10.2 - His Surprise (Part 2)

2.6K 26 0
                                    

Mayroon ding mesa at dalawang upuan sa gitna. Bukod sa mga bodyguards at mga waiters ay kami lang dalawa ang nandodoon. Isang boquet ng bulaklak ang iniabot niya sa akin.

Kaya niya rin naman pala maging romantiko at masasabi kong bagay na bagay iyon sa kaniya. Natutuwa ako na sinubukan niya para sa akin. Dahil doon, nagsisimula nang umalab ang pakiramdam ko sa kaniya na parang isang apoy na biglang binuhusan ng gaas.

Pinaupo niya ako. Pareho kaming nagmamasid sa paligid ng mga dadaan pang mga hayop sa likod ng makapal na salamin habang hinihintay namin ang pagdating ng mga pagkain.

“Anong masasabi mo?” tanong niya.

“Salamat, Duke. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya. Wala akong masabi. Grabe. Ito na ang pinakamaganda bagay na naranasan ko sa buong buhay ko.”

“Nagsisimula pa lang ang gabi, Maria. Hindi ko hahayaang matapos ang gabing ito nang hindi ka nahuhulog sa akin.”

Napangisi na lang ako at hindi na sumagot.

Maya-maya, dumating na rin ang pagkain. Habang kumakain, may mga lumapit na nagbi-biyulin. Tumugtog sila ng mabagal na musikang klasikal at romantiko. Inalok akong sumayaw ni Duke. Tinanggap ko naman ang kamay niya. Simpleng paggalaw lang ang ginagawa namin. Parang mga alon lamang sa hindi galit na dagat. Hindi kailangan ng kakaibang kakayahan para gawin ito.

Parang bumagal ang pagtakbo ng oras ng pagkakataong iyon. May mga bituin at puso sa paligid na bigla ko na lang nakita. Ay mali, mga isda pala ang mga iyon. At kahit sila, parang bumagal rin ang mga kilos. Si Duke lang ang nakikita ko at ang naririnig ko lang ay ang tibok ng mga puso namin.

"Totoo ba ito o nananaginip ako?"

"You're in a reality that you've been dreaming, Maria."

Tumigil kami sa posisyon kung saan nakakulong ang beywang ko sa mga kamay niya. Ang mga braso ko nama’y nakapalibot sa leeg niya. Parehong ikinukulong ang isa’t-isa sa mga braso namin na animo’y pag-aari namin ang isa’t-isa at walang dapat na maghiwalay sa amin. Ang mga mata namin ay diretsong nakatitig sa isa’t-isa. Parehong pinipilit makita ang mga sikreto sa loob ng mga mata namin.

Nakikita kaya niya ang mga sikreto ko? O nakikita niya rin ang kadiliman ng buhay ni Alena? Sana hindi.

Bigla akong nakaramdam ng pagsakit sa ulo ko. Para akong pinapatulog ng utak ko kahit hindi naman ako inaantok. Posibleng gigising na si Alena.

Tumingin ako sa orasan. Alas-siyete na ng gabi. Tama nga ako. Oras na ito ng gising niya.

“Pasensya ka na. Kailangan ko na pa lang umalis,” pagpapaalam ko. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya

“Huh? Bakit?” Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso upang pigilan. “Teka, sandali lang.”

“Mala-late na ako sa trabaho ko.”

“Pero nagsisimula pa lang ang gabi. Hindi pa ako tapos sa mga surpresa ko para sa’yo.”

“Para sa akin, sapat na iyon. Napatunayan mo na ang sarili mo.” Itinulak ko ang kamay niya para bitiwan ako. "Please, hayaan mo na kong umalis."

"Hindi mo ba pwedeng isantabi mo muna ang trabaho mo kahit ngayong araw lang?"

"Hindi pwede. May importante akng naiwan at buhay ng tao ang nakasalalay kapag hindi ko iyon ngayon binalikan."

"Why do you keep on challenging me, Maria? You're making me more interested in knowing and having you."

"Magkikita ulit tayo. Tatawagan kita."

Hindi ko na inantay ang magiging sagot niya. Tumakbo ako palabas ng lugar na iyon kahit parang pinupukpok na ang ulo ko sa sakit. Agad akong sumakay ng taxi na nakaparada lang sa labas.

“Pakibilisan lang ho," sabi ko sa drayber pagkabigay ko ng address ni Alena.

Agad niya namang iniandar ang taxi. Bahagya akong napapasigaw sa sakit.

“Ma’am, okay lang ho kayo? Gusto niyo sa ospital ko na kayo dalhin.” Napasigaw akong muli sa sakit. “Dadalhin ko na ho kayo sa ospital.”

“Sa bahay na lang, manong. Please. May gamot ho ako sa bahay. Kailangan ko lang makauwi para mainom iyon. Magiging ayos rin ako.”

“Sigurado ho kayo?”

“Manong, baka bigla kitang makalimutan. Kapag tinanong ko kung bakit ako nandito, ikaw na bahala magpaliwanag.” Muling kumirot ang ulo. Kumuha ako ng pera sa wallet. “Basta ihatid mo ako sa sinabi kong address sa'yo. Ito na ang bayad ko kung sakaling hindi na ako makaalala. Ikaw na ang bahala, manong.”

Inabutan ko siya ng isang libo.

“Masusunod po, Ma’am.”

Para akong kusa na lang na nahulog sa tubig. Lubog ang buo kong katawan at hirap nang huminga.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon