"There's a story behind a playboy or a jerk Mayumi."- Thaddeus
--
"Grabe talaga no? Ang lakas noong palo ni Kuya Renz. Hindi naman ganyan yan last year."
Naiinis pa rin talaga ako kay Thaddeus. Hindi niya man lang naisip yung consequences ng pinaggagawa niya. Pinatawag ako ni Dad that day sa office. He questioned me with my relationship with Thaddeus.
Of course sinabi kong wala. Dad is strict when it comes to boys.
"Sa tingin ko makakapasok yang mga yan this year sa finals."
Dad knows me as Yumi. He's okay with it as long as hindi ako mapahamak and masunod ang first rule ko as a heartbreaker : Never fall in love with any of your missions.
Asa namang mafafall ako sa mga lalaking nasa misyon ko no. Asa.
"Sana naman magchampion sila this year. They deserve a championship game." How can I even get rid of Thaddeus anyway? Nakakaasar na kasi.
"Sa tingin mo Mud?" Minsan pumupunta na lang siya bigla sa classes ko tsaka magbibigay ng kung ano ano.
"Mud?" Malala pa, ginagawa niya iyon may professor man o wala.
"Mud!" Naputol lang yung pag iisip ko nang biglang may lumipad na bola papunta sa mukha ko. Nasapo ko na lang ang mukha mo. Sa tingin ko namumula na yung mukha ko.
"Okay ka lang?" Tanong ni Jane na kanina ko pa pala katabi.
"Sa tingin mo?" Sagot ko at umismid lang siya.
"Kasalanan mo rin 'no. Kanina pa kita kinakausap, tulala ka naman pala." Napairap na lang ako. Damn you Montez. Kasalanan mo 'to.
Lumapit naman sa akin yung nakatama ng bola at nagsorry. Tinanguan ko na lang at umalis na. I need a break from that Thaddeus. Nakakasuffocate na.
Nagpunta ako sa library at naghanap ng old english books. I need to divulge myself in my own world and reading will help me.
After few minutes, napasabunot na lang ako sa ulo ko. I hate it.
Puro na lang Thaddeus ang naiisip ko! Naiinis ako lalo na kapag lumalapit siya or may ginagawa siya. Bigla na lang kasi akong kinakabahan. I don't know why.
Parang may mali sa akin.
Magbabasa na sana ulit ako nang may maglapag ng chocolate drink sa harap ko. Napatingin naman ako sa nagbigay noon at naramdaman ko na naman yung kaba.
"Ginagawa mo dito?" Nakasimangot kong tanong sa kanya. Sino pa ba? Of course the Great Montez!
"Masama bang makita yung taong nililigawan ko?" Nakarinig ako ng impit na mga tili. Of course hindi sila pwedeng magingay. Nasa library kaya kami.
"Shut up." I drank the drink though. Para naman hindi ako magmukhang bastos sa kanya.
Pinagpatuloy ko lang yung pagbabasa at hindi nakaligtas sa akin ang mga titig niya. Sa totoo lang? Nakakaasiwa.
"Stop staring, pwede ba?" Binaba ko ang librong binabasa ko at tumingin sa kanya.
"No. Ang saya kaya." Nakangisi siya sa akin. Umirap lang ako at tumayo na.
"O saan ka pupunta?" Binalik ko na ang libro sa isa mga shelf at naglakad palabas.
"Kung saan wala ka." Mahina kong sabi. Hindi rin naman ako titigilan noon. Nakakainis lang talaga.
Pero bago pa ako makalayo, narinig ko pa siya.
"Friday naman. Susunduin kita ng 7pm sa bahay niyo. Labas tayo." Hindi ko na lang siya sinagot. Nagbibiro lang naman yun for sure.
BINABASA MO ANG
I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEART
RomantizmMadeline Mayumi Ulanie Dizon or known as Mud is the typical cold-hearted heart breaker protagonist. She breaks heart not because of a failed relationship or because she was cheated on in the past. And nope, her heart was never broken by another guy...