15.1 - Her World (Part 1)

2.2K 32 0
                                    

ALENA's POV

Mula sa liwanag sa bintana, nasilaw ang mga mata kong kakadilat lang galing sa mahabang pagtulog. Bumangon ako. Iginalaw ko ang mga kamay ko.  Pinagmasdan ko rin ang kwarto kung nasaan ako. Wala na ako sa bahay ni Chase. Kung ganoon, hindi panaginip iyong nangyari noong isang gabi. Kailangan kong masabi ito kay Chase.

Agad kong hinanap ang telepono ko para tawagan si Chase.

“Asan ka ngayon?” bungad ko.

“Nasa coffee shop ako. Bakit? Ayos na ba ang pakiramdam mo?”

“Alam mo ba kung paano ako nakauwi?”

“Inihatid kita, hindi ba?”

Nagbuntong-hininga ako. “Hindi ako ang inihatid mo.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Si Maria iyon.”

“Pero, ikaw ang kausap ko noong isang gabi. Baka naman nalilito ka na.”

“Nalinlang ka niya, Chase.” Katahimikan ang naging sagot niya mula sa kabilang linya. “Kailangan kitang makausap. Pupuntahan kita kung nasaan ka ngayon. I-text mo sa akin iyan.”

"Sige," bakas sa boses niya ang pagtataka. Pinatay ko na ang tawag.

Mag-aayos na sana ako nang matigilan ako sa harap ng salamin. Pormal na damit ang suot ko. Possibleng nanggaling siya sa isang okasyon kagabi. Napansin ko rin ang suot kong kwintas na ginto. Hinawakan ko ito.

Mamahalin ito at alam kong kahit pagsamahin lahat ng ipon ko’y hindi ko ito mabibili. May nagbigay nito sa kaniya. Isang tao na ispesyal siya at posibleng ispesyal na rin para sa kaniya.

Nagpalit na ako ng damit at pagkatapos ay pinuntahan ko na si Chase. Nakaharap siya sa laptop nang dumating ako sa coffee shop kung nasaan siya. May tig-isang kape na rin na nasa mesa niya. Isa sa tabi ng laptop niya at isa sa harap niya. Naupo ako sa harap niya.

“Chase,” sambit ko. Naibaling niya ang tingin niya sa akin mula sa laptop na nasa harap niya.

“Alena, in-order ko na iyan para sa’yo.” Itinuro niya iyong kape na nasa harap ko. “Kagabi, nagpanggap siyang ikaw para hindi ko siya mahuli.”

“Kaninang paggising ko, nakasuot ako ng pormal na dress tapos nakita ko ‘to sa leeg ko.” Ipinatong ko sa gawa sa salamin na mesa ang kwintas.

Kinuha niya ito para tingnan. "Alam ko ito. Hindi biro ang presyo nito.”

“Iyon nga ang pinagtataka ko. Kung ginamit man niya ang pera ko, hindi niya iyan mabibili. Sigurado akong may nagbigay sa kaniya niyan.”

"Hindi kaya ninakaw niya iyan?"

"Tingin mo ba kaya niya iyong gawin?"

Ininom ni Chase ang kape niya. "Sabagay, hindi rin basta-basta ang security ng mga ganiyang klase ng kwintas. At tingin ko naman, hindi niya kayang nakawin iyan."

"So, sa tingin mo nga, may nagbigay nito sa kaniya?"

"Tama. Tingin ko, mayroon nga."

Napatingin ako sa malayo. “Ang tanong, sino at paano natin malalaman kung sino siya?”

"Ano ba ang nangyari noong isang gabi?"

Malalim ang paghinga ko. “Ang naaalala ko, nakausap ko siya sa salamin. Pagkatapos...” Natigilan ako. “Naalala ko na. May gusto siyang makita kagabi kaya gusto niyang hiramin ang katawan ko. Noong hindi ko siya pinagbigyan, nagalit siya. Sinabihan niya ako ng masasakit na salita. Ipinaalala niya sa akin ang masaklap kong nakaraan at doon na ako nanghina at tuluyang nawalan ng kontrol sa katawan ko. Alam na niya kung paano agawin ang kontrol. At sigurado ako, gagawin niya ulit iyon kapag ninais niya.”

“Bago ka dumating nagre-research ako tungkol sa sakit na Dissociative Identity Disorder na mayroon ka ngayon. At isa sa mga nabasa ko, lumalabas ang alter ego ng isang tao na may sakit na iyon kung mayroong trigger. Usually, nagkakaroon ng Dissociative identity disorder ang isang tao kung mayroon siyang traumatic experiences especially noong bata siya, hindi ba? Maari iyong maging main trigger para palitan ka ng alter mo. At iyon ang ginagamit ni Maria para masapawan ka niya.”

Isinara niya ang laptop niya.

“Sa isang taong may Dissociative Identity Disorder, kailangan niyang mapanatiling dominante ang sarili niya o ang host. Ikaw iyon. Dahil kapag naging dominante ang alter, maari na niyang sapawan ang host. At sa halip na nasa likod lang siya ng utak o subconscious, kapag siya ang mas naging dominante, lilipat siya sa harap at maaring maitulak ka niya sa subconscious. At ang mas malala, ang dating alter, siya na ang magiging host,” pagpapatuloy niya sa sinabi.

Ininuman ko ang kape na nasa harap ko.

“Hindi. Hindi iyon pwedeng mangyari.”

Hinawakan ni Chase ang kamay ko. “Kung ganoon, huwag mo siyang hayaan na mas maging dominanteng personality kaysa sa’yo. Labanan mo siya. Mas maging malakas ka sa kaniya. Huwag kang magpapatalo, Alena. Tandaan mo. Ikaw ang host ng katawan na iyan. Noong pinanganak ka, si Alena ka. Hindi ka si Maria. Ikaw ang dapat na maging mas dominante.”

“Pero hindi ko alam kung paano.”

“Labanan mo ang trigger. Labanan mo ang takot mo mula sa naranasan mo noong bata ka. Maging malakas ka. Palayain mo na roon ang sarili mo. Tapos na iyon, Alena. Huwag mo nang ikulong ang sarili mo sa isang masamang nakaraan.”

“Hindi ko alam kung kaya ko.”

“Pwes. Kayanin mo...kung gusto mong manatili sa katawan mo. Kailangan ikaw ang maging dominante. Ipakita mo sa kaniya na walang ibang pwedeng magkontrol ng buhay mo kundi ikaw.”

Niyakap ko si Chase.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka," saad ko.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon