1.3 - Her Secret (Part 3)

8.5K 73 11
                                    

Palibhasa'y hindi nila alam ang pinagdaanan at mga pinagdadaanan ko pa rin hanggang ngayon. Hindi nila ako maintindihan. Ang simple lang naman ng hinihiling ko pero bakit tila napakahirap maghanap ng lalaki na pagbibigyan ang gusto ko. Gusto nila palaging sila na lang ang nasusunod. Hindi ko naman ito ipipilit kung hindi ko kailangan.

Lumabas ako ng stock room na iyon. Kinuha ko ang bag ko sa table ko bago dumiretso sa banyo. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Maayos pa naman ang make-up ko pero parang kulang pa rin para sa kanila ang ganda ko. Makapal pa rin ang inilagay kong mascara at liquid eyeliner sa mga mata ko pero tila hindi pa rin nila makita ang matinding pagnanasa na gustong kumawala mula rito. At, maayos pa naman ang mahaba kong nakabrush-up na buhok na ipinasadya ko pa sa salon. Pero lahat ng effort ko, parang wala lang sa kanila. Ibig sabihin, possibleng hindi ang itsura ko ang may problema.

Kawalan ata sa pagkalalaki nila ang maging submissive o ang hayaan na ang babae naman ang maging dominante. Kaya karamihan sa kanila, gusto ay maging dominante maging sa kama. Bihira lang ang hindi. At ang mga kabilang sa mga iyon, sadyang kay hirap hanapin.

Pagkatapos magbanyo, sumakay ako ng elevator pababa. Mula sa makikintab na dingding ng elevator ay kinapalan ko ang red lipstick ko. Inayos ko ang bahagyang nagusot kong itim na dress na kakulay ng buhok kong hinango sa dilim. V-neck ito kaya bahagyang lumilitaw ang malulusog kong dibdib.

"Tomorrow is another day, Alena. Kung hindi man tayo palarin ngayong araw, babawi tayo bukas," saad ko sa sarili.

Ginawa ko na ang lahat para maakit sila sa akin pero tuwing malalaman nila na dominante ako sa kama ay sapat na iyon para umayaw sila.

Paglabas ng elevator ay diretso na rin ako na lumabas ng building. Dumiretso ako sa isang malapit at nag-iisang bukas na sari-sari store. May mga lalaking nakatambay doon. Tila ako lang ang nakikita nila ng mga oras na iyon habang naglalakad ako papalapit sa tindahan. Ngunit sigurado akong aatras rin ang mga bayag nila kapag nalaman nilang kasama sa pagnanasa ko ang ibitin sila patiwarik.

"Isang yosi nga po," saad ko sabay abot ng bayad.

Agad ko itong sinindihan nang iabot sa akin mula sa lighter na nakasabit sa gilid upang hithitin. Binugahan ko ng usok ang mga tambay na nandoon bago umalis. Narinig ko pa ang mga yabag nila na binalak akong sundan pero sinigawan sila ng tindera.

"Hoy! Saan kayo pupunta? Gusto niyong isumplong ko kayo? Buti nga pinapatambay ko kayo rito."

Naglakad ako papasok sa isang maliit at malapit lang na bar. Light ambiance lang siya at hindi tataas sa bente katao ang kayang maukupuhan ito. May dalawa lang siya na sofa sa loob at bilang sa daliring tables. May iilang upuan sa harap ng bartender na inokupahan ko. Ako lang ang nandoon. Ang dalawang sofa ay okupado ng grupo ng mga lalaki at ang isa'y grupo naman ng mga babae at beki.

"Bigyan mo ako ng beer," sambit ko. Nakapatong ang braso ko sa may counter. Kailangan ko kasing ma-relaks ang sarili ko. Isa na naman kasing pagkabigo ang natanggap ko kanina.

Nagpe-prepare na ang bartender ng beer ko nang may lumapit sa akin.

"Are you free tonight?" tanong sa akin ng bearded guy. He looks indian. Galing siya sa mga grupo ng lalaki na okupado ang isang sofa.

"I'm always free, baby." Pinudpod ko sa ashtray na nasa counter ang sigarilyo na hinihithit ko kanina bago iniwan doon ang upos nito. "You into BDSM?"

"What? You're crazy. I just want sex."

"Then, get lost."

Napailing siyang bumalik sa mga tropa niya. Nakita ko mula sa repleksyon ng salamin kung paano sila magbulungan at pagtawanan ako.

Nilagok ko nang isang diretso lang ang beer nang iabot na iyon sa akin ng bartender. Pagkatapos tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad pabalik ng opisina. Wala rin naman talaga akong balak magpakalasing. At isa pa, nakakabwisit sila. Sabi na nga, mali na i-open ko agad iyon. Pero ayos na iyon kaysa kapag nandoon na kami, saka lang sila aatras.

Pag-akyat ko, nakabalik na halos lahat sa pagtatrabaho. Sinubukan kong tingnan iyong bagong empleyado na nakaharutan ko ng bahagya kanina. Pero kahit isang sulyap, hindi niya ako tinapunan.

Ekis na rin siya sa akin. Ang panget niya pala.

Alas-siyete ng umaga natapos ang shift ko pero pasado alas-otso na ako nakauwi sa tinutuluyan kong apartment. Actually, isa iyong townhouse. Dalawang palapag. May garahe. Pero nakadikit ang dingding sa kapitbahay. Maliit lang siya. Sapat lang sa akin dahil ako lang naman mag-isa.

Pagpasok ko ay bubungad ang sala na may sofa at TV na hindi ko halos nagagamit. Madadaanan ang kusina paakyat ng ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ko. Maliit lang rin. May king-sized bed. Mayroon kasi akong katabi dati kaya hindi ko na pinalitan. May whole body mirror sa side. At, may malaking wardrobe cabinet kung saan kinuha ko ang damit ko para magpalit ng pantulog.

May awang ang kurtina na humaharang sa glass door ng aking balkonahe kaya hinila ko pasara para walang liwanag na makalusot. Pagkatapos, nahiga na ako sa kama.

Matutulog na lang ako pero isang alaala pa ang bumagabag na naman sa akin.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon