Heartbreak 3: Better than You

431 21 19
                                    

"But what hurts the most? Yung taong akala kong susuportahan ako sa labang ito, mamaliitin lang pala ako at isasampal sa mukha ko na wala akong pag-asang manalo."

-Mayumi

--

Pinaupo ko siya at nagsimula na ulit akong gamutin yung mga sugat niya. Dumudugo pa kasi yung iba. Nakatingin sa siya sa akin kaya't alam ko ang iniisip nito.

"Don't think that I'm nice because I am not. I will be giving you a peaceful school life in BLU pero siguraduhin mong walang makakaalam sa school ng paggamot ko sayo. Dahil pag may nakaalam, dadalawin mo ulit ang Lucifer's Den. Nakukuha mo ba?"

Nag nod na lang siya. Pagkatapos kong lagyan ng band aid yung sugat niya eh pinaalis ko na siya.

"Nasa baba ang driver ko. Umalis ka na rito bago kita masaktan."

"S-salamat po Ms Mayumi." Sabi niya habang papaalis pero nagulat ako noong tumigil siya at parang may gustong sabihin.

"Spill it." Nagulat na lang ako sa sinabi niya. It is something that made me shiver and at the same time, made me feel scared.

"Pwede po bang maging magkaibigan tayo?" Napatigil ako doon dahil sa sincerety na nakita ko sa mga mata niya. Pero agad kong inalis ang isip na iyon. Never trust Yumi.

"Hindi. Umalis ka na." I said with full authority kaya umalis na agad siya. Napaupo na lang ako sa sofa. It's new.

That someone asked me to be her friend with sincerity.

--

I'm walking towards my private office. Kailangan ko kasing ayusin yung mga papers ng school. Wala kasi sila Mom kaya ako ang dapat na mag-ayos.

Umiwas na lang ako noong may maramdaman akong papatamang itlog sa akin.

"Good Morning too, Nikka." Then I turned around and saw her there standing. Nikka tried to make my life miserable but always fails. In short, trying kontrabida siya.

"Walang maganda sa umaga Ulanie, lalo na kung ikaw ang makikita ko." Sabi niya at inirapan ako.

"Mas maganda naman kumpara sayo?" Sabi ko. Hindi naman ako naiinis kay Nikka pero I know that I can't trust her.

Nasanay na ako sa kanya. Lagi kaming nagbabarahan and nag-aaway pero lagi siyang umuuwing talunan.

"You know what? I can't understand why people look up to you very high in this school." Tsaka niya ako tinitigan mula ulo hanggang paa.

"There's nothing special on you." Tumawa lang ako na lalo niyang kinainis. Never. Never pa kasi niya akong nainis.

"Bakit ako ang tinatanong mo Nikka? Try asking them. Maybe you'll get an answer for your insecurities." Lalo pa siyang namula sa mga sinabi ko.

Nikka, she's the acting antagonist in my life. Their family had been our rivals in the business world.

"I'm not insecure! I'm just prettier than you!" I laughed again. She's making me happy with her pissed face.

"Oh." I said na parang alam yung sinabi niya at tumango pa.

"Ang ganda mo kasi Nikka parang LED." Sabi ko pero nagtaka lang siya.

"Why that cheap LED?" Napatawa ako at naglakad palayo.

"Maliban sa cheap na nga, maganda lang sa dilim."

I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon