MARIA's POV
Pakiramdam ko'y ngayon lang ako nakasagap ng hangin. Walang segundo akong pinalipas na hindi ako humihigop ng hangin. Para akong matagal nang natutulog at ngayon lamang nagising.Iniangat ko ang ulo kong nakasandal sa may sahig. Tumayo ako at natagpuan ang sarili ko sa loob ng isang masikip na kuwarto. Mayroon itong ilaw na aandap-andap, mga parte ng mga kompyuter at iba pa na nakatambak lamang na parang bundok sa taas. Mayroon din ditong nag-iisang upuan at isang lalaking walang damit na maraming pantal sa likod habang nakagapos ang mga kamay pataas. Agad ko siyang nilapitan.
"Naku! Anong nangyari sa'yo?" bulalas ko.
"Pakawalan mo na ako," matamlay niyang sagot.
Agad ko naman siyang sinunod at pinalaya mula sa pagkakagapos. "Nasaan ba ang damit mo?"
Nilingon ko ang paligid at nang may makita akong T-shirt sa gilid ay agad ko itong isinuot sa kaniya. Sinubukan niyang tumayo pero parang sinimento ang nga paa niya. Hirap siyang igalaw at parang mabigat. Inilagay ko ang braso niya palibot sa leeg ko at iniangat ko siya mula roon. Para siyang isang sakong bigas sa bigat pero pinilit ko hanggang sa maingat ko siya. Inakay ko na lang siya palabas ng kwarto na iyon.
Tumambad sa amin sa labas ay hele-helerang mga kompyuter na wala pang kahit isang tao ang gumagamit. Wala pang nasa loob pero nang palabas na kami ay isang kulot na babae ang nasalubong namin na papasok ng babasaging pinto.
"Ma'am Alena, ano pong nangyari sa kaniya? Kailangan mo ng tulong?" aniya.
"Alena?" pagtataka ko. "Hindi iyon ang pangalan ko."
"Ano pong ibig mong sabihin?" Kumunot ang noo ng kulot na babae.
"Wala. Tulungan mo na lang ako kung saan siya pwedeng dalhin para magamot siya."
"Ano po ba ang nangyari sa kaniya?"
"May mga latay siya sa likod na hindi ko alam kung saan galing pero nasa kwarto siya na iyon nang makita ko siya." Itinuro ko ang kwarto kung saan kami galing kanina.
"Sige po. Dalhin na lang natin siya sa clinic."
"Huwag na. Iuwi niyo na lang ako," saad ng lalaki na akay ko.
Tinulungan ako ng kulot na babae na akayin din siya. "Ano ba kasi ang ginagawa mo sa stock room? At anong nangyari sa'yo?"
"May pinakuha lang sa 'kin si ma'am Alena tapos may pinakialaman ako kaya nabagsakan ako ng gamit doon sa likod," sagot ng lalaki sa kaniya.
Nakatapak na kami sa loob ng elevator. Isang floor pa lang ang binababaan nito ay muli na naman itong bumukas para magsakay.
Isang matandang lalaki na may mahabang balbas ang bumungad sa amin. Nanlaki ang mga singkit niyang mata.
"Chase, anong nangyari sa'yo?" tanong niya at agad na tumuntong ng elevator para lapitan ang lalaking akay namin. "Alena, anong nangyari? Kanina lang inutusan kitang i-orient mo siya pagkatapos ganito na ang nangyari."
Chase pala ang pangalan niya. Tumingin muna sa akin si Chase bago sumagot. "Sir, nabagsakan ho kasi ako ng mga gamit sa stock room."
"Opo, sir. Nabagsakan po siya," saad ng kulot na babae.
"Ano ba kasing ginagawa mo sa stock room, Chase?"
"Sir, may pinakuha lang ho si ma'am Alena. Pero, ako po ang may kasalanan. Hindi po kasi ako nag-iingat."
"Kahit na, bago ka pa lang. Alena, dalhin mo na muna siya sa hospital para ma-check siya ng doctor. Pagkatapos nu'n, mag-uusap tayo, okay? Ikaw na muna ang bahala kay Chase sa ngayon."
