MARIA's POV
Nakaupo ako sa damuhan nang makarinig ako ng malalakas na sigaw at kalabog mula sa bahay na madilim kung saan napupunta si Alena tuwing mawawala siya sa kaniyang ulirat. Mukhang kailangan niya ng tulong ko. May lumitaw na labis na liwanag na parang unit-unti akong kinakain. Napapikit ako dahil hindi ito kaya ng mga mata ko.Pilit kong hinahabol ang hininga ko sa hindi ko maintindihang dahilan. Nang ibulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Chase na hinahalikan ako. Ako na muli ang nasa kontrol. Sinubukan kong kumawala pero mas malakas siya.
"Ano ba, Chase! Pakawalan mo ako!"
"Manahimik ka! Alam kong ito ang gusto mo!"
Itinulak niya ako at napaupo ako sa sahig. Agad siyang pumatong sa ibabaw ko at pinilit ko namang pigilan siya.
Parang bigla akong nawalan ng kontrol. Tuluyan na niya akong nasakop at kusang bumagsak sa gilid ang ulo ko habang patuloy si Chase sa paghalik sa leeg ko. Nawalan man ng kontrol ay nakikita at nararamdaman ko pa rin ang mga nangyayari. Natatakpan na ng buhok ang kaliwang mata ko.
Kusang tinuhod ng tuhod ko ang pagkalalaki ni Chase dahilan para mamaluktot siya sa sakit at mawala sa ibabaw ko. Bigla rin akong tumayo at kusa siyang sinakal ng mga kamay ko. Nahaharangan man ng buhok ang isa kong mata ay nasisilip ko pa rin ang nangyayari.
“Alena,” usal niya gamit ang natitirang hininga niya. “Tama na.”
Nasasaktan na si Chase. Pinilit ko ang sarili kong makuha muli ang kontrol sa katawan na ito. Sinasakal siya ng katawan na ito na hindi ko alam kung sino ang may kontrol. Possible kayang siya?
Hindi pwede. Papatayin niya si Chase kung siya nga talaga. Pinilit ko ang sarili kong makuha muli ang kontrol. At nang magtagumpay, agad kong binitiwan ang leeg ni Chase. Humahangos siya nang bitiwan ko at umuubo-ubo pa. Tumayo ako at sinampal ko siya.
“Anong klaseng lalaki ka at nagawa mo iyon kay Alena?”
“Maria...patawarin mo ako." Naluluha na siya na lumuhod sa harap ko. "Nagawa ko lang naman ‘yun kasi mahal ko siya. Mahal kita. At handa akong gawin lahat para hindi kayo mawala sa akin.”
“Kung ano man ‘yang nararamdaman mo, hindi ‘yan love. Dahil hindi selfish ang love. Kung mahal mo talaga siya, hahayaan mo siyang piliin kung ano at sino ang makapagpapasaya sa kaniya. Hindi iyong pipilitin mo siya. Hindi ka karapat-dapat para kay Alena. Hindi ka karapat-dapat para sa amin.”
Naglakad ako palabas ng pinto. Kinapa ko ang bulsa ko upang tingnan kung andoon ang wallet at telepono ni Alena. Mabuti na lang at nandoon. Nagpara ako ng taksi at agad na sumakay.
“Sa St. Joseph Garden po,” saad ko sa drayber.
Kinuha ko ang telepono sa bulsa ko at agad na kinontak si Duke.
“Hello, Alena? Napatawag ka? Okay ka na ba?” bungad niya.
“Pwede ba tayong magkita?”
“Maria?” Nakakagulat niyang sabi. Tila naikukumpara na niya ang pagkakaiba namin kahit sa pagsasalita lang. “Sige. Asan ka ngayon?”
“Magkita tayo sa St. Joseph Garden. “
Ibinaba ko na ang tawag at inantay ang taksi na marating iyon. Nang makarating, agad akong dumiretso sa bench na nakaharap sa fountain. Maya-maya, isang mainit na bisig na lang ang biglang kumulong sa katawan ko mula sa likod. Lumingon ako upang tingnan siya. Nakapikit siya habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.
“I miss you so much,” bulong niya. Ang mga hangin mula sa bibig niya ay kumikiliti sa aking tainga.
Naglakad siya papunta sa harap ko. Tumayo ako upang yakapin siya.
“Na-miss din kita, Duke.”
Nagulat ako nang bigla siyang kumalas sa pagkakayakap ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” nakakagulat niyang tanong.
“Na alin? Na isa lang ako sa mga alter ego ni Alena?”
“Hindi. Hindi mo sinabi sa ‘kin na mayroon pala akong kaagaw.”
Hinawakan ko siya sa pisngi. “Duke, wala kang kaagaw sa akin. Ikaw lang ang gusto ko. Kung ang problema ay dahil isa lang akong alter ego, pwede natin iyon magawan ng paraan. Pwede akong maging host ng katawan ni Alena. At kapag nangyari iyon, wala ka nang kaagaw sa akin.”
“Pero, Maria, mas kailangan niyong maging buo. Sa ganoong paraan, magiging patas para sa amin ni Chase ang magiging pagpili ninyo.”
“Para mo na ring sinabi na mamatay na lang ako.”
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”
“Pero ganoon ang mangyayari, Duke. Kapag naging buo ulit si Alena, babalik ako sa likod ng utak niya, sa subconscious kung tawagin nila. Mawawalan ako ng kakayahan na maging host. Hindi na ako muling makakalabas. Hanggang pangarap na lang na naman ang katulad mo sa akin kapag nangyari iyon."
“Maria, makinig ka. Hangga’t magkahiwalay kayo ni Alena, wala sa atin ang magiging masaya. Hindi titigil si Chase. Hindi niya tayo titigilan. Iyon lang ang paraan.”
“Meron pang ibang paraan. Hahanap ako ng paraan. May tiwala ka ba sa akin?"
"Pero, Maria..."
"Kailangan ko lang magtiwala ka sa akin. Ako ang nagmahal sa'yo. Hindi si Alena. Iisa man ang katawan namin, magkaibang personalidad pa rin. Hindi ka niya mamahalin kung paano kita minamahal."
"Naniniwala pa rin ako na iisa lang kayo. Ano man ang pagkakaiba niyo, iisa lang ang tao na gumagawa niyon. Maria, please, gawin natin ito sa pinakamaayos na paraan. Kausapin natin si Chase."
Napatingin na lang ako sa kawalan dahil hindi ko pa rin sigurado kung iyon ba ang pinakamabisang paraan para sa sitwasyon ko.
BINABASA MO ANG
She's Dominant (SPG/Mature)
Roman d'amour[TAGLISH] Alena, a victim of a controlling and abusive father, seeks control over to herself as her dark past and traumas try to seize her own body in the form of a new personality. *** Alena has always been a victim, dominated by her father and hau...