ALENA's POV
Isang malabong paningin ang pumalit sa kadiliman na siyang tangi kong nakikita kanina. Isang babae na nakatayo at tila nakaharap sa akin ang nakikita ko mula sa malabo kong paningin. Nang unti-unting luminaw ang aking paningin ay napagtanto ko na repleksyon ko pala ito dahil nakatayo ako sa harap ng salamin. Tinitigan ko ang sarili ko. Nakabalik na ako. Pero sa pagkakaalam ko, nakakabalik lamang ako sa tuwing matutulog siya o oras na nang paggising ko. Ibinaling ko ang paningin ko sa orasan. Pasado alas singko na. Mahigit isang oras pa bago ako gumising. Samakatuwid, hindi pa oras nang paggising ko ito.Umalis ako sa harap nang salamin at lumabas ng banyo para mag-isip. Pilit inaalam kung ano ang dahilan o kung may dahilan ba talaga o pinipilit ko lang ang sarili ko na may dahilan. Naramdaman kong basa ang mga mata ko. Tumingin na lang ako sa salamin sa kwarto upang tingnan. Namumugto ang mga mata ko.
"Hindi nga kaya umiyak siya?" sabi ko bago punusan ang luha sa mata ko.
Ano kaya ang dahilan? Pero isa lang ang sigurado, malungkot siya. May pinagdadaanan siya. Marahil ang pagiging mahina niya ang nagpabalik sa akin.
Tama. Ang kahinaan niya ang nagpabalik sa akin at ang kalakasan naman niya ang nagpapahina sa akin. Kung ganoon, kailangan kong malaman at mahanap ang kahinaan niya. Doon ko na lang siya pupuntiryahin. Dahil kung iyon ang nagpapalakas kay Maria, iyon rin panigurado ang magpapahina sa kaniya.
Bigla akong nakarinig nang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Pinuntahan ko ito upang pagbuksan ang kumakatok. Bumungad sa akin ang mukha ni Chase.
“Chase, tamang-tama ang dating mo.”
“Bakit may nangyari na naman ba? Lumabas na naman ba si Maria?”
Dumiretso ako sa kusina kaya sinundan niya ako.
“Kanina bago ako bumalik sa katawan ko, naabutan ko siyang nakaharap sa salamin. May luha sa mga mata niya. Umiiyak siya. At sa tingin ko, nakabalik ako sa katawan ko dahil nagpakita siya ng kahinaan.” Naupo ako at ginaya niya ako. “Chase, may paraan na para matalo natin si Maria. Kailangan lang nating mahanap ang kahinaan niya.”
Umiwas ng tingin si Chase.
“Sa tingin mo ba hahayaan niya tayong malaman ang kahinaan niya?” Muling tumingin sa akin si Chase. “Alena, bukod sa kahinaan niya, ang kahinaan mo ang dapat nating solusyunan. Iyon ang dapat mong pagtuunan ng pansin dahil iyon ang totoong magpapalaya sa’yo. Hindi ba nasabi ko na iyon sa'yo?”
“Pero Chase, ilang beses ko bang ipapaliwanag sa’yo na hindi ko nga kaya.”
Napatayo si Chase. “Pwes. Kayanin mo. Uulitin at uulitin ko sa’yo. Kailangan mong kayanin. Iyon lang ang paraan, Alena.”
Iyon ang unang pagkakataon na nagtaas sa akin ng boses si Chase. Sumama ang loob ko at hindi ko mapigilan ang mga luha na maipon sa mga mata ko.
“Alam mo ba kanina nagkita kami ni Maria sa mundo niya—sa alter ego world. She offered me something. Mananatili ako sa alter ego world kung saan buo at masaya ang pamilya ko basta hahayaan ko siyang maging host ng katawan namin. I was a bit tempted. Alam mo kung bakit? Kasi mas pipiliin ko pang makulong sa alter ego world kaysa patawarin ang tatay ko!”
Hindi ko na napigilan ang luha sa pagdaloy na nag-iinit kong mga pisngi.
“Hindi mo alam ang pinagdaanan ko dahil sa ginawa niya sa akin. Hindi mo alam ang mga nangyari sa akin noon. Kaya huwag mo akong pagsabihan na para isang simpleng bagay lang iyon. Hindi ikaw ang nakaranas ng malagim na nakaraan na iyon at isipin na madali lang sa akin na gawin iyon. Wala kang alam, Chase. Wala kang alam sa naiging hirap ko noon,” dagdag ko sa sinabi.
“Sana magkaroon na ng kaliwanagan iyang puso mo mula sa madilim mong nakaraan. Sana matutunan mo rin ang magpatawad. Mauuna na ako,” pagpapaalam niya.
Nagsimula siyang maglakad palabas.
Dumaan ang dalawang linggo na walang namagitan na usapan sa pagitan namin ni Chase. Sa kabila nang nangyari, pinilit ko ang sarili ko na hindi magpakita nang kahinaan. Wala akong ideya kung muli bang lumabas si Maria. Pero base sa mga nangyari sa akin, wala siyang bakas na naiwan. Pagkatapos noong huli niyang paglabas, noong naabutan kong namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak niya, hindi na niya siguro ulit ginustong magpakita.
Isang umaga paggising ko, bigla akong nakaramdam nang matinding hilo. Sunod na naramdaman ko’y nasusuka na ako. Dali-dali akong tumakbo sa banyo at doon ko isinuka lahat.
Sa loob ng dalawang linggo na iyon, may mga pagbabago akong naramdaman sa katawan ko. Naging sensitibo ang pang-amoy ko, naging iritable ako at marami pang iba.
"Hindi kaya tama ang hinala ko?" saad ko sa sarili.
Dali-dali kong kinuha sa cabinet sa loob ng banyo ang naitabi kong pregnancy test kit. Inantay kong maihi ako upang magamit ito. At nang mailagay ko na rito ang ihi ko, mayroong unang linya agad na lumabas. Ilang sandali pa, malabo pa man ay kita ko na ang papalabas na pangalawang linya.
“Buntis ako?” saad ko.
“Buntis ako!” Narinig ko mula sa utak ko kasabay nang binitiwan kong salita.
Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili ko na nakaputing damit at abot-tainga ang ngiti. Nakapulang damit ako ngayon at hindi maipinta ang mukha ko kaya sigurado akong hindi ako iyon. Nagbalik na siya.
“Ako ang buntis dito, Maria,” ani ko. "Sigurado ako."
Biglang nanlisik ang mga mata niya. “Nagkakamali ka, Alena.”
“May nangyari sa amin ni Chase kaya si Chase ang ama ng bata at si Alena ako nang may mangyari sa amin kaya akin ang ipinagbubuntis ko!”
“Bakit? Sa tingin mo, ikaw lang ang marunong lumandi?” Ngumisi siya. “May nangyari rin sa amin ni Duke. Unprotected kami nu'n kaya akin ang bata na ito! Sa wakas, may bala na rin ako para hindi niya ako iwan."
“Duke? Kung ganoon, tama ang hinala ko na may lalaki ka na ngang nagustuhan.”
“Oo, at siya ang tunay na ama ng batang ipinagbubuntis ko.”
“Ako ang host kaya akin ito!”
“Sa tingin mo, tatanggapin ni Chase ang ipagbubuntis mo gayong hindi mo nga kayang gawin ang gusto niya. Hanggang ngayon alipin ka pa rin ng nakaraan mo, Alena. Sa tingin mo, magiging masaya siya kung mananatili kang ganoon? At paano mo palalakihin ang anak mo? Paano mo siya tuturuan na maging matapang? Ano hahayaan mo na lang ba siya na maging duwag at mahina na katulad mo?”
“Tumigil ka,” pagsaway ko sa kaniya.
“Hindi ka karapat-dapat na maging ina dahil wala kang kwentang tao!”
Napatakip ako ng tainga ko pero naririnig ko pa rin siya. “Hindi totoo ‘yan!”
“Wala kang karapatan na palakihin siya dahil mapapariwara lang siya sa mga kamay mo. At kung meron mang dapat na mag-alaga sa kaniya, ako ‘yun. Dahil hindi tulad mo, matapang ako. Ikaw, isa kang duwag! Hindi ka pwedeng magpalaki ng bata dahil magiging wala kang kwentang magulang!"
“Tama na!”
“Hindi ka pwedeng maging ina dahil naging wala kang kwentang anak! At magiging walang kwenta ka ring ina! Wala kang silbi! Punyeta ka!”
Napasigaw ako nang sobrang lakas dahil kasabay ng masasakit na salita na ipinupukol niya sa akin ay ang matinding pagsakit rin ng ulo ko.
At nang tumigil siya at ang pagsakit ng ulo ko, nakita ko na lang siyang nakangiti sa akin. Kumaway siya bago naglakad palabas ng pinto.
Doon ko lang napagtanto na siya na pala ang may kontrol ng katawan ko at ako na pala ang naiwan sa salamin.
“Maria, bumalik ka rito!”
Narinig ko na lang ang pabagsak na pagsara ng pinto.
BINABASA MO ANG
She's Dominant (SPG/Mature)
Romance[TAGLISH] Alena, a victim of a controlling and abusive father, seeks control over to herself as her dark past and traumas try to seize her own body in the form of a new personality. *** Alena has always been a victim, dominated by her father and hau...