Siya na marahil si Duke. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Dinamdam ko ang init ng katawan niya na ikinulong ang katawan ko. Walang duda kung bakit nabaliw sa kaniya si Maria.
“Salamat, Maria, at pumayag ka nang makita ako,” sambit niya. Malalim ang boses niya. Isang bagay na nagpalakas lalo ng dating niya at lalong nagpalalaki sa kaniya.
Napayakap ako pabalik sa kaniya. Sandali akong nawala sa sarili. Ngunit bumalik ako sa katinuan nang pagpikit ko ay nakita ko si Maria na umiiyak. Napakalas ako sa pagkakayakap sa kaniya.
Mabuti at ginising mo ako, Maria. Hindi ako pwedeng mahulog sa bitag ng lalaking ito. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang anak natin. Siya ang dapat na mahulog sa bitag ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako pasakay ng kotse niya. Iniandar niya ito nang nasa loob na kami.
“Teka, saan mo ako dadalhin?” pagtataka ko.
“Hindi mo ba narinig iyong sinabi ko noong kayakap kita. Sabi ko, dadalhin kita sa bahay. Will it be okay with you?”
Napaisip ako. Magandang pagkakataon ito upang isagawa ang plano ko. Tumango ako. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho.
Pumasok ang kotse sa loob ng isang marangyang subdibisyon. At ang mga bahay na nadadaanan namin, malalaki’t matataas. Pumasok ang kotse niya sa isa pang gate na pinagbuksan ng guwardiya na nasa labas nito para sa kaniya.
Pagpasok sa loob ng gate, may dalawang daanan ng sasakyan papasok kung saan sa gitna niyon ay mayroong fountain. Umikot ang kotse niya sa fountain at tumigil siya sa harap mismo ng pintuan ng bahay nila.
Bumaba siya ng kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan pababa.
Tiningala ko ang bahay nila. Mataas ito at malapad. Sa tantiya ko, mga tatlong palapag ito. Ang pintura nito ay puting-puti.
Inalalayan niya ako papasok sa loob sa pamamagitan ng paghawak sa likuran ko. Sa baba ay sala ang agad na bumungad sa akin, sa bandang dulo ay kusina, at sa ikalawa’t ikatlong palapag nama’y siguro’y mga kwarto na halos lahat. Puro kasi pintuan ang natatanaw ko rito mula sa baba. Tumingin-tingin ako ng mga gamit sa sala nila. Mga mata ko lang ang lumalapat sa mga iyon dahil alam kong katakot-takot ng presyo ng mga iyon at hindi pwedeng magkamali ng hawak ang mga kamay ko sa kanila.
“Ikaw lang mag-isa nakatira rito?”
“Actually sa condo kami nakatira ni Dad pareho. Remember the condo kung saan kita dinadala. Doon din iyong sa Dad ko pero sa ibabang floor nga lang. Bahay namin ito pero parang naging bahay-bakasyunan na lang. Nasa ibang bansa na rin kasi ang mga kapatid ko.”
Naglakad-lakad pa ako. Hanggang sa makita ko iyong litrato nilang pamilya nila: Mama niya, Papa niya, isang lalaki at babae na sa tantiya ko'y mas matanda sa kaniya at siya.
“May daddy ka pala?” taas kilay kong tanong. Nakatalikod ako sa kaniya. Nakaharap ako sa litrato nila.
“Hindi ba na-meet mo na siya?"
“Magiging daddy ka na rin sana. Kung hindi mo lang ako pinabayaan.”
“Hanggang ngayon ba, galit ka pa rin sa akin?”
“Hindi naman iyon ganoon kadaling kalimutan, Duke.”
“Naiintindihan ko. Kaya sana, dito ka na muna mag-stay. Hayaan mo akong makabawi sa’yo, Maria. Kahit habang buhay kitang pagsilbihan, basta huwag mo na lang akong iwan o iwasan ulit.” Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa balikat. Ramdam na ramdam ko ang alab ng pagmamahal niya kay Maria mula sa init ng mga palad niya na nakapatong sa balikat ko.
Mukhang magandang ideya nga ang naiisip niya. Kung dito ako mag-stay, mas madaling gawing impyerno ang buhay niya.
“Sige, pero kailangan ko munang kunin ang mga gamit ko.”
“Walang problema. Tutulungan kita. Pero, gusto mo ba munang makita iyong magiging kwarto natin?"
Tumango ako. Napangisi ako nang tumalikod na siya sa akin. Umakyat kami sa ikatlong palapag ng bahay nila at pumasok kami sa ikalawang pinto. Binuksan niya iyon bago kami pumasok. Nakatayo lang ako sa pinto habang pinagmamasdan ang kwarto.
Ang kama nito ay may apat na poste at bubong. May maliit na mesa sa gilid kung saan may nakapatong na lampara sa ibabaw. Sa gilid nito ay bintana na may makapal na kurtina.
Pumasok ako at agad na isinarado ang pinto. Nakatalikod siya sa akin pero humarap siya nang marinig ang pagtunog ng lock. Lumapit ako sa kaniya at dahan-dahan na tinanggalan siya ng damit.
“Maria...” Halata sa pagkagulat ng mukha niya ang hindi niya inaasahang gagawin ko.
Itinulak ko siya sa dingding. Mayroong nakalaylay na tali sa itaas na bahagi ng dingding na iyon. Itinaas ko ang dalawa niyang kamay. Mabuti na lang ay may upuan doon na pwedeng tuntungan. Ipinulupot ko ang tali sa kamay niya at hinigpitang maigi.
“Anong gagawin mo, Maria?”
Kinuha ko ang panyo sa bulsa niya. Ginamit ko ito upang takpan ang mata niya.
“Alam kong matindi ang pinagdadaanan mo dahil sa mga nangyari. Pero Maria, hindi mo kailangan itong gawin. Maiintindihan ko.”
Inikot ko ang kwarto niya. Naghanap ako ng pwede kong gamitin.
“Maria, ano ba ito? Anong gagawin mo?”
Lumapit ako sa isang kabinet. Kinalkal ko ang laman nito.
“Maria, please. Tanggalin mo na itong tali.”
Nakakita ako ng malaking balahibo. Iniangat ko ito at malapad ang mga ngiti na pinagmasdan ito na tila isang bagay na matagal ko nang hinahanap at bigla kong nakita. Kinuha ko ito at lumapit sa kaniya.
“Alam mo ba na ang tickling ay isang form ng torture.”
"Bakit mo sinasabi iyan?" tanong niya.
Sinimulan ko siyang kilitin sa tainga. Hindi siya tumatawa pero pilit niyang iniiwasan ang malaking balahibo na iyon. Nakangiti siya habang ginagawa iyon.
“Maria, ano ito? Sigurado ka ba sa ginagawa mong ito?”
“Minahal mo ba talaga ako?” Malapit ang mukha ko sa kaniya.
“Oo naman. Minahal kita, Maria. Ikaw lang ang minahal ko.”
“Wrong answer!”
Kiniliti ko siya sa may leeg. Nagsimula siyang tumawa. Sa leeg, mayroon siyang kiliti.
“Kung minahal mo talaga ako, bakit mo hinayaang mamatay ang anak natin? Bakit mo ako pinabayaan?”
“Maria, hindi kita pinabayaan. Naipaliwana-“
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. “Wrong answer again!”
Kiniliti ko siya ng balahibo na iyon sa magkabilang kili-kili. Humagalpak siya ng tawa. Pinilit niyang makawala ngunit ‘di niya magawa.
“Maria, pareho nating hindi ginusto ang nangyari. Pero kung ano man ang nangyari, tapos na iyon. Kailangan natin iyong tanggapin. Magsimula tayo ulit. Mahal na mahal kita. Handa akong gawin lahat para sa'yo.”
“Very very wrong answer!”
Kiniliti ko siya ng mabilis sa tagiliran gamit pa rin ang malaking balahibo na hawak ko. Sobrang hagalpak niya. Halos matanggal na ang pagkakahigpit ng tali sa sobrang pagpiglas niya, kusa man o hindi sadya.
BINABASA MO ANG
She's Dominant (SPG/Mature)
Romance[TAGLISH] Alena, a victim of a controlling and abusive father, seeks control over to herself as her dark past and traumas try to seize her own body in the form of a new personality. *** Alena has always been a victim, dominated by her father and hau...