19.4 - Her Lost (Part 4)

2K 29 0
                                    

Biglang tumunog iyong telepono ko. Lumayo ako sa kaniya sandali upang tingnan kung sino ang tumatawag—si Chase.

“Tinatawagan ka na ba ng boss mo? Kailangan mo na daw ba pumasok?”

Napasinghap pa ako nang marinig iyong sabihin ni Duke. “Huh? Ah, oo.”

Itinago ko sa bulsa ko iyong telepono ko. Lumapit ako sa kaniya upang tanggalin ang pagkakagapos niya. Pinakawalan ko na siya. Tinanggal niya ang panyo sa mata niya. Niyakap niya ako nang makita niya akong nakatayo sa harap niya.

“Gagawin ko ang lahat para makabawi lang sa'yo at para makabalik na ulit tayo sa dati. Hindi na ulit kita hahayaang masaktan. Pangako iyan," aniya.

Hinayaan ko lang siyang yakapin ako hanggang sa kumalas siya ng kusa. Nagbihis siya ng damit.

"Ihahatid na kita."

Tumango ako kaya bumaba na kami pagkatapos. Sumakay kami ng kotse niya at inihatid niya ako sa kung saan niya ako sinundo kanina.

Bago ako bumaba nang marating na namin iyon, hinawakan niya ang kamay ko kaya hindi ko naituloy ang pagbaba.

“Salamat kanina, Maria. Nag-enjoy ako,” sambit niya.

Para akong bomba na naubos na ang oras at sumabog nang sabihin niyang nagustuhan niya ang ginawa ko. Ang gusto ko sanang mangyari ay pahirapan siya. Kaso, hindi iyon ang nangyari. Mukhang nagustuhan pa niya.

“Isang form ng torture ang ginawa ko sa’yo kanina. Oo, tumatawa ka. Pero sigurado ka bang nag-enjoy ka talaga?”

“Oo. Domme na domme nga ang dating mo kanina. Nagustuhan ko iyon.”

Nagsalubong ang kilay ko. “Bakit submissive ka ba?”

Napangisi siya. “Hindi ba nasabi ko na sa’yo ‘yun?”

Bumilis ang kabog ng dibdib ko parang kuneho na talon nang talon.

"Oo nga pala." Nag-peke ako ng ngiti.

Hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi ko alam kung dahil sa mahihirapan akong pahirapan siya. O hindi naman kaya, dahil sa nakahanap na rin ako ng submissive sa wakas. Hindi ko maintindihan.

Hindi pwedeng mahulog ang loob ko sa kaniya. Kahit submissive siya, masama siya. Sinaktan niya si Maria. Sinaktan niya ako kahit hindi ko pa man siya nakikita at nakikilala. Sigurado akong iyon din ang gagawin niya kapag mas nagkakilala na kami.

Agad akong bumaba ng kotse. Nang umalis ang kotse niya, nagsimula akong maglakad papunta sa bahay. Napadaan lang ako sa salamin nang marinig ko siya. Nakalagpas na ako ng salamin pero bumalik ako.

“Nararamdaman kong nagugustuhan mo na siya.”

Nang humarap ako sa salamin, nakita kong muli si Maria. Pareho ang bistidang puti na suot niya nang huli ko siyang makita sa salamin.

“Hindi ako pwedeng magkagusto sa kaniya. Alam mo iyan, Maria. Kaya kung mayroon man akong katiting na atraksyon na nararamdaman para sa kaniya, huwag kang mag-alala dahil papatayin ko na iyon. Hindi iyon pwedeng lumaki."

Aalis na sana ako ng salamin nang bigla ulit siyang nagsalita.

“Siguraduhin mo lang, Alena.”

Humarap ulit ako sa kaniya. “Bakit? Huwag mong sabihin na sa kabila ng ginawa niya sa’yo, mahal mo pa rin siya?”

“Paano kung sabihin kong oo?”

“Kakalimutan mo ng ganoon-ganoon na lang iyong ginawa niya sa’yo? Maria, nawala ang anak mo dahil sa kaniya!”

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon