“Nine years old ako ng mamulat ako na hindi ko totoong tatay si Papa. Anak ako ng Mama ko sa pagkadalaga. Binutis lang siya pagkatapos iniwan rin siya. Si Papa ang sumalo kay Mama. Tinanggap niya ako ng buo. Never ko noon naramdaman sa kaniya na hindi niya ako tunay na anak. Minahal niya ako na parang totoong anak niya. Hanggang sa nawala si Mama. Namatay siya."
Inilapag na ng waiter ang dalawang beer na in-order ko sa mesa namin.
“Pagkatapos ng nangyari, nagbago si Papa. Naging lasenggero siya. Nagkaroon siya ng bisyo. Napabayaan niya ako. One time, umuwi siya ng lasing," pagpapatuloy ko sa kwento. "Hindi ko iyon makakalimutan. That was the first time na pinalo niya ako ng matindi. Hindi siya tumigil hangga’t hindi nagpantal ang bawat latay ng sinturon niya sa mura kong balat.”
Natigilan ako saglit sa pagki-kwento. Hindi ko napigilan ang mga luha na dumaloy sa aking pisngi.
“Sinubukan ko siyang intindihin. Sabi ko, baka nahihirapan lang siyang tanggapin ang pagkawala ni Mama. Pero tuwing umuuwi siyang lasing, ganoon palagi ang eksena. Hanggang pati kamuwangan ko, inabuso na niya. Palagi na niya noong napagkakamalang ako si Mama.”
Lumipat sa tabi ko si Chase at hinaplos ang likod ko. Nagpatuloy ako sa pagkukwento.
“Nangako siyang magbabago siya. Pero lumipas ang pitong taon, walang nagbago. Pitong taon kong tiniis iyon. Pitong taon kong tiniis ang ganoong pagtrato niya sa akin. Hanggang sa nag-college ako, nag-enroll ako sa malayo para mag-dorm na lang ako. Desperado na rin ako ng mga oras na ‘yun na makalayo sa kaniya. Nag-working student ako para may pambayad ako sa dorm. Ginalingan ko para maging scholar ako para wala na akong bayarang tuition. That was the time na nakahinga ako.”
“Then, how did you become like that?”
“What? A monster?” Hindi siya sumagot. “Let’s say this is an aftershock of what he did to me. He abused me not just physically. He abused me verbally, sexually, psychologically. Lahat na ng klase ng pang-aabuso ginawa niya sa akin at wala akong matakbuhan noon. Hindi ko mailabas ang nararamdaman ko kaya kinimkim ko lahat. Ni ang makalabas ng bahay noong nasa poder niya ako, hindi ko magawa. Wala akong mapagsumbungan. Ang nasa isip ko lang noon ay malagpasan lahat-lahat. Pero noong makaalis ako sa poder niya, akala ko tapos na. Pero lahat ng kinimkim ko noon malagpasan ko lang lahat, nakabuo na pala ng halimaw sa loob ko. Hanggang ngayon nabubuhay pa rin ang multo ni Papa sa loob ko. Kung bakit ako naging ganito, kasalanan niya iyong lahat!”Hindi tumigil si Chase sa paghaplos sa likod ko.
“Kaya pala kapag inaabuso mo ako, para kang may kinakausap na ibang tao. Ngayon alam ko na. Siya pala ‘yun.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Alena, alam kong hindi basta-basta ang mga nangyari sa’yo. But you’re not a monster. And please, don’t let yourself become one.”
“Pero paano? Hindi ko na mapigilan."
“Tutulungan kita. Pangako iyan. Pangako.”
Niyakap ko siya. “Salamat.”
Pinagnilayan kong mabuti ang sinabi Chase. Baka nga may pag-asa pa. Baka sakaling maayos ko pa ang sarili ko. Sa pagkakataong iyon, ibinigay ko ang tiwala ko kay Chase.
Nang matapos ang shift ko, dumiretso ako sa bahay. Itinulog ko na lang ang pagod ko. Ngunit sa kalagitnaan ng tulog ko, nagparamdam na naman ang mga alaala na hindi ko mapatulog.
Isang batang babae. Nagsusumiksik sa gilid ng dingding."Andyan na ang halimaw. May dala siyang pamalo," ang sabi ng utak ko. Boses ni Papa ang may sabi.
Pumasok si Papa sa kwarto ko. Hinampas niya ang hilang sinturon sa batang babae na siyang nagpasigaw rito sa sakit. Ang bawat latay na natatanggap ng kaniyang balat ay latay rin na natatanggap ng kaniyang inosenteng puso.
Biglang umikot ang paligid. Ang bawat salita na binibitiwan ni Papa ay unti-unting nagiging nakakabingi."Wala kang kwenta! Wala kang silbi! Bumukaka ka na lang para may silbi ka!"
"Tama na!" sigaw ko at para akong lumubog sa ilalim ng lupa.
BINABASA MO ANG
She's Dominant (SPG/Mature)
Romance[TAGLISH] Alena, a victim of a controlling and abusive father, seeks control over to herself as her dark past and traumas try to seize her own body in the form of a new personality. *** Alena has always been a victim, dominated by her father and hau...