Feel the love. Don't ask me why. Just feel it. :)
Sorry ngayon lang ulit nakapad-update...
--------------------------------------------------------------------
Althea's POV
Busy ngayon ang lahat.
Napagpasyahan kasi ng class president namin na sumali sa isang competition na kasamang minanage ng english teacher namin.
It's a theatrical play kaya naman hindi magkanda ugaga ang lahat.
We chose the classical story of Cinderella. Marami naman ang natuwa sa amin dahil doon.
Kasama ako sa production team kaya naman busy ako at ang aking mga kamiyembro sa pagplaplano at pag-isip ng mga props at ilang kailangan sa play.
Si Ellie ang isa sa aming mga direktor.
Si Art ay kasama sa mga naka-assign sa technicals, kaya busy rin siya.
Si Selene naman, dahil wala siyang pakielam ay wala nang nangielam sa kanya. Madalas ay nakikinood lang siya don sa ginagawa ng mga gaganap, pero ang totoo ay sinisilayan niya lang si Ellie na busy sa pag-direct.
Si Vladimir?
Obviously, siya si prince charming.
Well, hindi naman na kasi maikakaila na pogi siya at napaka-talented sa maraming bagay tulad ng pag-act.
Kaya siya sikat dito sa school eh. Effortless sa kanya ang halos lahat.
Habang nagugupit ng mga cartolina for props ay binisita kami ni Ellie.
"Oy, mga beh" tawag niya sa amin.
Nakita kong biglang lumingon si Selene sa direksyon namin at I swear halata sa mukha niya ang tinatawag na selos. Mukhang gusto niyang siya lang ang tinatawag ni Ellie na 'beh'.
"Kamusta na iyan? Ang ganda na ah. Very good my dears!" bati nito.
"Ouch!" biglang daing ng isa sa aming nagugupit.
Paglingo ko ay nakita kong si Bea pala ito at mukhang nasugatan niya ang kanyang sarili.
"Shucks, Ang shunga ko talaga." Ani nito sa sarili.
Nakita kong pumatak ang konting dugo sa sahig.
Sinipsip niya ang kanyang daliri para pigilan ang pag-dugo.
Maya-maya ay isa sa aming mga kasama ang nagsalita.
"Ellie, are you ok?" tanong nito.
Paglingon ko kay Ellie ay biglang akong kinabahan.
Nanginginig ang kanyang katawan.
Nakatingin lang siya kay Bea at parang hindi maalis ang kanyang mga titig sa daliri nitong ngayon ay sipsip-sipsip pa rin ng dalaga.
Oh no.
"Ellie, tara nga muna samahan mo ako, may kukunin lang" sabi ko.
I tried pulling Ellie away pero parang napako siya sa kinatatayuan niya.
Nakita kong napa-uwang ang kanya mga labi.
Kinabahan ako kasi baka makita siya ng iba dahil humahaba na yung mga pangil niya.
"Elmer! Halika nga!" Out of nowhere, biglang sumulpot si Selene at saka malakas na hinila si Ellie. Palagay ko ay gumamit siya ng extrang lakas doon dahil nagawa niya itong hilahin.
BINABASA MO ANG
Haunted
FantasyOk na sana maging katulong para kay Althea. Pero nung malaman niya kung gaano kagulo ang mga aalagaan niya, ayy nako. At ito pa, may something na hindi natural sa magkakapatid. Tapos napuno pa ng kung anu-anong kababalaghan ang school nila. Ano nga...