6.1 - Her Concern (Part 1)

3.8K 29 0
                                    

MARIA's POV

Pag-angat ko ng ulo ko, tumambad sa paningin ko ang pamilyar na lalaki na may kung anong gamit ang nakaipit sa kaniyang utong.

"Chase, okay ka lang?" May luha na dumadaloy sa pisngi niya. "Si Alena na naman may gawa nito, ano?"

Mabilis pa sa alas kwatro akong lumapit sa kaniya. Agad kong tinanggal iyon. Tinanggal ko rin ang maliit na bola na nakapasak sa bibig niya dahil may gusto siyang sabihin na hindi ko maintindihan.

"Ayaw ko na. Hindi ko na kaya ang ginagawa niya sa 'kin," iyak niya.

Napansin kong nasa likod rin niya ang dalawa niyang kamay. Parang nakagapos. At nang tingnan ko, hindi nga ako nagkamali. Agad ko siyang pinakawalan.

Itinayo ko siya mula sa pagkakahiga at aksidente kong nakita ang sarili ko sa salamin sa loob ng kaniyang kwarto. Hindi ko nagustuhan ang ayos ko.

"Ihiga mo na lang ulit ako, please," aniya.

Inihiga ko ang ulo niya sa hita ko. Hinimas-himas ko siya sa ulo upang subukan na bawasanang sakit na nararamdaman niya sa katawan.

"Pasensya ka na sa mga pinaggagagawa sa'yo ni Alena. Kung pwede lang sanang hindi ko na siya palabasin, ginawa ko na."

Umiling si Chase. "Hindi mo naman kasalanan iyon, Maria."

"Pero huwag kang mag-alala, malapit ko na rin naman na iyong magawa."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Balak kong angkinin na ang kontrol sa katawan na ito. Ang kailangan ko lang gawin ay pahinain ng pahinain ang loob ni Alena."

"Hindi ba't siya ang may-ari talaga ng katawan na iyan?"

"Oo pero sayang ang katawan na ito kung sa miserableng buhay niya lang sasayangin. Kaya ko pang ayusin ang buhay niya. Pero magagawa ko lang iyon kung ako na ang may kontrol."

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?"

"Huwag mo na akong intindihin, Chase. Ang mahalaga, hindi ka na niya masaktan, okay?"

Ilang minuto ang lumipas ay nakaipon na rin ulit si Chase ng lakas. Tumayo na siya. Sinuot ang damit niya kaya lumabas na kami ng kuwarto niya. Kinuha ko na rin ang bag na dala ni Alena at sinuot ang mahabang coat para takpan ang mahalay niyang suot.

"Bakit ba ganoon si Alena?" tanong niya habang palabas kami.

"Pasensya na. Hindi ko rin alam."

Napaisip siya sandali. "May napansin lang ako. Parang tuwing ginagawa niya iyon sa akin, ibang tao ang tingin niya sa akin. Parang ang tingin niya sa akin ay iyong taong galit na galit siya. May mga sinasabi siya na hindi naman patungkol sa akin. At tuwang-tuwa siya tuwing sinasaktan niya ako na parang pakiramdam niya'y nagagantihan niya kung sino man iyong tao na iyon."

Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Nasaan ba ang mga magulang niyo?" pagtuloy ni Chase sa sinabi.

"Siya, hindi ko alam. Ako, kasama ko sila sa mundo ko. Isang mabait na nanay at isang masipag na tatay. Hindi ko nga lang kasi sila pwedeng isama kasi ayaw na nilang lumabas ng bahay."

Tumango lang siya bilang tugon.

"Sige, Chase, aalis na ako."

"Sige. Hatid na kita sa labas."

Sinamahan niya ako hanggang sa makakuha ako ng taxi at makasakay pauwi.  Pagkarating ko ng bahay, nagbihis ako bago nagpahinga.

Pagkagising ko, hindi pa rin bumabalik si Alena at ako pa rin ang may kontrol sa katawan na ito. Nandito pa rin ako. Mukhang lumalakas na ako. Mukhang may pag-asa nang ako na ang kumontrol sa katawan na ito.

Tutal ako pa rin ang may kontrol, naisipan kong lumabas upang magliwaliw. Isinuot ko ulit ang puting dress na binili sa akin ni Shiela noong nakaraan. Nagpunta ulit ako ng mall.

Nakatayo ako sa tapat ng isang candy stand. Nagmamasid sa paligid. Naghahanap ako ng shop na pwede kong kainan. Dala ko ang cellphone at wallet ni Alena. Sinubukan kong mag-selfie tutal bago ang damit ko. Pagkatapos, ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng makakainan.

Binuksan ko ang wallet ni Alena at nandoon pa rin ang calling card ni Shiela. Tinawagan ko siya. Agad rin naman niyang sinagot.

"I'm sorry, darling. Maybe next time. I'm just really busy today."

"It's okay. No worries. See you next time."

Pagkababa ko ng tawag, may natanaw akong lalaki sa hindi kalayuan na nakatitig sa akin. Nakasuot siya ng corporate attire. Bigla siyang naglakad papalapit sa akin. Mukha siyang pamilyar pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Pero nang tuluyan siyang makalapit sa akin, bigla ko siyang nakilala.

"Hindi ba ikaw 'yung pumasok sa unit ko sa condo?" saad niya.

Bahagya kong tinakpan ng buhok ko ang mukha ko. "Hindi. Hindi ako 'yun. Baka kamukha ko lang. Ganoon daw kasi kapag maganda. Maraming kamukha."

Aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa braso para pigilan.

"Hindi ako nagkakamali. Ikaw 'yun. Iyong nunal mo sa leeg. Alam kong ikaw 'yun."

"Hindi nga. Hindi nga ako 'yun."

"Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw 'yung pumasok sa unit ko! Mabuti't nahanap kita ulit."

Napatingin ang ilang tao na malapit sa amin dahil napalakas ang boses niya. Tinakpan ko ang bibig niya. Dinilaan niya ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. Tinanggal ko ito agad sa pagkakatakip. Tiningnan ko ang kamay ko. Nandoon ang laway niya.

"Duraan mo ako," saad niya.

Mabuti na lang may panyo akong dala. Pinunasan ko ang kamay ko.

"Umamin ka na kasi," dagdag pa niya sa sinabi.

Hinila ko siya palayo sa lugar na 'yun. "Oo na. Aamin na ako. Ako nga iyon. Ano bang kailangan mo?"

"Gusto ko sanang...saktan mo ako. Please?"

Napakamot ako sa ulo. "Bakit ba gustong-gusto mong sinasaktan ka?"

"Maiintindihan mo rin ako kapag sumama ka sa akin."

"Sumama saan?"

"In my place."

"Hindi pwede. Baka isipin mo kaladkarin akong babae. Hindi ako ganoon."

"Ano bang pwede kong gawin para pumayag ka? Kahit ano."

"Pasensya na. Hindi ako nanakit. At isa pa, hindi naman kita kilala. Bakit ako sasama sa'yo?"

Inabot niya sa akin ang kamay niya. "Ako nga pala si Duke Kingley. Twenty five years old. Hindi ko muna sasabihin ang trabaho ko. Pero huwag kang mag-alala, hindi naman iyon illegal. And, hobby and likes ko ang masaktan."

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon