CHASE' POV
Ano bang pumasok sa isip ko at bakit ko nagawa iyon kay Alena?Alam kong sa sitwasyon ko ay wala nang kasiguraduhan ang bukas. At ayaw kong mawala si Alena sa akin. Pero hindi kaya iyon din ang pinakatamang desisyon na gawin ko? Ang palayain na siya at kausapin si Duke na huwag saktan si Alena.
Muling bumukas ang pinto ng bahay nina Alena. Kasama na niya si Duke nang muli siyang bumalik sa bahay niya.
"Alena, I'm sorry. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko sa'yo. Sana mapatawad mo ako," bungad ko sa kanila. Napatayo pa ako sa pagkakaupo ko sa sala.
"Hindi ako si Alena. Humingi ka rin ng tawad sa kaniya."
"Naikwento na sa akin ni Maria ang mga nangyari dito. Sa oras na ulitin mo ulit iyon, hindi ako magdadalawang isip na saktan at ipakulong ka."
"Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko. Hindi ko dapat ginawa iyon."
Nagtinginan silang dalawa ni Duke.
"May isa pa rin kaming napagkasunduan," ani Duke.
"Ano 'yun?" tugon ko.
"Tutulungan natin si Alena na mabuo ulit ang pagkatao niya. At kapag naging buo na siya ulit, saka natin siya hahayaan na magdesisyon. At napagkasunduan namin na kung ano man ang maging desisyon niya, pareho natin iyong igagalang."
"Walang problema sa akin. Pero para magawa iyon, mayroon lang akong gustong sabihin kay Alena."
“Ano ‘yun?” tugon ni Maria.
“Kailangan niya rin tulungan ang sarili niya. Oras na para hanapin nating muli ang tatay niya. Alena, kung naririnig mo ako. Ayaw mo bang malaman kung buhay pa siya o wala na? Andito lang kami ni Duke. Hindi ka namin pababayaan. Hayaan mong tulungan ka namin. Matagal nang panahon iyon, Alena. Tutulungan ka naming gawin nakaraan na lang ang dapat ay nakalipas na. Tulungan mo lang din ang sarili mo.”
Tumango sa akin si Maria.
Ipinahanap namin ang tatay ni Alena. At nang magkaroon kami ni Duke ng impormasyon na buhay pa siya at alam na namin kung nasaan siya, ipinaalam namin iyon kay Alena.
"Kinakabahan ako," saad ni Alena habang nasa kotse kami nina Duke. Nasa likod kaming tatlo at nasa gitna siya.
Hinawakan siya ni Duke sa kamay. "Andito lang kami. Tandaan mo na andito lang kami."
Umiwas na lang ako agad ng tingin at ibinaling ang mga mata sa bintana. Naramdaman ko na lang bigla na ipinatong ni Alena ang mainit niyang palad sa kamay ko.
"Andito lang kami, Alena. Huwag kang matakot," saad ko.
Tumigil ang kotse sa isang ospital para sa may mga problema sa pag-iisip. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Lumapit kami sa nars na tumatao sa mesang sasalubungin pagpasok.
"Kay Mr. Fred Salvacion, may s-in-et kaming appointment to see him," ani Duke.
“Kayo po ba ang anak ni Mang Fred?” tanong ng nars.
“Ako po. Kamusta ho siya?” pagsingit na ni Alena.
“Sa ngayon ho, nagiging maayos na ang kondisyon niya. Pero noong una ho siyang dumating rito, higit tatlong taon na ang nakakalipas kung hindi ako nagkakamali, sobrang lala niya ho. Hindi malapitan. Hindi mahawakan. Takot na takot ho siya. Mayroon ho siya noong madalas ikwento." Tumingin-tingin pa siya sa paligid bagon nagpatuloy. "Ang sabi niya, mayroon daw gustong pumatay sa kaniya. Isang babae na ang pangalan daw ay Lizzie. Nag-imbestiga ho ang mga pulis. May mga physical damage na nakita sa katawan niya noon kaya naniwala silang totoo nga ang ikinukwento niya. Pero hindi nagtagal, nadiskubre nila habang naka-confine siya sa ospital, sinasaktan niya lang pala ang sarili niya.”
Tahimik lang kami habang nakikinig sa mga kwento niya.
“Naku. Napahaba na ata ang kwento ko. Sige, puntahan na ho natin siya. This way po."
Sinamahan kami ng nars papunta sa kwarto kung nasaan ang ama ni Alena. Pero bago makarating roon, iba-ibang mga tao na may iba-ibang sakit sa pag-iisip ang nasisilip naming mula sa maliliit na bintana ng mga pintong nadaraanan namin.
"Dito po," sabi ng nars at ikinumpas ang pinto na hinintuan niya. Mayroon din siyang pinindot sa gilid para buksan ang pinto.
Napatingin sa amin dalawa si Alena. Tumango ako sa kaniya para ipahiwatig na kaya niya iyon.
"Lakasan mo ang loob mo. Kaya mo iyan," sabi naman ni Duke.
Dahan-dahan na itinulak ni Alena ang pinto pabukas.
“Anak?” sambit ng ama niya nang sandaling pumasok siya. Dahan-dahan humarap sa kaniya ang ama. Nanlaki ang mga mata nito nang makita na siya. “Huwag! Huwag mo akong papatayin! Huwag!”
Nakaupo siyang umatras papunta sa sulok ng kwarto na iyon.
“Mang Fred, anak niyo ho siya. Hindi niya kayo papatayin,” pagpapakalma ng nars. Tumakbo ito para lapitan ang matandang lalaki.
“Please, Lizzie. Maawa ka. Huwag mo akong patayin. Please! Nakikiusap ako sa’yo,” iyak ng ama niya.
“Mukha hong hindi pa siya handa na makita kayo kaya hindi niya kayo makilala. Siguro mas makabubuti ho kung bumalik na lang siguro kayo sa ibang araw,” saad ng nars.
“Tara na, Alena,” aya ni Duke. Tiningnan kong muli ang ama ni Alena. Litaw na litaw ang takot sa mukha niya habang nakatingin pa rin sa kaniya. Lumabas na sila pero naiwan ako sa loob. Nakakapagtaka lang na ma-trigger ang ama niya sa lahat ng bisita na pumapasok rito. Possible nga kayang kay Alena lang siya ganoon? Ang sabi kasi ng nars, maayos na raw ang kondisyon niya.
Bakit kaya takot na takot siya nang makita si Alena?
Sinundan ko na silang dalawa sa labas. Naabutan kong pinapakalma ni Duke si Alena.
“Antagal kong nabuhay sa galit. Ang hindi ko alam. Ganoon na pala ang sinapit ni Papa," aniya.
"Hindi mo kasalanan ang nangyari, Alena."
"Pero, hiniling ko minsan sa buhay ko na sana namatay na siya. Masama akong tao, Duke."
"May mga bagay talaga na pinapagawa sa atin ng galit. At isa lang ang nagiging resulta, pagsisisi."
Pinapanood ko lang silang dalawa nang biglang sumayaw ang paningin ko. Pumikit-pikit ako at walang nagbago. Ilang sandali lang, bumagsak na ako sa sahig.
“Chase!” narinig kong sigaw ni Alena. “Duke, tulungan mo ako.”
Narinig ko ang mga paa nilang tumatakbo papalapit sa akin bago tuluyang kinain ng dilim ang aking ulirat.
BINABASA MO ANG
She's Dominant (SPG/Mature)
Romantizm[TAGLISH] Alena, a victim of a controlling and abusive father, seeks control over to herself as her dark past and traumas try to seize her own body in the form of a new personality. *** Alena has always been a victim, dominated by her father and hau...