20 - His Pretension

2.7K 33 0
                                    

MARIA's POV

"Salamat sa tulong mo," saad ko sa kaniya. Natatakpan man ng mahaba niyang buhok at ng dilim ang mukha niya ay nakita ko namang nagkaroon ng kurba ang mga labi niya. Nasa pagitan kami ng dilim at liwanag sa mundo ko.

Nahiga na ako sa damuhan at pumikit. Nang muli kong idilat ang mga mata ko, nakahiga na ako at naramdaman kong may nakayakap na sa akin. Nilingon ko kung sino ito—si Chase.

Kailangan kong mailayo si Duke kay Alena. Kailangan ko siyang mabalaan sa pinaplano niya. Dahil nakayakap sa akin si Chase, nahirapan akong makaalis. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay niya. At nang tuluyan ko itong maalis, tumayo ako. Ngunit may biglang humila sa akin kaya napaupo akong muli.

Hindi ko man siya lingunin, sa init pa lang ng mga palad niya, alam kong nagising siya. Gayunpaman, ang gulat ko ay maikukumpara sa pag-iisip na isang multo ang humigit sa akin. Mukhang bulilyaso ang plano ko.

"Alena, ikaw ba 'yan?"

"Ah, bakit Chase?" Humarap ako sa kaniya.

Napangisi siya. "Mukhang na-master mo na iyong galaw at pagsasalita ni Maria. Ang galing mo na."

"Ah, kailangan ko kasi ito, hindi ba? Kailangan kong maiganti si Maria kay Duke. Alam mo na." Nginitian ko siya.

Nagpunta sa gitna ng kaniyang noo ang parehong kilay niya. "Hindi kaya ikaw si Maria?"

Lagot ako. Nagdududa na siya. Kailangan kong magpanggap.

"Pinagdududahan mo ba ako?" Itinaas ko ang boses ko pati ang kilay ko.

"Hindi. Hindi. Naniniwala na ako." Tumawa siya ng mahina. "Alena, siya nga pala, pwede ba tayong lumabas?"

"Huh?" Tumingin ako sa orasan. "Alas-singko pa lang ng umaga. Saan naman tayo pupunta?"

"Magde-date."

"Huh? Ah, may pupuntahan kasi ako."

"Kanino? Kina Duke?" Nanlaki ang mata ko. Kilala na kaya niya ako. "Alena, hindi naman kita pipigilan kung gusto mo roon manatili. Kailangan mo iyon para mas madali mo siyang magantihan sabi mo nga. Gusto ko lang magsaya muna tayo bago ka umalis."

Tumango ako sa kaniya.

"Magbihis ka ng pang-jogging."

"Okay. Bihis na ako."

Nagsimula akong magpalit. Kukunin ko na sana iyong puting damit nang maalala kong nagpapanggap pala akong Alena. Mabuti at naalala ko kaagad. Sinubukan ko rin na magmake-up pero hindi ako magaling. Inayos ko na lang iyong mga lagpas para hindi mahalata.

Nang humarap ako kay Chase, napangiti siya. Kanina pa ako nagbabagabag sa mga ikinikilos niya. Halata na niya kaya?

Naka-sando siya habang ako naka-shirt naman. Iyon lang ang pagkakaiba ng suot namin. Bukod doon, pareho na kaming naka-jogging pants at rubber shoes. Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko bago kami umalis. Sa isang parke kami nag-desisyon na tumakbo-takbo.

"Gusto ko sanang malaman mo na kahit dalawa pa ang katauhan mo ay kaya kitang mahalin. Gagawin ko ang lahat para mahulog rin ang loob sa akin ni Maria," sambit niya habang nagjo-jogging kami.

Bigla akong natalisod. Mabuti na lang at nasalo ako ni Chase. Magkalapit ang mga mukha namin. Mata sa mata. Ilong sa ilong. Labi sa labi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ah, Chase, bangon mo na ako."

"Ay, sorry."

Agad naman niya akong iniangat. Nagpatuloy kami sa pagjo-jogging.

"Alena, naniniwala ka ba sa signs?"

Napatingin ako sa kaniya. "Signs? Minsan."

"Hindi kaya sign iyong pagkahulog mo at pagkasalo ko sa'yo?"

"Na ano?" Sumulyap lang ako sa kaniya.

"Na andito lang ako lagi para saluhin ka kapag mahuhulog ka."

Kahit ang korni niyon, napangiti ako. Kaunti pa lang ang naikot namin, hiningal na si Chase. Tumigil siya at naupo. Nakausad ako ng kaunti bago ko napansin pero tumigil rin naman ako para tabihan siya. Mukhang pagod na siya kaya niyaya ko na lang siyang mag-almusal sa isang malapit na restawrant. Al fresco ang restawrant na iyon. May dalawang lalaki na kumakanta sa parang maliit na entablado roon. Tumayo si Chase at nilapitan ang mga iyon. Kinausap niya sila.

Maya maya, naglakad na sila papalapit sa akin kasama si Chase. Nasa gitna nila si Chase.

"Para sa'yo ito, Alena," ani Chase.

Ilang sandali lang, nagsimula silang kumanta. Magkahalong gulat at saya ang naramdaman ko nang sandaling iyon. Napatitig ako kay Chase. Hindi ko maintindihan pero parang mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Parang tinatambol ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan. Parang ganito rin iyong naramdaman ko noong nahuhulog na ang loob ko kay Duke. Posible kayang nahuhulog na rin ang loob ko sa kaniya?

Gwapo naman si Chase. Mabait siya. Mahal siya ni Alena. At posibleng mahulog na rin ang loob ko sa kaniya. Hindi kaya mas makakabuti kung siya na lang ang piliin ko. Ayaw ko na rin kasi makipagtalo kay Alena. Sa katunayan, tama naman talaga si Alena. Si Duke ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko. Pinahirapan niya ako. At hindi pa iyon ginawa ni Chase kay Alena.

Habang kumakanta si Chase, biglang nawala ang ngiti niya. Nawala rin ang ngiti ko habang nakatingin sa kaniya. Bigla siyang napahawak sa ulo niya at kasunod niyang tumigil sa pagkanta ang dalawa niyang kasama.

"Ayos ka lang, Chase?" tanong ko.

Napalapit ako sa kaniya. Ngunit bago pa man tuluyang makalapit, bumagsak na siya kaya napatakbo na ako.

"Chase!"

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon