"At kung darating ang panahong bumalik sila, hindi na ako yung mahinang batang ninakawan nila ng pamilya.. sana."
Jane's POV
"Let's call it a day." Pagkasabi ni MUD noon ay napaupo na lang ako dahil sa pagod. Alas tres ng madaling araw nang magsimula kami para sa training at magtatanghalian na pero ngayon lang kami tumigil. Ni hindi ko nga alam kung paano niya nakakayanan ang ganitong training.
Imagine? Nag jogging kami ng sampung laps sa buong subdivision nila. Idagdag mo pa ang sparring namin sa anong tawag sa bag na 'to? Yung sinusuntok kapag nagboboxing ka?
Binuhos ko na ata galit ko pero ni hindi gumagalaw yung bag eh! Ang sakit sakit pa ha! Parang dingding naman kasi yung sinusuntok ko eh!
Samantalang paglingon ko kay MUD eh sobrang bugbog na nung sa kanya. Baka naman cotton laman nun tapos steel sa akin? Ito pa. May simulated battle arena. Rich kid eh.
Computerized at parang may mga kalaban ka pero hologram naman lahat yun. Parang ganoon sa Catching Fire ni Suzy Collins yung battle scene.
Dagger throwing ang type nang pinagawa sa akin. May isa akong kalaban at computer hologram ito. Dahil akala ko eh hologram lang, sinugod ko agad. Doon ako nagkamali.
Dahil pagbato sa akin ng computerized dagger noong hologram ay naramdaman ko agad ang sakit. Dahil doon kaya ako natalo.
Hindi naman daw porke simulated at computerized yun, hindi na makatotohanan. Ganun pa rin ang sakit na mararamdaman mo.
"Gusto mo bang iwanan kita dito?" Doon na lang ako napabalik sa sarili ko. Paalis na pala si MUD ng sparring room niya. Ito yung secret room niya sa kwarto niya.
Bumaba na kami at nakita ko si Tita Lifa na nagdidilig ng mga halaman sa garden. Nalaman ko kasi na mahilig pala sa ganoon ang Mommy ni MUD. Samantalang si Tito Marcus naman ay nanunuod ng FIBA World Cup.
Kumakain kami ni MUD nang tumunog ang doorbell nila. 500 meters ang gate nila sa mismong bahay kaya't tumayo na agad ako para pagbuksan kung sino man iyon. Hindi na nakaawat si MUD dahil mabilis akong nakatayo.
Ayoko naman siyang abalahin sa pagkain niya. Tama na ang effort niyang pagtetrain sa akin.
Binuksan ko yung gate nang makarinig ako ng sigaw sa malayo.
"Ma'am!" Yun lang ang narinig ko pero alam kong mga guards nila MUD yun.
"Ano pong kailangan nila?" Sabi ko sa lalaking may hawak na box na ngayo'y nasa harap ko. Nakasuot ito ng pantalon at nakapolo ng puti. Natatakpan din ang mukha niya ng suot nitong sumbrero.
"Delivery po para kay Ms. Shalifa Dizon." Tinanggap ko naman ito. Naghihintay pa ako ng pipirmahan pero walang binigay.
Diba dapat may pipirmahan muna ako?
Nagulat na lang ako nang maraming kalalakihan ang pilit na pumasok sa gate. Humarang ako sa kanila kaya't parang nanigas ang buong katawan ko nang maglabas ang mga ito ng baril.
"A-anong k-kailangan n-niyo?" Nanginginig na ako. Bakit may mga ganitong tao rito?
"Hindi ikaw ang kailangan namin Miss. Kaya kung gusto mong mabuhay eh tumabi ka dyan." Hindi ako umalis kung kaya't nang babarilin na sana ako ng isa ay mabilis kong siniko ang kamay nito dahilan upang mabitawan nito ang hawak nitong baril.
Naalarma naman agad ang iba. Sinunggaban nila ako pero mabilis akong umiiwas. Nakaramdam ako ng hapdi sa kamay ko. Nadaplisan lang pala ako pero masakit pa rin yun.
BINABASA MO ANG
I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEART
RomanceMadeline Mayumi Ulanie Dizon or known as Mud is the typical cold-hearted heart breaker protagonist. She breaks heart not because of a failed relationship or because she was cheated on in the past. And nope, her heart was never broken by another guy...