19.2 - Her Lost (Part 2)

2.1K 32 0
                                    

Nagsimula akong mag-impake ng ilang mga damit. Isinama ko pati mga damit at gamit ko sa roleplaying. Pagkatapos, tinawagan ko si Chase.

“Hello, Chase. Pwede bang diyan muna ako sa inyo?” bungad ko sa kaniya.

“Walang problema. Pero bakit biglang gusto mo na dumito muna?”

“Hahanapin ako ng boyfriend ni Maria. Hindi niya ako pwedeng maunang makita." Tumigil ako saglit. "Ako ang magpapakita sa kaniya kapag handa na ako.”

“Sige. Susunduin kita.”

Matapos mag-impake, dumating si Chase. Binuhat namin isa-isa ang mga inimpake kong gamit. Dumiretso kami sa kanila.

“Magpahinga ka muna. Maghahanda lang ako ng pagkain natin kasi baka gutom ka na rin,” saad niya habang inihahatid ako sa kwarto niya. Inilapag niya lang ang mga gamit ko pagkatapos ay dumiretso na siya sa kusina.

Nagpalit ako ng damit sa kwarto niya. Lingerie matched with a leather shorts. Naglagay ako ng makapal at dark na make-up. Pagkatapos, kinuha ko iyong snake whip sa mga gamit ko. Inihampas ko ito ng malakas sa sahig.

Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. Nakita ko ang repleksyon ni Chase na papasok ng kwarto.

“Alena, kain na,” saad niya. Napaatras siya nang makita ako. “A-a-alena, ba-bakit ka na-nakaganyan?”

Humarap ako sa kaniya. “Huwag ka mag-alala. Hindi ikaw ang didisiplinahin ko.”

“Kung ganoon, sino?” Para siyang naghihingalo sa kaniyang paghinga.

“Ang natatandaan kong totoong pangalan niya na nasabi sa akin ni Maria ay Duke. Iyong naging boyfriend niya na dahilan ng pagiging miserable namin ngayon. Kailangan ko siyang disiplinahin.”

“Sigurado ka ba riyan sa gagawin mo?”

“Oo. Sigurado ako. Sa isang bagay lang ako hindi sigurado.”

“Ano naman iyon?”

Muli akong humarap sa salamin. “Sa paglabas ni Maria. Baka biglang magbago ang isip niya. May gusto sana akong hilingin sa’yo.”

“Ano ‘yun?”

“Iisa lang kami ni Maria. Pero nagiging dalawa kami dahil magkaiba ang gusto ng puso namin. Baka sakali kung magiging isa ang gusto namin, maging isa kami.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Umupo ako. “Gusto kong gawin mo ang lahat para mahulog ang loob niya sa’yo.”

Naupo siya sa tabi ko. “May alam ka bang paraan kung papaano siya mabilis na mahuhulog sa akin?”

“Hindi ka naman mahirap mahalin, Chase. Alam kong kaya mo. Maging natural ka lang hanggang sa magustuhan ka niya. Magtatagumpay ka. Naniniwala ako sa'yo.”

“Paano kung sa gitna ng pagdidisiplina mo sa Duke na ‘yun bigla siyang lumabas?”

“Kailangan lang hindi ako makaramdam ng awa o kahinaan. At ngayong alam ko na ang kahinaan niya, ang ginawang pag-iwan sa kaniya ni Duke, may alas na ako para labanan siya.”

“Sa ngayon, pwede magbihis ka muna? Kain muna tayo bago mo gawin iyong mga binabalak mo.”

“Sige, hintayin mo na lang ako sa labas.”

Nagsimula akong magpalit ng damit. Sinuot ko iyong isa sa puting dress ni Maria. Tinanggal ko iyong makeup ko bago lumabas upang saluhan siya sa pagkain.

“Maria?” bungad niya.

"Chase, bakit nandito ako?" Hindi ko mapigilang matawa sa magkahalong gulat at pagtataka sa ekspresyong ng mukha niya. “Pwede na ba?”

Napaurong ng bahagya ang ulo niya. “Nyek. Ikaw rin naman iyon, e. Kaso medyo napansin ko sa galaw, hindi ka ganoon ka-gentle.”

“Ganoon ba? O sige, ano pang napansin mo?”

“Um, sa pagsasalita mo. Kailangan gentle rin.”

Naglakad ako papunta sa kaniya at naupo ng gentle.

“Kain na,” saad ko rin sa pabebeng boses.

“May kulang pa.”

“Ano?”

“Lagi siyang nakangiti.”

"Okay, sige."

"Ready, go." At binigyan pa nga niya ako ng cue.

“Kain na,” inulit ko sabay ngiti.

Pumalakpak siya. “Magaling.”

“Pwe. Ang hirap pala maging siya.”

“Paano mo naman nasabi?” Inabutan niya ako ng plato na may lamang kanin at ulam na.

“Kasi palagi siyang nakangiti. Hindi naman palaging masaya ang buhay.”

“Kaya nga mas dapat nakangiti tayo. Ang hirap na nga ng buhay, sisimangot ka pa.”

"Okay." Muli ko siyang nginitian.

“Mas maganda ka pag nakangiti.”

“Nambola ka pa. Tara kain na tayo," ginagawa kong pabebe ang boses ko. Natawa naman siya.

Nagsimula kaming kumain.

“Anong balak mo? Bakit mo siya ginagaya?” usisa ni Chase.

“Plano ko na kasing makipagkita kay Duke.”

Natigilan siya. “Sigurado ka na? At magpapakilala ka bilang Maria?"

Tumango ako. “Kailangan ko na siyang harapin.”

Nagpatuloy kami sa pagkain. Ilang sandali ang lumipas matapos naming kumain, nagpaalam ako kay Chase.

“Aalis na ako.”

“Basta kapag kailangan mo ng tulong, tawag ka lang. Mag-ingat ka.”

Nagsimula akong maglakad papunta sa labas. Binuksan ko iyong telepono ko at tinawagan si "Hallowblocks Supplier".

“Hello, Maria. Mabuti naman at sunagot ka na rin sa wakas. Miss na miss na kita. Okay ka na ba? Asan ka ngayon? Pwede ba kitang makita?” masigla niyang bungad.

“Papunta ako sa mamihan ni Aling Vendetta. Alam mo ba ‘yun?”

“Oo, nakapunta na ako roon. Sige, hintayin mo ako roon.”

Pagdating ko roon, ilang saglit pa akong nag-antay bago ang isang mamahaling kotse ay biglang tumigil sa tapat ko. Bumukas ang pinto ng kotse na iyon. Isang sapatos na itim at gawa sa balat ang nakita ko sa ibabang bahagi ng pinto na umapak palabas. Siya na ito sigurado.

Isang lalaki na naka-suot ng pantalon at bughaw na polo ang lumabas mula sa kotse na iyon. Matangkad siya at bakas sa suot niya ang magandang hubog ng katawan niya. Isinara niya ang pinto ng kotse. Lumapit siya sa akin. Parang mga ulap ang kulay abo niyang mga mata at tila nagsasabing kaya niya akong dalhin sa himpapawid. Bagay na bagay ang mga matang iyon sa gwapo niyang mukha.

Bigla niya akong niyakap.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon