ALENA's POV
Nang magising ako, humarap ako sa salamin pagbangon ko. Napansin ko na sa ikatlong pagkakataon ay muli na naman akong gumising na puting dress ang suot. Wala rin akong make-up at simple lang ang ayos ng buhok ko. Nakalugay lang.
Noong una, akala ko nagkakataon lang pero ikatlong beses na ito. Mayroon nang nangyayaring kakaiba. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari. Kailangan ko nang mag-imbestiga hangga’t maaga.
Kinuha ko ang telepono ko sa mesa sa tabi ng kama at aksidenteng napindot ko ang gallery.
Nanigas ang mga kamay ko kaya dumulas papunta sa hita ko ang telepono ko nang makita ko ang isa kong litrato kung saan nakaputing damit ako at nasa loob ako ng isang mall. Ilang linggo ko nang hindi napupuntahan ang mall na iyon.
"Paano ako nagkaroon ng ganitong picture? Hindi ko maalala kung kailan at saan ito."
Tiningnan ko ang petsa kung kailan kinuha ang litrato na iyon at ngayong araw lang din iyon. Pinapatibay pa ng magkaparehong suot ko ngayon at sa litrato ang mga agam-agam ko.
Doon ako naging konkreto sa pag-iisip na may kakaiba ngang nangyayari at kailangan kong malaman kung ano iyon.
Nag-ayos ako at pumasok na sa opisina. Hinintay ko ang break upang makausap ko si Chase tungkol sa kakaibang nangyayari sa akin.
“Chase, may itatanong ako sa’yo,” sabi ko habang nag-aantay kami ng elevator pababa. “Kilala mo ba siya?”
Iniabot ko ang telepono ko at ipinakita sa kaniya ang litrato na nakita ko kanina.
“Hindi ba ikaw ‘yan? Selfie mo ‘yan.”
“Oo, alam ko. Pero ang kakaiba rito, ngayong araw ko kinuha ang litrato na ito pero ilang linggo na akong hindi pumupunta sa mall na iyan. At sa pagkakaalam ko, umuwi ako at natulog. Nanaginip ako ng masama at iyon na nga. Nagising ako na nakasuot ng parehong puting dress na suot ko rin noong nakaraan. Alam kong hindi lang iyon nagkataon. Pakiramdam ko may kakaiba talaga. May alam ka ba?"
“Siguro nga oras na para malaman mo. Oo, ayaw ko sa ginagawa mo sa akin pero baka matulungan pa rin kita na gumaling ka. Baka may paraan pa."
“Anong ibig mong sabihin?"
Biglang bumukas ang elevator. Naglakad siya papasok sa loob. Sumunod naman ako sa kaniya. Nagsara na ang pinto ng elevator pero hindi pa rin niya itinutuloy ang sinabi niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalangan.
“Malaman ang alin, Chase? Sabihin mo na sa akin,” pag-ulit ko.
“Ang babaeng nasa litrato na ‘yun ay si Maria,” tugon niya.
“Maria? Sino siya?”
“Alena, alam kong mahirap paniwalaan pero magtiwala ka sa akin.” Sandali siyang tumigil. “Mayroon kang alter ego. May dissociative identity disorder ka.”
Biglang bumukas ang pinto ng elevator pero wala pa sa amin ang lumalabas. Pasara na ang pinto nang harangin ito ni Chase at hilain na ako palabas.
“Ano bang pinagsasabi mo? Anong alter ego? Impossible.”
Natigilan siya sa paglalakad. “Sige. Paano mo ipapaliwanag ‘yong mga kakaibang nangyayari sa’yo? Alena, someone or something dyan sa loob mo is trying to take over the control.”
Malalim ang mga paghinga ko. “Chase, natatakot ako. Anong klaseng tao ba siya? Bayolente ba siya?"
“No, she’s not.”
“Anong ugali niya? Anong kailangan niya at bakit inaagaw niya ang kontrol ko sa katawan ko?”
“Believe it or not, mabait siya. Nakausap ko na siya pero hindi ko alam ang kailangan niya. Madalas siyang lumalabas pagkatapos mo akong saktan. Nakapag-research na rin ako tungkol sa dissociative identity disorder at nalaman ko na nakukuha ito ng isang taong may traumatic experiences lalo noong bata pa siya. Nabanggit mong mayroon ka, hindi ba?”
Kumapit ako sa braso niya. Nasa gilid kami ng lobby ng building namin. “Chase, tulungan mo ako. Anong kailangan kong gawin para gumaling ako?”
“Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita. But for now, mas mabuti siguro dumiretso muna tayo sa isang coffee shop para kumalma ka. I know kung gaano kahirap i-absorb lahat ng nalaman mo ngayon lang.”
Sinunod ko ang sinabi niya. Um-order muna kami ng kape bago nagpatuloy sa pag-uusap sa loob ng coffee shop na iyon. May mababang mesa sa pagitan ng magkaharap naming upuan at doon nakapatong ang mga kapeng inorder namin.
“Kung ang dahilan ay ang traumatic experiences mo noong bata ka, posibleng iyon din ang maging susi para gumaling ka,” suhestiyon niya.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ang alter ego na mayroon ka ngayon ay defense mechanism mo laban sa mga masasamang naranasan mo noon. Coping up with the traumatic experiences could be the answer para maging buo ka ulit since ikaw pa rin naman si Maria. Parte mo si Maria na humiwalay lang para magsilbing defense mechanism mo to survive.”
“Kung ganoon, kailangan kong malaman kung saang parte ko siya nanggaling para malaman natin kung papaano natin siya ibabalik? Ganoon ba?”
“Alena, hindi iyon ang susi. Ang susi ay ang harapin mo ang tatay mo. Harapin mo ang dahilan kung bakit ka nahati ka o kung bakit nagkaroon ng pagkakawatak sa pagkatao mo. Harapin mo ang takot para maging buo ka ulit.”
“Hindi! Hindi ko gagawin iyon. Kinamumuhian ko siya! Hindi ako takot sa kaniya.” Hinawakan ko sa kamay si Chase. “Please, Chase, baka may iba pang paraan. Ayaw ko siyang harapin.”
“The only way I can think of anymore is to just let her. Let her live with you kung hindi mo iyon kayang gawin.”
Napaisip ako sa sinabi ni Chase. “Ano bang klase ng babae siya? Pwede bang magkwento ka pa ng mga alam mo sa kaniya.”
Nagbuntong-hininga muna si Chase. “Well, she’s caring. Mabait siya. Simpleng babae lang at hindi niya ako sinasaktan." Napayuko ako dahil sa sinabi niyang iyon. "Minsan niyang nabanggit sa akin na malaki raw ang pagkakaiba niyo. Magulo daw ang pamilya mo habang sa kaniya masaya. At minsan niya ring nasabi na, natupad niya raw ang pangarap niyang maging nurse habang ikaw daw hindi mo iyon natupad.”
Mabilis kong iprinoseso ang lahat sa isip ko. “Siya iyong katauhang pinangarap kong maging. Pero dahil sinira ng tatay ko lahat ng pangarap ko, naging pangarap na lang rin siya. I can’t believe she’s real now. I could've been like that if not only because of him.”
“Anong balak mo?”
“Maybe, I should just let her take over my body. Baka mas makabubuti para sa katawan na ito na hindi na mamuhay nang may magulo at miserableng isipan. Oras na para maging masaya naman ako kahit parte ko lang.
“Alena, you don’t have to do that.” Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. “Tutulungan kita. You don’t have to let other personality surmount you just to have the life you dream of. I can help you have it. If you could just stay.”
Napatingin ako sa mga mata niya. Niyakap ko siya. Mahigpit.
BINABASA MO ANG
She's Dominant (SPG/Mature)
Romance[TAGLISH] Alena, a victim of a controlling and abusive father, seeks control over to herself as her dark past and traumas try to seize her own body in the form of a new personality. *** Alena has always been a victim, dominated by her father and hau...