Heartbreaker 23: Friend from the Past

101 6 2
                                    

"I wanted you to notice me. I wanted you to remember me."

-Ar

--

Si Dad at Wayne lang naman ang mga importanteng lalaki sa buhay ko. Kaya naman pagkatapos nila, puro business partners na nina Daddy ang sumunod para isayaw ako. Yung mga stock holders, board of directors at ibang personnel sa school. Wala lang naman ito sa akin. As long as matapos ang party na ito, okay na sa akin.

I can't see the significance of debuts anyway. Yes, you're now at the legal age. And so? It's just another year of the cyclical life. Kapareho rin naman ito ng mga nakalipas na tao. Nagdagdag ka lang ng isa sa taon mo. I can't even see what's special with 18th birthdays.

Si Mr. Ong ang kasalukuyang nag-sasayaw sa akin. Siya na ang ika labingpito at isa na lang eh matatapos na ang 18th roses.

Oras na para sa susunod na magsasayaw sa akin kaya naman inikot ako ni Mr. Ong para sa lalaking nasa likod ko. Inaasahan kong isa sa mga business partners ng kumpanya ang mag sasayaw sa akin kaya naman nagulat ako nang isang lalaking may dalang blue rose ang tumambad sa akin.

Ngumiti ito sa akin at inabot ang blue rose. Kinuha ko naman iyon at pilit na kinikilala kung sino ang lalaking ito. Nakasuot kasi siya ng maskara kaya naman hindi ko mamukhaan kung sino siya.

Napakapamilyar ng maskarang suot niya. Parang nakita ko na iyon dati pa.

"Happy Birthday Yumi, Mud or Ayu. Hindi ko alam anong itatawag ko sa'yo." Nagbago naman ang kantang sinasayawan namin.

"Nagustuhan mo ba ang mga bulaklak na ipinadala ko sa'yo?" Kaharap ko na nga si ATM. Isang malaking misteryo ang pagkatao niya sa akin dahil parang alam niya lahat ng nangyayari sa buhay ko. Ibig sabihin ba noon eh malapit lang siya sa akin?

"Sino ka ba talaga?" Imbes na sumagot eh tumawa lang siya. Hinawakan naman niya ang ilang hibla ng buhok ko at inilagay iyon sa likod ng aking tenga.

"Hindi mo ba talaga maaalala kung sino ako?" Napakunot ang noo ko. Tinignan niya ako sa mga mata at nakita ko sa mga mata niya ang sakit. Ang mga matang nakikita ko ngayon eh napakapamilyar sa akin.

"Hindi mo ba talaga naaalala kung bakit nahilig ka sa blue roses?" Wag mong sabihing galing siya sa nakaraan ko? Ang pagkahilig ko sa blue roses eh simula pa noong bata ako. Pero dahil sa matinding trauma sa nakaraan, marami na akong nakalimutan.

Kasama na doon ang mga taong nakilala ko sa nakaraan, mga pangyayari at marami pang bagay.

"Nagkakilala na ba tayo dati?" Pagtatakang tanong ko sa kanya. He really looks familiar. His mask looks so familiar and his eyes too. Pakiramdam ko, matagal ko na siyang kilala.

"Matagal na tayong magkasama noon Ayu. Masakit para sa akin na nakalimutan mo ako. Noong nakita kita sa Arena, alam kong ikaw ang Anie na kilala ko." With that, naalala ko na ang mask na suot niya. Siya yung nakatingin sa aking nakakapa roon ng itim.

Ibig sabihin, kilala ko na siya noong bata pa ako.

"I don't know who you are but my name is Mayumi Madeline Ulanie. I am not Anie anymore." Mariin kong sabi. Matagal nang patay si Anie. Sampung taon na siyang nawala mula sa mundong ito.

The man in front of me smiled apologetically. Patuloy pa rin kami sa pag sayaw at kasalukuyang nasa gitna na ng kanta.

"Kaya naman nang malaman kong sa BLU ka nag aaral at ang mga Dizon ang nag ampon sa iyo, napagdesisyunan kong puntahan ka doon. Kaya kahit na yung kursong gusto ko eh nasa pinagaaralan kong unibersidad, lumipat ako ng BLU."

I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon