4.1 - His Kink (Part 1)

4.5K 41 0
                                    

MARIA's POV

Tila umahon mula sa pagkakalunod kung habulin ko ang aking hininga nang sandaling idilat ko ang mga mata ko. Napabalikwas ako. Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa loob ako ng isang kwarto kung saan may mga puting kurtina na binabawasan ang liwanag na galing sa labas. Nasa kama rin ako na hindi kamukha ng kama ni Chase.

Mayroong whole body mirror at malaking wardrobe cabinet. Tumayo ako at tiningnan ang hinaharangan ng kurtina na iyon. Paghawi ko, babasaging pinto papunta sa balkonahe ang bumungad sa akin. Lumabas ako sa pinto na iyon at kumapit sa guard rail ng balkonahe. Ang view ng iba pang mga bahay, kalsada na wala halos kotseng dumadaan at mga puno't halaman.

"Ang sarap naman pala ng buhay mo at sa ganitong lugar ka nakatira," saad ko sa sarili.

Mabuti na lang at nakalabas ulit ako. Nakakapagod na rin kasi doon sa lugar kung saan ako galing. Paulit-ulit halos ang mga nangyayari. Dito ay ibang-iba. Marami pa akong mga nakikilala tulad ni Chase. Sana hindi na ako bumalik doon.

Naniniwala naman ako na balang araw, ako rin ang magmamay-ari ng buhay na ito. Dahil sa aming dalawa, mas nararapat naman akong mabuhay dahil hindi miserable ang buhay ko. Higit na mas maganda ang sinapit ko kumpara sa sinapit niya.

"Oras na para pagandahin ko naman ang buhay natin, Alena. At, ako na ang bahala roon kaya hayaan mong ako na ang may control."

Umalis ako sa balkonahe at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Magulo ang buhok ko pero may natira pang ilan na nakakulot. Makapal pa rin ang make-up at lipstick sa mukha ko kahit bagong gising ako. Tumingin ako sa orasan niya. Alas-dos na ng tanghali.

Lumabas ako ng kwarto na bath robe na lang ang suot. Naka-hanger lang din kasi iyon sa labas ng cabinet niya kaya kapansin-pansin. Mabilis ko lang naman nahanap ang banyo dahil makikita ito agad paglabas na paglabas ng pinto.

Tinanggal ko ang bath robe na suot ko at binuksan ang shower ng banyo niya. Gusto kong lumabas ng bahay niya. Kaya naligo na ako para na rin matanggal ang make-up sa mukha ko at maayos ko ang buhok ko. Hindi ko naman kailangan ng make-up upang maging maganda. Palibhasa’y kailangan niyang itago ang pagiging malungkot at miserable ng buhay niya.

Pagkatapos maligo, bumaba ako ng sala niya para maghanap ng pwedeng kainin. Instant noodles na lang na mainit na tubig lang at pwede nang kainin ang kinuha ko. Baka maubos din kasi ang oras ko sa pagluluto at hindi na ako makalabas.

Pagkatapos naman kumain, umakyat ako ulit sa taas para mag-ayos at magbihis. Ipinusod ko ang buhok ko at puting dress ang napili kong isuot mula sa kaniyang wardrobe. Hindi ko tipo ang mga damit niyang kung hindi kapirangot ang tela at labas ang pagkababae ay mga gawa naman sa leather. At isa pa, kakaunti lang ang puti niyang damit.

Naglakad na ako palabas ng bahay niya nang matapos. Naglakad ako at naghanap ng pwedeng puntahan habang bitbit ang bag ni Alena. Sana hindi siya magtaka o magdudang nabawasan ang pera niya. Balak ko kasing gumastos.

Isang malapit na mall ang natanaw ko. Nagmamadali akong makapasok roon nang isang nagmamadaling babae rin ang nakabunggo sa akin. May kausap siya sa telepono niya at may bitbit na kape na siyang bumuhos sa damit ko. Kumalat iyon na parang isang pinta na binago ang kulay ng suot ko. Mabuti na lang at malamig ang kaniyang inumin.

“Oh my gosh, I’m so sorry.” Lumapit siya upang punasan ng panyo ang puting-puti kong damit.

“Nako. Puti pa naman ang suot ko."

Tinitigan ko siya habang pinupunasan ang damit ko. Foreigner na matandang babae pala siya. Hindi ko agad napansin at nag-tagalog pa ako. Marami rin siyang bitbit na shopping bags.

"This is not doing anything. This will not help," sabi niya at ang tinutukoy ay ang panyo na gamit niya para punasan ang damit ko. "I'm really sorry. It's my fault. I wasn’t looking at my way. How about I'll just buy you a new dress?"

Napangisi ako. Oportunidad na rin iyon para hindi ko na magalaw ang wallet ni Alena. Tumango ako at ngumiti na sa kaniya. "Sounds great.”

Alam kong paalis na sana siya ng mall pero kailangan na naman niyang bumalik ulit dahil sa nangyari. Magkaiba kasi ang direksyon kung saan kami patungo nang mabangga siya sa akin.

"Choose whatever you like in exchange for that dress," sabi niya sa akin nang papasok na kami ng department store.

Nagtitingin-tingin ako nang bigla siyang magtanong.

"Anyway, what is your name?"

"Maria. Maria Saez."

"I'm Shiela by the way." Nakipagkamay pa siya. "Nice to meet you."

"Nice to meet you too."

"Just let me know if you need help choosing a dress."

Pag-ikot ng ulo ko. Isang puting dress rin na may konting design ang nakakuha ng atensyon ko. "I think I have a choice already."

Nilapitan ko ang dress na iyon at kinuha para sukatin. Lumabas ako ng fitting room para ipakita sa kaniya. "How was it?"

"It looks perfect on you."

"Really? Okay, this is my final choice then."

"Okay. Let's go pay for it."

Dumiretso kami sa cashier. Lumabas rin kami agad after niya mabayaran iyon. Suot ko na rin iyong bagong dress dahil hindi ko na pwedeng suotin pa ang marumi nang dress na iyon ni Alena.

Naglalakad na kami nang matigilan ako dahil sa tunog ng bell.

Maging si Shiela ay natigilan din dahil sa akin.

Isa lang ang pinapaalala sa akin ng tunog na iyon. Parang musika sa tainga na siyang nabibigay sa akin ng kakaibang pagkasabik.

Nilingon ko ang stand na halos nalagpasan na namin.

"Ice cream!" bulalas ko. Agad akong kumaripas ng takbo papalapit sa ice cream kiosk na iyon.

"Wait." Walang nagawa si Shiela kundi sundan ako.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon