Heartbreaker 12: Lonely

165 13 1
                                    

MUD fought with all her might. But despite of all her efforts, Mira got shot and Jane was hit. The last casuality is, MUD got stabbed at the leg, stomach and hand.

--

"Pero natatakot kang sumugal. Natatakot kang masaktan. That's why up until now, you're lonely deep inside."

-Jane

--

Mayumi's POV

Minulat ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko nga eh ang tagal kong nakahiga. Nangangalay ang likod ko.

Hospital again huh?

Tumingin ako sa gilid ko para tignan kung may nagbabantay man sa akin pero wala pala. Kamusta na kaya yung dalawa? Napailing na lang ako.

Why do I even care?

Naputol lang yung pagiisip ko nang may pumasok sa kwarto ko na lalaki.

"Bakit ka andito?!" I said. Napasigaw ako at halata namang nagulat siya. Hindi ata niya iniexpect na gising na ako. Pero agad namang bumalik yung expression niya sa isang smirk.

"Good Afternoon too MUD." I rolled my eyes. Bakit nga ba kasi andito 'to? Ilang araw kaya akong nakatulog?

"Three days kang tulog."

"What?!" Lumapit naman ito sa table na nasa tabi ko at inilapag doon ang mga prutas na dala nito.

"Pwede bang wag kang sumigaw? Nakakaistorbo ka sa ibang pasyente." Napakagat na lang ako ng lower lip ko. Umupo naman ito sa upuan na katabi ko lang.

"Nasaan si Wayne?" Sabi ko at dahan dahang umupo. Masakit na talaga ang likod ko.

"Hey easy." Tsaka niya ako inalalayan para umupo pero tinapik ko lang yung kamay niya. Mamaya ipagyabang na naman nito na tinulungan ako. Tsk.

"Wag ngang matigas ang ulo mo Madeline." Hindi na ako nakapanlaban nang tinulungan niya akong umupo. Kumirot kasi yung mga sugat ko.

"Kung yung lalaki na nandito palagi, umuwi sandali. Pinauwi ko." Napakunot naman yung noo ko.

"Bakit mo naman ginawa yun?"

"Hindi ka man lang bang naawa dun sa tao? Ilang araw nang walang pahinga yun." Sabagay, tatlong araw akong tulog. Pero himala ata?

"Himala mabait ka ngayon?" Napaiwas naman ito ng tingin sa akin na siyang ikinangiti ko.

"Wag kang ngumiti. Para kang tanga." Aba't! Minsan na nga lang ngumiti eh!

"Concern ka lang sa akin eh." Pang aasar ko. Wahahaha! Namula yung tenga eh.

"Diyan ka na nga!" Lumabas siya ng kwarto at hindi ko alam saan nagpunta. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana. Mag gagabi na pala.

--

"So far, okay naman na ang kalagayan mo. Wag ka na lang siguro maggagagalaw ng sobra para hindi bumuka yung tahi. Bukas ng umaga pwede ka nang lumabas." Nginitian ko lang yung doctor at lumabas na ito.

"Sa susunod kasi, mag iingat." Ito na naman 'tong lalaki na ito. Naninibago ako sa kabaitan eh.

"Ayuuuuu!" Napamura na lang ako ng mahina. Paano ba naman kasi?

"Ayu." Tsaka naglungkot lungkutan si Wayne at niyakap ako. Bigla na lang pumasok ng kwarto at niyakap ako.

"Wayne yung sugat ko!" Mabilis pa sa alas kwarto na napahiwalay sa akin si Wayne at nagsorry.

I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon