8.1 - His Persistence (Part 1)

3.7K 28 0
                                    

MARIA's POV


Parang umahon sa matagal na paglubog sa tubig ang pakiramdam ko nang muling tumambad sa mata ko ang kisame ng kwarto ni Alena. Matinding paghahabol ng hininga ang ginagawa ko.

Bumangon ako. Napatingin ako sa may bintana. Mataas pa ang araw. Biglang tumunog ang telepono ko na nakapatong sa mesa sa tabi ng kama. Kinuha ko ito upang tingnan kung sino ang tumatawag—"Hallowblocks Supplier".

Sinabihan ko na siya na huwag akong tatawagan pero makulit pa rin siya. Mabuti na lang at hindi saktong si Alena ang natiyempuhan niya. Sinagot ko ang tawag.

“Duke, hindi ba’t sabi ko sa’yo na huwag kang tatawag sa akin. Ako ang tatawag sa’yo.”

“Pasensya ka na, Maria. Kailangan ko kasi ng tulong mo.”

“Huh, ano? Bakit anong nangyari?”

“Basta pumunta ka na lang dito sa unit ko, please? Alam mo naman ‘yun, hindi ba? Iyong unit na bigla mong pinasok. Kailangan na kailangan ko lang kasi talaga ang tulong mo.”

“Sige. Papunta na ako.”

Agad akong nag-ayos. Nagmadali akong pumunta sa unit ni Duke. Pagtapak ko sa tapat ng unit niya, kumatok ako. Hindi siya agad sumagot kaya binuksan ko na iyong pinto. Mabuti na lang at hindi ito nakasarado.

Pagpasok ko sa loob, biglang sumara iyong pinto. Isang lalaking nakatayo sa likod ng pinto ang tumambad pagharap ko. Isinara niya ang pinto. Suot niya lang ay male waiter’s bow tie, bracelet at uniform apron.

“At your service, ma’am. Ano pong order niyo?”

Napasigaw ako at napatakip ng mata.

“Akala ko ba kailangan mo ng tulong! Sinungaling ka! Sa susunod, hindi na ako maniniwala sa’yo!”

“Ang sabi ko kaya, ako’y magkakatulong. Hindi ko sinabing kailangan ko ng tulong."

“Sinungaling ka! At saka bakit ba ganiyan ang suot mo? Magpalit ka!”

Lumapit siya sa akin at tinanggal ang pagkakatakip ng palad ko sa mata ko. Pinigilan ko pero malakas siya. Natanggal niya ang kamay ko kaya pumikit ako.

"Kapag hind ka dumilat, tatanggalin ko itong apron na ito."

"Huwag!" sigaw ko. "Ito na."

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang matipuno niyang katawan na hindi natatakpan ng apron. Sa kabila ng init na biglang naramdaman ng katawan ko ay para akong yelo na hindi makagalaw dahil sa tumambad sa akin paningin.

“Gusto niyo po bang sumayaw ako?”

Bahagya na siyang gumigiling-giling bago lumapit sa may speaker.

“Hindi. Hindi!”

Kinalikot niya ang telepono niya na nakakonekta sa speaker. At ilang sandali lang, nagsimula na ang mapang-akit na tugtog.

“Hindi! Huwag!”

Nagsimula siyang sumayaw. Gumiling-giling siya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. May biglang bumakat sa apron na suot niya sa bandang ibaba ng tiyan niya. Iyong "ano" niya ata iyon. Napatakip ulit ako ng mata.

“Tama na. Itigil mo na ‘yan!”

Ilang sandali lang ay tumigil rin ang tugtog. Tinanggal ko na ang mga palad ko sa mata ko. Mabuti naman at tumigil na siya sa pagsayaw.

“Please, Duke, nakikiusap ako itigil mo na ‘to.”

“Ikukuha ko lang ho kayo ng tubig. Mukhang kailangan niyo ‘yun para kumalka kayo.”

Pagtalikod niya, tumambad sa akin ang matambok at makinis niyang puwit.

Nanlaki lalo ang mga mata ko na para nang platito. Muli akong napasigaw.

Wala siyang suot sa ibaba bukod sa apron na iyon. Kailangan ko ng umalis. Masyado nang mainit sa lugar na ito. Lalakad na sana ako nang bigla siyang bumalik. May dala siyang isang basong tubig. Mukhang kailangan ko ng uminom. Masyado ng mabilis ang pagtibok ng puso ko. Iaabot na sana niya sa akin iyong tubig nang bigla niya itong ibuhos sa katawan niya.

Napatitig ako sa katawan niya. Napabakat ng pagbasa niyang iyon ang katawan niya mula sa apron. Mula sa makikisig niyang dibdib pababa sa kaniyang kalamnan dumaloy ang ibinuhos niyang tubig. Napalunok ako. Para akong biglang nauhaw at ang tubig na dumadaloy sa katawan niya ang tangi lang na papawi ng uhaw ko. Pababa na sana ang mata ko sa ibaba ng tiyan niya nang alugin ko ang ulo ko upang bumalik ako sa katinuan. Hindi ako dapat nagkakaganito dahil lang sa ginagawa niya. Nagtakip ako ng mata.

“Duke, please tama na. Magbihis ka na. Ayaw ko na.”

“Hindi niyo po ba nagustuhan iyong mga ginawa ko, ma’am?”

“Please magbihis ka na. Ipinag-uutos ko. Magbihis ka na.”

“Masusunod ho.”

Nang maramdaman kong wala na siya sa harap ko, tinanggal ko nang muli ang mga kamay ko sa pagkakatakip nito sa mata ko. Naupo ako sa sofa sa sala ng unit niya. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang mga kamay ko. Parang isang bukas na gripo kung tumulo ang pawis ko. Walang tigil.

Paglabas ni Duke ng kwarto niya ay naka-white shirt na siya at pantalon.

“White para match tayo,” aniya. Umupo siya sa tabi ko.

“Ang bilis mo naman magbihis.”

“Hindi na kasi ako nagsuot ng brief kaya ganoon.”

Napasinghap ako dahil sa sinabi niya.

“Duke, please, ayaw ko na ng ganito. Kung ikaw man ang nakalaan para sa akin, kahit hindi ka ganitong klase ng tao, gusto ko sana iyong romantiko.”

“Bakit hindi ba romantic iyong mga ginagawa ko?”

“Erotic iyon hindi romantic. Ang romantic ay iyong bibigyan mo ako ng flowers or ng teddy bears, chocolates, ida-date mo ko. Iyong romantic date. Kikilalanin. Papakiligin. Pagkatapos, ipapakilala mo ako sa magulang mo. Ganoon.”

Nakatingin lang siya sa akin.

“Tapos mayroon pa pala. Kung gusto mo talaga ng medyo may erotic, ‘pag nangyari ang mga iyon, magki-kiss tayo. Iyong romantic. And there, I’ll have my first kiss. While you, will have your first romantic kiss. Pagkatapos, magiging tayo. Magtatagal at lalong titibay ang relasyon natin kaya magpapakasal tayo. Magkakaanak. Ang just like a fairytale, we’ll have our happy ending.”

“Kung ganoon ang gusto mo, sige, gagawin ko.”

Hinawakan niya ako sa kamay at hinila palabas ng unit niya.

“Teka, wala kang brief, hindi ba?” tanong ko.

“Sanay na ako. Don’t mind me.”

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon