Heartbreaker 10: Riled Up

184 15 0
                                    

Mayumi's POV

Puno ng inis kong isinara ang pinto sa office ko at naglakad pabalik ng classroom. Aware akong 10 minutes late na ako sa klase but I don't care!

That Thaddeus got some guts to do that!

Malayo pa lang ako sa classroom eh rinig ko na ang usapan at ingay mula sa classroom namin. College na pero nakukuha pa rin nilang magdaldal tungkol sa kung ano anong bagay.

Pagpasok ko eh biglang nanahimik ang lahat. Naglakad lang ako papunta sa upuan ko sa may gilid. Katabi ito ng pader at kung iisipin niyo na may bintana.

Wala.

Ano ako? Anime girl na nakaupo sa side at may bintana sa other side kung saan makikita ang view ng school? Hell no!

Wall ang nasa left side ko. Bakante naman ang nasa right side ko dahil takot ang mga kaklase kong maupo sa harap.

Student life.

After five minutes eh pumasok na ang teacher naming at may dala itong folder. Ni hindi man lang ito nag abalang tumingin sa amin. Busy ito sa mga hawak nitong papel.

"Attention everyone." Saka lamang ito tumingin at natahimik ang lahat.

"I know that our preliminaries are coming after two weeks right before our Language Month Celebration. But I am your new adviser, Dana Almajano."

Bata pa si Ms. Dana at parang fresh graduate ito kung titignan. Balingkinitan ang katawan nito at may mahabang buhok na umaabot hanggang bewang. Chinita ito at laging nakangiti.

"I graduated from this University five years ago. As a magna cum laude and that's all for my background. Alam ko college na kayo but please introduce yourselves."

Nagkaroon agad ng commotion. Nanatili akong nakaupo. Go with the flow MUD.

"Oh c'mon guys! Let's start at the back!" Nagsimula na nga ang "introductions".

Nakatingin ang lahat sa bawat isang magpapakilala hanggang sa makaabot na ito sa akin. Tumayo ako at humarap sa kanilang lahat.

"I am Madeline Mayumi Ulanie Dizon. Known as MUD." Napangiti naman sa akin si Ms. Dana. A smile that gave me creeps.

"MUD, can you share a thing about yourself?" Nakangiting sabi nito sa akin.

"No."Sabi ko at umupo na. Ngunit hindi ito nagpatinag.

"Lahat tayo eh curios sa anak ng may ari ng school hindi ba?" Napatango na lang ang lahat.

"Ako na lang ang magkukwento about kay Madeline." Sino ba itong teacher na 'to?! Napatayo agad ako kung kaya naman napunta sa akin ang atensyon ng lahat.

"Fine." Lalong lumawak ang ngiti ni Ms. Dana.

"I was home schooled in high school. And I got this scar from an accident." Tsaka ko pinakita ang pilat ko sa leeg. Imbis na mandiri eh napawow ang ilan. Saan ka nga ba makakakita ng peklat na hugis buwan?

Umupo na lang ako at naghintay na magsalita ang teacher sa harap.

"Lindsey Prefecture ang rival ng school na ito right?" She's right.

Ang Lindsey ang rival naming pagdating sa iba't ibang fields pero ang dalawang may ari ng school na rivals eh matalik na magkaibigan.

Si Dad at si Mr. Lindsey eh magkaibigan na ang hilig eh kompetisyon.

Rivals pero friends. Ironic.

"And as everyone knows, no one from Lindsey ever dared to enter BLU because of the rules." Matinding trial ang pinagdadaanan kung magmumula sa LP ang papasok sa BLU. Lahat ng sumubok, bumagsak.

I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon