13.1 - Their Vacation (Part 1)

2.8K 25 0
                                    

ALENA's POV


Nagising ako sa tunog ng telepono ko. Nakapikit kong kinapa at nakuha ito sa tabi ng unan ko. Mayroong tumatawag.

“Hello?” bungad ko nang sagutin ang tawag.

“Hello, Alena. Naaprubahan na iyong leave request natin!”

Napabangon ako ng kama. “Talaga? Naku, mabuti naman.”

“Ano tara? Bakasyon tayo.”

“Saan naman?”

“Well, base sa na-research ko. Must see raw ang Gigantes island. Ano tara?”

“Alam mo ba pumunta?”

“Huwag kang mag-alala. Moderno na ang technology ngayon. At isa pa, na-research ko naman na ‘yong lugar. Ano tara? Sunduin kita mamaya.”

“Sige. Sige. Maghahanda na ako ng mga gamit ko.”

“Okay. See you later.” Ibinaba na niya ang tawag.

“Yes!” bulalas ko. Napakuyom pa ako ng kamay.

Pagtayo ko, may napansin akong shopping bags sa gilid ng damitan ko. Sinilip ko ang mga laman nito. Mga damit na naman. At tiningnan ko ang suot ko, bago na naman.

Umaasa akong makakatulong ang bakasyon na ito para payapain ang utak ko. Sana nga maging daan na ito para gumaling ako.

Nagsimula na ako maghanda ng gamit. Pagkatapos ay nag-ayos na ako. Maya-maya, dumating na si Chase.

"Ready ka na?" tanong niya.

"Nandoon na nga ang utak ko kanina pa. Nauna na siya," nakangiti kong tugon. Sabay hila sa dadalhin kong gamit palabas ng bahay.

Sumakay kami ng taxi papuntang airport. Tutal may nakuha siyang promo, nagamit niya iyon para hindi magbayad ng malaki. Ilang oras din ang inantay namin bago nakasakay ng eroplano. Hindi na bago sa akin ang pagsakay ng eroplano pero nae-excite pa rin ako sa tuwing sasakay ako.

Ilang oras lang, nakababa na rin kami sa aming destinasyon. Nagtanong kami sa mga taga-roon kung ano ang mga possibleng sakyan papunta sa eksatong lokasyon ng Gigantes island. Sumakay kami ng bus. At nang marating namin ang lugar malapit doon, nag-renta muna kami ng kwarto dahil inabot na rin kami ng gabi.

“Isang room lang po ba, Sir? Magkasama na kayo ng girlfriend niyo,” sabi ng babae na tumatao sa bulwagan ng payak pero de-kuryenteng bahay panuluyan na iyon.

“Ah, hindi ko pa siya girlfriend.”

Nagulat ako sa sinabi ni Chase. Napangiti na lang ako. Hindi niya "pa" raw ako girlfriend. Ibig sabihin, may balak ang taong ito na gawin akong girlfriend. Tiningnan ko siya. Napatanong ako sa sarili ko.

Bakit hindi?

Gwapo naman siya. Matalino. Maalahanin. Mabait. Matulungin. At higit sa lahat, masaya ako kapag kasama ko siya.

“Alena,” saad niya. “Alena?”

“Huh?” Lumilipad na pala ang isip ko. Mabuti na lang at tinawag niya ang atensyon ko.

“Dalawa ang kinuha kong room. Okay lang ba?”

“Oo, sige."

“Ay, pasensya na ho. Naka-reserve na ho pala iyong ibang rooms. Isa na lang po ang available,” ani babae.

“Ah, sige ho. Maghahanap na lang kami baka meron pa sa iba. Tara, Alena.”

Nagbalak na siyang maglakad palayo.

“Hindi, okay na ‘yun. Kunin mo na.”

Humarap siya sa akin na bahagyang nakakunot ang noo. “Sigurado ka?”

Tumango ako. “May tiwala naman ako sa’yo, Chase. Hindi ka naman ganoong tao. Saka ilang beses na rin, hindi ba? Ngayon pa ba ako magpapabebe." Lumapit ako sa kaniya upang bumulong. “Ikaw nga ang ‘di dapat magtiwala sa akin. Baka saktan ulit kita.”

"Sana all nadidiligan palagi," bulong ng babae na kaharap namin.

Tumawa ako ng mahina.

“Actually, ‘yun talaga ang dahilan kung bakit gusto ko magkaiba rooms natin,” bulong niya.

“Sorry. Isa na lang ‘yong room. Okay na 'yon, miss. Kukunin na namin.”

Ihahatid na kami sa room ng isa sa mga nagtatrabaho roon kaya sumunod na ako. Si Chase naman nanatiling nakatayo sa pwesto niya.

“Chase, tara na.”

“Wait lang. Baka may makita pa akong iba.” Nagtingin siya sa telepono niya.

Lumapit ako sa kaniya at hinila siya. “Wala na. Tara na.”

“Patnubayan ako nawa ng mababait na anghel at hindi nila ako hayaan dalawin ng masasamang elemento ngayong gabi,” pabulong-bulong niya.

Inaasar ko lang naman siya pero tila masyado niyang sineseryoso ang mga bagay-bagay. Natatawa na lang ako sa itsura niya. Bakas ang kaba sa mukha niya.

Sinamahan na kami papunta sa kwarto na kinuha namin. Isang kwadrado lang ang kwarto. Pero sakto naman na ang laki nito sa aming dalawa. Mayroong isang malaking kama. May aircon. May banyo.

Inayos muna namin ang mga gamit bago nagpahinga.

Kinabukasan. Lumabas ako ng kwarto. Medyo nasa taas ang nakuha namin kwarto kaya pwedeng pagmasdan ang ibaba mula rito. Tahimik ang lugar na ito. Iilan lang kasi ang tao rito. Iilan lang rin ang dumarayo. Maraming puno’t halaman sa paligid kaya’t magandang pagmasdan. At ang dagat na tanaw rin mula rito, bukod sa marasap sundan ang mga alon, nakakagaan rin ng pakiramdam na pagmasdan.

Marami ring massive rock formations. Ang sabi nila makapigil-hininga raw ang mga tanawin dito. Mukhang tama nga sila.

Lumabas rin ng kwarto si Chase. Nakasando na siya at shorts panglangoy. Handa na ata siya.

“Gusto mong magpicture-picture? May alam ako kung saan maganda.”

Napangiti ako sa sinabi niya. “Bihis lang ako ng swim wear outfit. Pipicturan mo ako, ah.”

Nakangiti siyang tumango.

Sinara ko iyong pinto at tinanggal ang damit ko. Maganda naman pala ang suot kong itim na bra’t panty. Okay na ito. Hinanap ko na lang iyong swimsuit cover up ko para matakpan pansamantala ang suot ko habang naglalakad kami.

Paglabas ko ng kwarto, niyaya ko na si Chase na lumabas na. Naglakad na kami papunta sa sinasabi niyang lugar na maganda kumuha ng litrato. Kinailangan naming sumakay ng bangka.

“Welcome to Bantigue island. Maganda ba?” saad niya pagbaba namin at pag-apak muli ng paa ko sa buhangin na puting-puti ang kulay. Napakalinaw ng tubig na parang salamin at mayroon ding "sand bar" kung tawagin. Talagang makapigil-hininga nga.

“Ang galing may stretch ng white sand sa gitna,” masaya kong sabi.

“Ayon sa na-research ko, tuwing low tide lang daw iyan lumalabas kaya sulitin na natin.”

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon