Tumigil ang kotse niya sa isang tila party venue kung saan mula sa kotse ay maririnig na ang malakas na tugtugan. Inalalayan akong bumaba ni Duke at muling pinakapit sa braso niya habang naglalakad kami papasok roon. Nanlilisik ang tingin sa akin ng mga babae na nadaanan namin pagpasok namin sa loob. At nang makalapit kami sa Dad niya, mayroon itong kausap.
“Dad, excuse me,” pang-iistorbo ni Duke.
“Yes, my son.”
“Gusto kong ipapakilala sa’yo. Si Maria Saez. She is now my girlfriend.”
“Magandang hapon po, Mr. Kingley.”
Napatayo ang ama niya at nakipagkamay sa akin. Nakangiti ko namang tinanggap iyon.
“Sige. Maupo kayo.” Inalalayan pa rin ako ni Duke hanggang sa pag-upo. Inukopahan naming dalawa ang parehong mesa kung saan nakaupo ang ama ni Duke kasama ang ibang mga kakilala. "Kumusta kayo? I didn't know may girlfriend na pala ang anak ko. Have we met?"
"Yes po, once. Noong na-stroke po kayo. I'm glad okay na kayo ngayon," sagot ko.
"She's the one who assessed you, Dad. Siya rin ang dahilan kung bakit naisugod ka agad namin sa ospital."
"Ikaw pala 'yun. Maria, right?" Tumango na lang ako para kumpirmahing tama siya. "Thank you for saving my life. You're a hero."
"Wala po 'yun. Trabaho kong mag-salba ng buhay ng mga tao."
"Really? Are you a doctor? Anong tinapos mo?"
“Nursing po, Mr. Kingley.”
“So you help the doctors save lives.”
“Yes po.”
Binuhat ni Mr. Kingley ang baso na may lamang alak. “You are working as a nurse now?”
“Yes po.”
“Interesting." Ininom niya ang alak na hawak. "In what hospital?”
“In Manila Doctor’s Hospital, sir.”
“Really?” Napataas siya ng kilay. “I’ve been there so many times pero never kita nakita roon.”
Nginitian ko siya ng sobrang lapad. Halos mapunit ang bibig ko. “Baka nagkataon lang po. Marami kasing tao roon, right po?”
“With that face? I don’t think hindi kita mapapansin. My eyes are like a magnet to beautiful ladies like you."
Isang matandang lalaki na singkit ang mga mata ang nakisalo sa amin. Kasama niya ay isang babae na kasing-edad ko lang. Hanggang balikat ang buhok niya at may nunal sa ibabaw ng labi. Pasulyap-sulya siya kay Duke.
“Good to see you, Mr. Lee,” bati ng ama ni Duke sa lalaking kakaupo lang.
“And who is this girl?” Mula sa tono ng pananalita niya, madaling matukoy na chinese siya. “Have you forgotten about our deal?”
“No, Mr. Lee. Of course not. I’ll fix this. Give me a minute. I’ll talk to my son.”
“Dad, anong kinalaman ko sa deal na iyon?” bulong ni Duke.
“We need to talk," bulong niya sa anak bago ibinalik ang tingin kay Mr. Lee. "Excuse us.”
Nang tumayo ang Dad niya, wala na siyang nagawa kundi tumayo rin para sundan ito.
“Okay ka lang dito?” Tumango ako. “Mabilis lang ito. Babalik din agad ako.”
Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawang bagong dating nang umalis na si Duke. Kahit natatakpan dahil nakatago sa ilalim ng mesa ang kalahati ng katawan ko, binigyan pa rin ako ng mula ulo hanggang paang tingin ni Mr. Lee. Inirapan naman ako ng babaeng kasama niya.
“Excuse me.” Tumayo ako upang kunwari magbanyo. Pero ang totoo, sinundan ko talaga sina Duke. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari. Hindi ako pwedeng basta na lang maupo sa harap ng dalawang matapobre na iyon habang hindi ko alam na pinupuntirya na pala nila ako patalikod.
Nakita kong lumabas sina Duke kaya lumabas din ako. Nagtago ako sa mga kotse upang makalapit sa kanila at marinig ang usapan nila.
“Alam mo, wala namang problema kay Maria. She’s beautiful. She’s kind at maganda naman ang natapos kahit papaano.” Tumigil sandali ang Dad niya sa pagsasalita. “Kaso nga lang, nakapag-usap na kami ni Mr. Lee. I already said yes at lagot ako kung babawiin ko ‘yun. Masyadong maraming favor na ang nahingi ko kay Mr. Lee. Hindi ko na pwedeng bawiin. Ipinagkasundo na namin kayo ni Gretta.”
“Ano? Pero Dad, hindi ko gusto si Gretta.”
Gretta? Siya na marahil iyong babae na kasama ng Mr. Lee. Mag-ama siguro silang dalawa. Mabuti na lang at hindi siya gusto ni Duke.
“Our company needs their company. Parang bread and butter ang mga kumpanya natin na kapag pinagsama ay may perfect combination.”
“Ayaw ko, Dad. Hindi na ako bata, okay? Mahal ko si Maria. Tapos na ang usapang ito.”
Narinig kong parang pinigilan ni Mr. Kingley si Duke na umalis dahil sa tunog ng mga sapatos nila.
“Makinig ka, Duke. Ikaw ang Bise President ng kumpanya natin. Ikaw ang papalit sa aking bilang CEO. Ikaw ang inaasahan kong magpapatuloy ng legacy ng kumpaniya natin. Gawin mo ito para sa kumpaniya natin.”
“How about my feelings? Isasawalang-bahala na lang? No way!”
Narinig kong naglakad na palayo sa ama niya si Duke. Kung ganoon, balak ng ama niya na paghiwalayin kami. Pwes. Hindi ako papayag. Kailangan kong masigurado na akin si Duke. At walang makakapigil sa amin, kahit ang sarili niya pang ama.
Bigla kong narinig na may tumawag sa akin.
“Maria?”
Pagharap ko, mukha ni Duke ang tumambad sa akin. Sinubukan kong magdahilan pero wala akong salita na nabuo. Puro utal lang.
“Kanina ka pa nandiyan?” Nakayuko akong tumango sa kaniya. “Kung ganoon, narinig mo pala lahat. Huwag kang mag-alala. Pinapangako ko sa’yo. Gagawan ko iyon ng paraan.”
Tumingin muna ako diretso sa mga mata niya bago ako tumakbo para yakapin siya.
"Ayaw kong mawala ka sa akin, please! Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita, Maria. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko hahayaang mangyari ang gusto ni Dad."
Pagkatapos niyon, hindi na kami nagtagal sa lugar na iyon. Pinasakay na niya ako ng kotse niya at inihatid sa amin pero sa kanto lang ulit. Bago ako bumaba, nagsalita siya.
“Ikaw ba? Kailan mo ako ipapakilala sa mga magulang mo?”
“Kapag naayos na iyong issue natin sa Dad mo.”
Umiwas siya ng tingin. Hinalikan ko siya.
“Ayusin mo iyong issue natin sa Dad mo. At sa unang pagkikita niyo ng mga magulang ko, hahayaan na kitang hingiin ang kamay ko. Sigurado iyan.”
Nang makita ko ang pag-angat ng gilid ng kaniyang labi, bumaba na ako.
Huwag kang mag-alala, Duke. Kapag naayos ko na ang problema ko kay Alena at ako na ang may kontrol ng katawan na ito, hindi ko na kailangang magsinungaling pa sa'yo. At ang tanging kasinungalingan na lang na sasabihin ko ay hindi ako si Alena. Dahil hindi ko na siya magiging parte lang dahil ako na mismo, ako lang walang iba, ang magiging kabuuan.
BINABASA MO ANG
She's Dominant (SPG/Mature)
Romance[TAGLISH] Alena, a victim of a controlling and abusive father, seeks control over to herself as her dark past and traumas try to seize her own body in the form of a new personality. *** Alena has always been a victim, dominated by her father and hau...