising ako na basang-basa ang aking mga mukha dahil sa pag-iyak.
Pesteng panaginip.
Pero siguro, doon na matatapos ang masamang bangungot na iyon. Nasagip na kasi ako ni Vlad eh.
Siguro iniisip niyo kung bakit parang hindi ako kay Vlad thankful kundi sa mga magulang niya.
Iyon ay dahil sa ang mga magulang ni Vlad ang nag-utos kay Vlad na pumunta sa kakahuyan para sa isang misyon. At nagkataong nakita niya ako.
BINABASA MO ANG
Haunted
FantasyOk na sana maging katulong para kay Althea. Pero nung malaman niya kung gaano kagulo ang mga aalagaan niya, ayy nako. At ito pa, may something na hindi natural sa magkakapatid. Tapos napuno pa ng kung anu-anong kababalaghan ang school nila. Ano nga...