Heartbreaker 15: Fliptop Battle

184 11 0
                                    

Accepting the friendship given, MUD with her friends, Mira and Jane, went to her house for training purposes for the Fliptop Battle. Midway to it, they decided to know each other further. On Wayne's arrival, MUD found out that her older sister is alive.

--

"This battle is your fame's undoing Ulanie. Or should I say, Anie?"

--

Jane's POV

Monday na naman. Aish! Bakit ba kasi limang araw ang klase? Pwede bang the other way around? Two days na klase tapos five days na walang pasok? Diba?

Ge. Papakaseryoso na nga.

Alam ng lahat kung anong meron ngayon. Foundation Week na kasi and the first day of it means, the battle between MUD and Anikka.

Hindi naman literal na battle pero iba kasi ito sa ibang challenges kay MUD. Sabi nga, kilala si Anikka sa field na ito so the challenge is, will MUD be able to defeat Anikka?

MUD known as the invincible one and Anikka known as the Queen in that field. Sinong mananalo?

Napakamot na lang ako ng ulo ko. Masyado ko atang iniisip itong laban nila. Aish.

"Penny for your thoughts?" Napatingin na lang ako sa taong nagsalita sa tabi ko. Namula naman agad ako nang mapagtanto kung sino iyon.

"K-Kuya Wayne!" Napaisod pa ako ng konti para mabigyan siya ng space. Nasa open field ako ngayon ng BLU. Natapos na ako sa mga responsibilidad ko sa Department namin kaya naman napagpasiyahan kong magpahinga muna.

"Ano ba? Si Ayu nga hindi ako tinatawag na Kuya eh. Just call me Wayne." Ngumiti pa ito habang sinasabi iyon.

Darn! How can this man be so hot?

"Wayne." Napangiti ito nang tinawag ko siya doon. I let a sigh out and leaned on the bench. Ang awkward naman nito.

"So congratulation I guess?" Shiz. Nagchuckle pa siya. Sounds like a greek music to me. Umayos ako ng upo.

"For what?" Tae. Napapaenglish na rin ako.

"For being friends with MUD. Ang hirap kayang ihandle nun. May personality disorder ata." Napatingin agad ako sa kanya.

"Grabe ka ha! Kapatid mo yun!" Sabi ko na natatawa. Ang loko. Kapag andito si MUD, patay kami doon.

"Biro lang! Ang sakit kaya manuntok nun!" Napatawa na talaga ako kasi para siyang batang nagsusumbong.

"Pfft- Ano ba kasing ginawa mo? Hahahaha!" Okay. Nawala na ang poise ko.

"Kinain ko kasi yung salad sa ref eh hindi ko naman alam na sa kanya pala yun." Nakapout na sabi niya. Pfft. Salad? Magagalit si MUD?

"Ayaw nun na pinapakialaman siya lalo na sa pagkain eh." Sabi ni Wayne na medyo nakarecover na ata. Sumandal siya sa bench at inalagay sa ulo ang dalawang kamay habang nakatingin sa langit.

"Pero seryosong usapan, ingatan niyo si MUD." Nakatingin ako sa kanya habang nagsasalita siya. Mahal niya talaga si MUD no?

"Minsan ko lang makitang umiyak yun. Oo, rare sight pero ayoko na ulit siyang makita ganun. She may look tought outside but do not judge her inside self. Walang nakakakilala sa totoong MUD maliban sa aming pamilya niya."

Ngayon ko lang narealize na talagang pinapahalagahan nila si MUD. Tama naman siya. Lahat kami dito sa BLU, ang tingin kay MUD eh iron wall na hindi matitinag.

"Kayo ang unang kaibigan niya. She gave her trust and I don't want her regret for giving it. Ilang taon namin siyang pinilit na makipagkaibigan at ngayong nagkaroon na siya.." Napatigil siya at napatingin sa akin.

I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon