24.1 - She's Dangerous (Part 1)

1.7K 23 0
                                    

DUKE's POV


Nasa tabi kami ni Chase nang muli siyang magkamalay.

“Bakit nasa ospital tayo?” tanong niya.

“Bakit hindi mo sinabi sa amin ni Alena?” tugon ko.

“Ang alin?”

“Hindi mo na pwedeng ipagkaila, Chase. Nasabi na sa amin ng mga doctor. Bakit hindi mo sinabing malala na ang leukemia mo?”

Lumingon-lingon siya. “Asan si Alena?”

“Pinauwi ko na muna siya para makapagpahinga. Sinagot ko na ang tanong mo. Sagutin mo naman ang tanong ko.”

“Dahil ayaw kong iwan si Alena. Ayaw ko siyang iwan na hindi siya buo.”

“Pero hindi ba mas higit na kailangan ng tulong ng sarili mo?”

“Kaya nga ipapaubaya ko na siya sa’yo, Duke. Ikaw na ang bahala sa kaniya.”

“Ikaw. Anong balak mo sa sakit mo?”

“Kukunin na ako ng parents ko sa susunod na araw palipad pabalik ng America para doon magpagamot. Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon kaya ikaw na ang bahala sa kaniya. Alam ko namang hindi mo siya pababayaan. Huwag ko lang mabalitaan na sinaktan mo siya dahil uuwi talaga ako dito kahit maraming aparato na nakakabit sa katawan ko. Basta kahit anong mangyari. Mangako ka. Tutulungan mo siyang maging buo ulit.”

“Basta mangako ka rin na gagaling ka.”

Tinapik niya ako sa balikat.

“Pre, pa-imbestigahan mo iyong Lizzie na sinasabi ng tatay ni Alena na gustong pumatay sa kaniya. Iba iyong takot ni Mang Fred noong nakita niya si Alena. Ayaw ko munang magkaroon ng haka-haka pero possibleng nasa delikado ang buhay ni Alena o ng buhay mo."

“Huwag kang mag-alala. Hindi ko siya pababayaan at hindi ako titigil hanggang sa maging buo siya ulit.”

Niyakap niya ako sabay tapik sa likuran ko.

Sinunod ko naman ang gusto ni Chase na pa-imbestigahan ang nangyari sa tatay ni Alena. Nagbayad ako ng maraming pribadong imbestigador.

Naisipan kong bisitahin ang ama ni Alena kasama ang isang abogado ngunit napaaga ata ang dating ko at wala pa iyong abogado na kausap ko na magbubukas sa kaso ni Mang Fred. Papalapit na sana ako nang isang babae ang matanaw kong nasa loob ng kwarto ni Mang Fred.

“Buhay ka pa pala,” saad ng babae. Bakas sa mahihinang sigaw ni Mang Fred na sumisiksik sa gilid ang matinding takot. Nagtago ako sa gilid. May suot na balabal ang babae.

“Pwes. Hindi pa pala ako tapos sa’yo. Mabuti na lang at nahanap ulit kita dahil hindi ka pa bayad sa mga ginawa mo. Pagbabayarin kita sa mga ginawa mo! Pagsisisihan mo na nabuhay ka pa,” dagdag ng babae sa sinabi. Parang kilala ko ang boses na iyon.

Siya na marahil ang gustong pumatay kay Mang Fred. Sa takot, nanatili akong nagtatago sa gilid. Hindi ako sigurado kung bakit ganoon na lang ang takot ni Mang Fred sa kaniya. Maaring hindi siya mag-alangan na idamay ako. Mamatay tao ang babae na iyan. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa kaniya. Pero kung ano man ang dahilan, kailangan kong malaman.

Inantay ko na lang na umalis iyong babae. Sinubukan kong sundan siya ng palihim paglabas niya ng kwarto. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang mukha niya dahil may suot siyang balabal. At isa pa, bigla na lamang siyang nawala sa paningin ko.

Pinagmasdan ko ang paligid. Wala akong cctv na nakita kaya tuluyan na ngang nakatas ang babae na iyon. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang mukha niya.

Bigla akong nakatanggap ng tawag.

“Yes, Anthony, anong balita sa pina-iimbestiga ko sa inyo?”

“Base ho sa mga nakalap naming impormasyon, may mga witness ho na nagsasabing isang babae na may suot na balabal ang nakita nilang lumabas ng bahay ni Mang Fred noong mag-report siya na may gustong pumatay sa kaniya."

Kung ganoon, ang babaeng iyon nga ang gustong pumatay kay Mang Fred.

“Sige. Salamat, Anthony.”

Ibinaba ko ang tawag at tinawagan naman si Alena.

“Hello, Alena?” bungad ko nang sagutin niya ang tawag. “Isang babae na may suot na balabal ang gustong pumatay sa tatay mo. Siya na siguro ang sinasabing Lizzie ng tatay mo. Huwag kang mag-alala. Gagawa kami ng paraan para mahuli siya.”

“Ganoon ba? Sige, Salamat,” tugon niya mula sa kabilang linya.

“Ah si Chase nga pala. Napagdesisyunan niya nang sa America na lang magpagamot."

“Ganoon ba? Mabuti kung ganoon. Sige. Usap na lang tayo mamaya. Pupunta ako sa inyo.”

Parang medyo naninibago ako sa kaniya. Lalo na sa naging tugon niya tungkol sa pagpapagamot ni Chase, parang wala siyang pakialam.

Gabi na nang makauwi ako sa condo. Agad akong naupo sa sala para magpahinga. Napagod ako sa pag-aasikaso sa muling pagbubukas ng kaso ni Mang Fred. Maya-maya lamang, mayroong nag-doorbell sa pinto. Si Alena na iyan. Tumayo ako para pagbuksan siya.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon