History repeats itself nga ba? Pero diba dapat tapos na? Nawala na ang pamilya ko. Nawala na sina Ate, Ina at Ama. Hindi pa ba sapat iyon?
-Mayumi Dizon
--
Pagkatapos naming kumain eh dinala ko na si Jane sa isang botique since hindi naman babagay ang isang fashionista look sa isang boyish shoes.
"Wear these." Buong araw kong inayos ang personality ni Jane and now, she's ready. Except for one thing.
"I'll fetch you up at 7PM. Be late even for one second and you'll be my player." Sabi ko sa kanya. Nagdrive na ako pauwi at umidlip sandali.
--
Madilim.
Nakakasuka.
Mausok.
Nakakatakot.
"Magpray na tayo dear okay?" Nakita ko ang isang babaeng nakangiti sa akin.
Naghawakan kami ng kamay at nag-umpisa na akong mag-dasal.
"Lord, thank you for the food you gave us. Pleas--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makaramdam kami ng pagyanig ng lupa. Nalalaglag lahat ng nakasabit sa aming pader.
Napuno ng takot ang mga mata ko.
Mabilis na tumayo sa upuan ang aking ama at kinuha ang baril na nasa gilid. Sinara ni Ina ang mga pinto at bintana.
"Hunters! Iligtas mo si Anie!" Sigaw ni Ama. Hindi ako makagalaw sa buong takot. Bakit nangyayari ang mga bagay na ito?
Buong lakas na itinulak ni Ina ang lamesa at tinanggal ang nakalagay na tela. Doon ko nakita ang isang tagong pintuan. Binuksan niya iyon at pinasok ako sa loob.
"Kung ano man ang mangyari, ano man ang marinig mo. Wag na wag kang sisigaw. Wag na wag kang aalis dito."
Sinara na ni Mama ang pinto at napuno ng kadiliman ang paligid ko. Naririnig ko sa taas ang matinding labanan.
Napaupo na lang ako sa isang sulok habang tinatakpan ang mga tenga ko at lumuluha. Ayokong marinig. Ayoko. Nanginig ako sa takot.
"Melie!" Narinig ko ang sigaw ni Papa. Puno ito ng sakit at mamaya maya pa eh nakaramdam ako ng mainit na likido na tumutulo mula sa taas.
Dugo.
Dugo ni Papa.
Umiyak ako ng umiyak lalo na ng makita kong paslangin nila si Mama.
"Nasaan ang mga bata?!" Narinig kong sigaw ng isang matanda. Hinahanap nila kami.
Sumiksik ako sa isang sulok upang maitago ako ng dilim at maiwasan ang liwanag na tumatama sa mukha ko. Natatakot ako na baka makita nila ako. Wala sa bahay si Kuya. Si Ate..
Nasa kwarto si Ate!
"Nakita namin ang pangalawa!" Gusto kong umalis. Gusto kong ipagtanggol si Ate pero ano bang magagawa ko? Isang lang akong hamak na bata.
Nasaksihan ko ang pagpaslang nila sa Ate ko. Sa isang babaeng mahimbing na natutulog.
Ito na ba?
Ito na ba ang katapusan ko?
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin. Tanging sila lang ang naririnig ko at pilitin ko mang magtago. Pakiramdam ko ay alam na nila kung nasaan ako.
BINABASA MO ANG
I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEART
RomanceMadeline Mayumi Ulanie Dizon or known as Mud is the typical cold-hearted heart breaker protagonist. She breaks heart not because of a failed relationship or because she was cheated on in the past. And nope, her heart was never broken by another guy...