Aaaaaaaannd..... I'm baaaaccck!!!!! wahaha. Sensya na kung baliw ako. Anyways, I'm so thankful sa mga nagbabasa at nagvovote. Surprisingly meron naman. wahaha. I really appreciate it. :)
Enjoy reading.
------------------------------------------------------------------
Althea's POV
Sabado ngayon.
Ilang araw na rin ang lumipas mula nung makuha nung reaper yung kaluluwa ni Cas.
Nasa clinic pa rin yung katawan niya. By Monday daw, dadalhin na sila sa hospital para matignan ng mga eksperto.
Hindi dapat kumalat ang tungkol dito kaya naman bago matapos ang araw ng lunes sa darating na linggo ay kailangan na naming mahuli ang reaper at maibalik ang mga kaluluwa nila Selene, Cas at nung isa pang babae.
Nasa mansion ako ngayon at kasalukuyang nasa sala, hinihintay ang pagbaba nila Vlad at Ymir.
Papunta na rin daw sila Ellie dito.
Aalis kami ngayon para humanap ng sagot.
Nung mga nakaraang araw, patuloy kami sa paghanap sa reaper. Kung may anyong tao ba ito o kung saan ba talaga ito nagmula. Pero napagisipan namin na kailangan muna naming kilalanin ng maigi kung ano nga ba ang misteryosong nilalang na ito bago kalabanin.
Tinry namin gumawa ng research sa internet at mga libro pero nabigo kami. Walang makapagsabi kung ano ba talaga ang nilalang na ito.
Merong mga description about sa tunay na Grim Reaper, pero walang makapagsabi kung ano ba ang kahinaan nito at kung kapareho lang ba nito ang kahinaan ng reaper na kalaban namin.
Maya-maya ay bumaba na yung dalawa.
Kita sa kanilang mga haggard na mukha ang pagiging balisa dahil sa nangyari.
Nasa ibang bansa pa rin pala ang mga magulang nila kaya naman hindi rin nila kami matulungan.
Walang kahit sino ang gustong magsalita. Mukhang iniisip pa rin nila si Cas at Selene.
Yung nangyari pala sa parking lot, mabilis na nasulusyonan ni Ellie dahil sa kakayahan niyang kumontrol ng memorya through illusions.
Dapat din pala ay buburahin na din namin ang alala nung Xena, pero agad siyang nagpaliwanag, at nakita namin na mukhang may kailangan sa kanya ang reaper at kapag binura namin ang alala niya ay mahihirapan kaming protektahan siya. Kasama namin siya ngayong aalis. Kasabay niyang pupunta dito si Ellie.
Napansin namin na hanggang sa eskwelahan lang ang ginagawang kababalaghan ng reaper. Wala kahit isang reklamo ang aming natanggap mula sa labas ng Oakwood Academy.
Kung tatanungin ninyo kung saan kami pupunta. Ang sagot ay sa dating tahanan.
Sa lugar kung saan ako dati namumuhay ng may kasamang pamilya.
Ngunit sa isang iglap ay nawala sa isang bwisit na pagkakataon.
Well, move on na.
Dumating na rin sila Ellie at Xena.
Kita ko sa mukha ni Xena ang trauma na dulot ng nangyari kay Cas. Tulala siya at animo ay may malalim na iniisip.
Halata rin sa lalim ng kanyang mata na hindi siya pinatulog ng nakakatakot na karanasan.
"Handa na kayo?" tanong ko.
"Ang tanong. Handa ka na?" Balik sa akin ni Vlad.
Natigilan naman ako dun.
BINABASA MO ANG
Haunted
FantasyOk na sana maging katulong para kay Althea. Pero nung malaman niya kung gaano kagulo ang mga aalagaan niya, ayy nako. At ito pa, may something na hindi natural sa magkakapatid. Tapos napuno pa ng kung anu-anong kababalaghan ang school nila. Ano nga...