Nang dumating sa unang palapag ang elevator, nagpaalam muna si Chase sa lalaking may makapal na balbas bago ko siya inakay palabas ng building na iyon. Hindi na sumama ang kulot na babae. Nag-abang kami ng taxi at agad namang may nakuha.
Nagsabi si Chase ng address sa drayber at umandar na ang taxi palayo sa building na iyon.
Tumigil ang taxi sa harap ng isang two-storey na bahay na nababalot ng kulay berdeng pintura. Lumabas na si Chase ng taksi matapos iabot ang bayad.
"Teka. Akala ko ba sa ospital tayo pupunta?" tanong ko.
"Hindi na. Hindi naman talaga ako nabagsakan ng mga gamit sa stock room, hindi ba?"
Lumabas na rin ako roon. Umalis na rin ang taksi.
"Pero, may mga pantal ka. Saan mo ba talaga iyon nakuha?"
Kumunot ang noo niya. "Nakalimutan mo na ba? Ikaw ang may gawa nito sa 'kin."
Kumunot rin ang noo ko. "Ako? Paanong ako?"
"Pwede bang pumasok muna tayo sa bahay? Doon na tayo mag-usap. Ang sakit kasi ng katawan ko dahil sa' yo. Gusto kong mahiga."
Nauna na siyang maglakad. Kaya na niyang mag-isa pero dahan-dahan lang at puno ng pag-iingat.
Binuksan niya ang pinto ng bahay nila at may couch na agad bumungad. Marahan niyang inihiga roon ang nilatay niyang katawan.
"Impossibleng ako ang may gawa niyan sa'yo. Kakagising ko lang kaya," sabi ko.
"Kakagising?"
"Oo, ngayon lang ako napunta rito."
Napabangon siya. "Anong ibig mong sabihin?"
Naupo ako sa tabi sa paanan niya. "Hindi ako ang may gawa niyan."
"E sino?"
"Si Alena."
Dumoble ang laki ng mga mata niya. "Hindi ba ikaw iyon?"
"Hindi noh. My life will never be as miserable as her."
"E sino ka?"
Ngumisi ako bago ibinigay ang sagot sa tanong niya. "Ako si Maria. Maria Saez."
"Multiple Personality Disorder. Sabi ko na nga ba. Totoo ang sakit na iyon."
Bilog na bilog ang mata ni Chase. Bagay na bagay iyon sa mukha niya.
"Tingin mo ba sa akin ay isang sakit lang?"
"Ikaw ba ang host ng katawan na iyan?"
Nilaro-laro ko na parang gumagawa ng ipo-ipo ang buhok ko. "Well, sa totoo lang, hindi ako. Si Alena talaga. Pero kung ako ang tatanungin, mas maganda ako na lang ang maging host talaga para hindi na siya mahirapan. Masyado nang miserable ang buhay niya. At iba ako sa kaniya, tandaan mo iyan. Hindi ko kayang gawin iyang ginawa niya sa'yo."
"Bakit? Ano ba ang pinagkaiba ni Maria kay Alena?"
Tumigil na ako sa paglalaro ng buhok. "Marami. I have the life she has always wanted."
"Pwede bang maging magkaibigan tayo?"
Tinitigan ko muna siya bago sumagot. "Basta mangako kang huwag mong sasabihin kay Alena na nagpakilala ako sa'yo ngayong gabi. Quiet ka na lang, ah. Baka hindi na kasi niya ako palabasin o baka hindi na ako makalabas."
"Mas gusto kong lumalabas ka kaya huwag kang mag-alala. Safe ang sirekto mo sa'kin."
Inalok ko na siyang makipagkamay. "Friends."
Ini-lock naman niya roon ang kamay niya. "Friends."
Hindi ko mapigilang hindi mapangisi.
BINABASA MO ANG
She's Dominant (SPG/Mature)
Romance[TAGLISH] Alena, a victim of a controlling and abusive father, seeks control over to herself as her dark past and traumas try to seize her own body in the form of a new personality. *** Alena has always been a victim, dominated by her father and hau...