25 - Their Ending

1.9K 25 0
                                    

ALENA's POV


Nasa loob ako ng isang madilim na kwarto at nakita ko ang bata kong sarili na umiiyak. Tinitigan ko ang pinto at kusa iyong nagbukas. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tanaw ko ang mundo ni Maria mula rito. Ang bahay niya na maliwanag at maganda. Naglakad ako palabas.

Nasa gitna ako ng paglalakad nang may matanaw akong bahay sa gawing kaliwa ko. Katulad rin ito ng mga bahay namin ni Maria rito sa alter ego world pero ang bahay na iyon ay bukod sa madilim ay matindi na ang sira at parang nasunog pa. Napansin ko na iyon noon tuwing mapupunta ako sa mundong ito pero sobrang layo niyon kaya akala ko ay wala lang. Hindi ko akalain na lahat pala ng nasa loob ng mundo na ito ay may dahilan.

Huminga ako ng malalim habang nakapikit. Sa muling pagdilat ko, nakita ko si Maria sa bandang harapan ko na nakatayo. Malayo man ay tanaw ko siya mula sa liwanag.

"Ikaw ang katauhan na pinangarap kong maging. Hindi man ako katulad ng kung ano ka ngayon. Alam kong possible pa rin naman akong maging iyang katauhan na iyan kung hindi ko isusuko ang mga pangarap ko. Ilalaban ko ito. Parte kita na hindi ko nabuo, Maria. Bubuoin kita," saad ko sa kaniya.

Nilingon ko naman sunod ang sira-sira at tila nasunog na bahay. Nakatayo sa labas niyon ang sarili ko na natatakpan ng buhok ang kalahati ng mukha—si Lizzie.

"Ikaw naman ang katauhan na kinailangan ko para maka-survive ako. Parehong pasasalamat at pagkalungkot dahil kinailangan kita. Hindi ako nagsisisi dahil kung wala ang tapang mo ay hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin. Parte kita na lumalaban at hindi nagpapatawad, Lizzie. Papalayain ko na ang galit mula sa puso mo," aniko. "At mangyayari lang iyon kung magsisimula ako sa pinag-ugatan niyong lahat."

Kasabay na lumabas ng batang ako si Papa mula sa madilim na bahay na pinanggalingan ko kanina lang.

Pinapatawad na kita, Papa. Ang huling pag-uusap natin bago ka mamatay ay ang pinakamahalagang usapan na namagitan sa ating dalawa.

Sabi mo nga’y nasa huli ang pagsisisi. Ngunit huli man, mainam kung mapagtatanto mo minsan sa buhay mo na nagkamali ka at natuto ka kaysa lumisan ka ng hindi man lang iyon nagagawa. Nagpapasalamat ako at nakausap kita bago ka man lumisan.

"Alam kong marami kang nagawang kasalanan sa akin, Papa, lalo na sa batang ako. Nahirapan akong patawarin ka. Pero ngayon, napagtanto ko na sa hindi ko pagpapatawad sa’yo, hindi ko rin pala pinapatawad ang batang ako. Hindi ko rin pala siya itinuturing na parte ko dahil sa labis na paghihirap na pinagdaanan ko noong ako pa siya. Parte kita, batang ako. Tinatanggap na kita."

Unti-unting umusog papalapit sa akin sina Maria, Lizzie at ang batang ako hanggang sa pumasok na sila sa loob ng katawan ko at naiwan na lang ako na nag-iisa.

“Parte ko kayo,” saad ko.

Pagdilat ko, ang maliwanag na sikat ng araw mula sa bintana ang bumati sa paningin ko. Isang babae na may puting mahabang blazer ang nakaupo sa gilid ko. Ang mga kamay niya ay nakapatong sa mesa na nasa pagitan namin.

“Are there signs of them?” tanong niya.

“It’s been a year na rin po noong huli silang nagtake-over ng kontrol. After the incident na muntik ng patayin ng alter ko si Duke, if you could remember ‘yong naikwento ko before, 'yun na po ‘yong huli.”

Nagsulat siya sa papel.

Ilang minutong diskusyon pa ang namagitan sa amin at lumabas na rin ako ng kwarto na iyon. Nag-aabang sa akin sa labas si Duke. Napatayo siya sa may mahabang upuan kung nasaan siya nang makita ako. May kasama siya roong nakaupo na nag-aantay lumabas ako para siya naman ang pumasok sa loob.

“How was it?” bungad ni Duke sa ‘kin.

“It went well.” Marahan akong naupo sa tabi niya. “My psychiatrist even told me na I’m doing great na. Sabi niya, magaling na raw ako but I still need to see her.”

Naupo siyang muli sa tabi ko at niyakap ako. “I’m so proud of you.”

Tinapik ko naman ang braso niyang nakabalot sa akin. “Thank you for always being there.”

Kumalas na siya sa pagkakayakap nang may ngiti sa labi. “Tara na? Nag-aantay na si Chase.”

Tumango ako at naglakad na kami.

Nagsasalita na si Chase nang makarating kami sa isang maliit na kapilya. Nagku-kwento siya tungkol sa mga naranasan niya at kung paano niya nalagpasan ang mga iyon sa tulong ng Diyos na may likha ng lahat.

“Isang taon ko ring nilabanan ang sakit na ito. It was a tough battle. But hey, I survived. Kasi ganoon naman talaga ang buhay. Life is a battlefield and we face different battles. We just have to keep on fighting. You need to have your own weapon. And, if medicines, professional help, money or materialistic things doesn’t work. Let prayer be your weapon. He will make everything work,” ani Chase.

Pagbaba niya ng entablado, agad siyang lumapit sa amin. Binigyan niya naman kami ng tig-isang yakap. Mas mukha na siyang malusog ngayon kumpara sa una ko siyang nakita pag-uwi nila rito ilang linggo na rin ang nakalipas. Sana ay tuloy-tuloy na nga ang paggaling niya.

“Ang galing galing naman. Gusto ko ‘yong let prayer be your weapon. So proud of you,” sabi ko sa kaniya.

“Syempre naman. Galing 'yun sa’ yo kaya proud ka.”

Natawa kami ni Duke pareho sa sinabi niya. Isang babaeng medyo chubby ang lumapit sa kaniya.

“Nga pala, this is Samantha. We met sa states. We’re both cancer survivors and nakasama ko siya sa ward noon.” Bigla niyang inakbayan ang babae. “Ngayon, girlfriend ko na siya.”

“I’m so happy for you, Chase, for the both of you,” sabi ko. Niyakap ko silang dalawa.

“I will be more happy kung lilingon ka sa likod mo and you’ll say yes,” nakangising sabi ni Chase.

At may mga nakita na lang akong mga tao sa likod na binuo ang salitang "Will You Marry Me" paglingon ko.

Lumuhod sa harap ko si Duke. "Let me complete you, Alena Salvacion. Will you complete me too?"

Nilingon ko si Chase. “You will be happier, Chase.” Humarap ulit ako kay Duke. “Because I’ll say, yes. I want to marry you.”

Sobrang lapad ng ngiti ni Duke bago niya isuot ang singsing sa daliri ko maging pagkatapos niya iyon isuot. Tumayo siya at niyakap ako.

Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko. Hindi iyon ang ginusto kong mangyari. Hindi ko natupad ang pinangarap kong buhay. Gayunpaman, masaya ako kung nasaan ako ngayon. Masaya ako sa kung ano ako noon at sa kung ano ako naging. Dahil lahat yun, parte ng kung ano ako ngayon.

T H E  E N D.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon