Nagpatuloy siya sa paglalakad. Nag-elevator kami pababa ng parking.
Biglang nag-unlock ang isang magarang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan na makasakay.
"You're learning." Ngumiti ako.
Bago siya sumakay sa kabilang pinto ay may kinausap muna siya sa telepono niya. Hindi ko na narinig dahil nasa loob na ako ng kotse. Pagkatapos nu’n, sumakay na rin siya at nagsimulang mag-drive.
Tumigil ang kotse niya sa isang open park. Hindi pa man nakakababa ng kotse, tanaw ko na ang paligid. Madamo ngunit maganda ang pagkakatabas ng mga iyon. May mga matatayog na puno. May mga ilang tao na naglalakad-lakad. Ang iba’y magka-holding hands.
Marami pang ibang makikita rito ngunit ang iba’y hindi ko na matanaw mula sa loob ng kotse.
Bumaba na si Duke at pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan niya rin akong makababa. Habang hawak ang kamay ko, naglakad kami. May inilabas siyang panyo sa bulsa niya at ipinantakip ito sa mata ko.
“Para saan ito?” pag-usisa ko.
“Hindi ba’t gusto mo ng romantic?”
Napangiti ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko mayroon siyang sorpresa.
Nang tanggalin niya ang panyo na nakatakip sa mata ko, isang nakalatag na malaking sapin sa may damuhan ang tumambad sa akin. Mayroong bungkos ng bulaklak sa gitna nito. Mayroon ring mga basket na sa tingin ko ang laman ay mga pagkain. May mga lalaki rin na naka-suit sa gilid. May suot silang mga itim na shades. Iniabot ng isa sa kanila ang isang malaking teddy bear sa akin.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang bumagal naman ang mga galaw ni Duke sa paningin ko. At nang tumama ang mga mata namin sa isa’t-isa, wala akong ibang nakita kundi siya.
“This is all for you...Maria.”
Parang may sariling utak ang katawan ko na bigla na lang siyang niyakap. Abot-tainga ang mga ngiti ko.
“Tara na, kain na tayo,” aya niya.
Nang maupo ako sa sapin na iyon, naupo na rin siya. Binuksan ko ang mga basket at samu't-saring mga pagkain ang laman nito. Nagsimula kaming kumain. May bigla akong naitanong ako sa kaniya sa gitna ng aming pagkain.
“Duke, curious lang ako. Bakit ba gustong-gusto mo iyong nasasaktan ka?”
Hinawakan niya ang kamay ko.
“Sana walang magbago kapag nalaman mo na ‘yong totoo.”
Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Sa tingin ko’y wala namang magbabago. Sabi nga nila, kung nagustuhan mo siya dahil sa mga magagandang katangian na mayroon siya, mahalin mo siya dahil sa mga kakulangan niya dahil iyon ang ibig sabihin ng tunay na pag-ibig.
“Mayroon akong ‘Sexual Masochism Disorder’.”
“Sexual ano? Ano ‘yun?” Nagsalubong ang mga kilay ko.
“Isa iyong kondisyon kung saan ang isang tao ay naa-arouse sexually kapag sinasaktan siya. Any form of pain. Kadalasan itong sakit ng mga submissive.” Tumigil siya sandali. “Ang kabaliktaran naman nito ay ‘Sexual Sadism Disorder’. Isang kondisyon naman kung saan ang isang tao ay naa-arouse sexually kapag mayroong siyang sinasaktan. Kadalasan naman iyong sakit ng mga Dominant.”
“Dominant? Parang narinig ko na iyon.”
Kumunot ang noo ko. Pinilit ko ang sarili kong isipin kung saan ko iyon narinig.
“Ang Dominant ang nagko-control. At ang submissive naman ang kino-control. Tulad ko, gusto ko kinokontrol ako.”
“Nurse ako pero hindi ko alam iyong ganoong klase ng kondisyon. Paano naman nakukuha iyong ganoong disorder?”
“Talaga? Nurse ka? Anyway, hindi ko alam sa mga Dominant. Pero sa akin, nakuha ko siguro ito dahil sa karanasan ko noong bata pa ako.”
Nanatili akong tahimik upang pakinggan ang mga susunod na lalabas sa bibig niya.
“Dati kasi protektado ako ng mga magulang ko. Hindi nila ako pinalalabas. Kung lalabas man ako, may kasama akong bodyguard. Kahit sa school o sa banyo, kasama ko sila. Ayaw na ayaw ng Dad ko na wala akong kasama. Ayaw niya kasing nasasaktan ako. Noong nagkagalos nga lang ako isang beses, nag-fire na agad siya ng bodyguard. Kaya hindi ako na-bully noong nag-aaral ako.”
Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy.
“Hanggang sa tumagal, naging curios ako sa physical pain kasi hindi ko siya gaanong nararamdaman. At habang lumalaki ako, lumalaki rin iyong curiosity ko. In such a way na na-obsess akong maramdaman iyon. Umabot ako sa puntong sinaktan ko na mismo ang sarili ko pero hindi ako makontento. Kaya one time, inutusan ko ang isa sa mga bodyguard na saktan ako at mapa-fired siya kapag hindi niya ginawa ang gusto ko. Hindi ko maipaliwanag ‘yong naramdaman ko noon. Naghalo-halo na. Pero isa lang ang malinaw sa akin, nagustuhan ko iyon. Kaya naman, hinanap-hanap ko na siya."
Ngumiti siya bago nagpatuloy pa sa pagkukwento.
“Noong college ako, nagsimula na akong mag-research. Hurting myself is not enough for me. Although hindi na ako ganoon ka-secure ng mga magulang ko at nasasaktan na rin ako noon physically, hindi ko na naalis iyong obsession ko. Hanggang sa nag-hire na ako ng isang Dominatrix, tawag sa Dominant girl or Domme na pwede mong bayaran para mag-perform ng sadomasochism. It was the time when I realized na pain is everything. It makes me feel alive.”
“Is there a cure for that?”
“Honestly, I don’t know. I don’t know if there’s a cure and I don’t know if I want to be treated.”
Hinawakan ko ang kamay niya. “Can love treat you? And if it’s love that can treat you, would you want me to treat you?”
Natigilan siya sandali. Parang nakakandado ang mga mata namin sa isa't-isa.
“I’m not sure.”
Hinawakan ko siya sa kamay. “You want to try?”
Matagal siya bago nakasagot. Pero worth it naman ang paghihintay ko ng sagot niya dahil pumayag siya sa pamamagitan ng pagtango. Niyakap ko siya. At pagpulupot ng kamay ko sa leeg niya, nakita ko sa orasan sa braso ko na ala-singko na ng hapon. Kailangan ko ng umuwi. Baka bumalik na si Alena.
Humarap ako sa kaniya. “Duke, kailangan ko ng umuwi. May trabaho pa kasi ako. Night shift kasi ako. Pasensya na, ah.”
“Hatid na kita?”
Tumango ako. Dumiretso kami sa kotse niya. Hanggang sa kanto lang ako nagpahatid at naglakad na ako papunta ng bahay. Pagdating ko roon, agad akong nahiga at natulog.
Pagdilat ko, nasa isang madamong lugar na ulit ako.
BINABASA MO ANG
She's Dominant (SPG/Mature)
Storie d'amore[TAGLISH] Alena, a victim of a controlling and abusive father, seeks control over to herself as her dark past and traumas try to seize her own body in the form of a new personality. *** Alena has always been a victim, dominated by her father and hau...