"Hindi dapat iniiwan ang mga babae, tandaan mo iyan. Hindi mo pinahirapan ang nanay mo sa pagdadala sa iyo sa sinapupunan niya kung magiging mahina ka lang. Hindi dapat tayo nasasaktan."
-Mayumi Dizon
--
Buti na lang at wala akong hangover ngayon. May klase pa pala. It slipped out of my mind na weekdays pa lang.
Naglakad ako palabas ng room nang umalis yung prof namin. Gusto ko sanang pumunta ng canteen pero pinatawag ako sa office dahil daw sa isang tawag.
"MUD speaking, who's this?"
Agad kong sabi pagkakuha ng telepono. Hindi ko alam pero parang nakaramdam agad ako ng kaba.
"Madeline!" Sigaw sa kabilang linya gamit ang puno ng otoridad na boses. Isang salita pa lang iyon pero muntik na akong kumaripas ng takbo.
"M-mom?" Tama. Si Mom nga at halata kong may galit sa boses niya. Ano na naman kaya ang nagawa ko?
"You're grounded for a week!" Napalaki ang mga mata ko. Bakit naman biglaan?
"What? Hindi kita maintindihan Mom!" Parang bata na akong nagtatantrums dito. Mahirap maging grounded lalo na kapag ang isang Shalifa Dizon ang nagsabi.
"Sinong nagsabi sa iyo na makipag-away ka ha?! Someone sent a video to us! Ito ba ang pinagkakaabalahan mo habang wala kami? Ang pagbabar at pakikipag-away?!" Matindi kung magalit si Mommy. Iniimagine ko pa lang pero natatakot na ako.
"But Mom--!"
"No buts Madeline! You are grounded for a week! No racing, no battles and no missions! Subukan mong suwayin iyan and I'll do it for a month!" Napatunganga na lang ako kahit na kanina pa binaba ni Mom yung telepono. Kung credit cards, gadgets and cars ang kinuha sa akin, pwede pa. Pero my hobbies?
I'm doomed!
Lutang akong naglakad palabas ng office. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Nagtataka naman ang mga taga BLU sa inaasta ko. Minsan lang naman kasi akong magrounded eh.
Pangalawang beses pa lang ito sa buong buhay ko. Una ay noong makipagsuntukan ako sa isang bata.
Ayaw na ayaw ni Mom na nakikipag-away ako without any valid reason dahil talagang end of the world sa tuwing nagagalit siya.
Sino naman kaya ang nag send ng video sa kanila? Kailangan kong malaman kung sino iyon dahil mananagot talaga siya!
Kinuha ko yung cellphone ko sa pouch ko at nagsimula ng magtype. Napatigil lang ako nang mabangga ako ng isang tao.
Agad-agad akong lumingon para pagalitan sana iyon pero isang lutang na babae lang ang nakita ko. I mean lalaki-- babae pala! Babae ba talaga 'to?
"Jane!" Sigaw ko. Pero hindi pa rin siya lumingon sa akin bagkus eh patuloy lang sa paglalakad.
Nasa corridor kami ngayon kung saan walang ibang tao maliban sa aming dalawa.
Nakailang tawag na ako pero naglalakad pa rin siya. Si Jane ang nanalo sa huling Lucifer's Den Game ko remember? Dainy Jane Quillo.
Hindi pa rin talaga nagbabago ang pananamit niya. Maluluwang na t-shirts at kupas na mga maong. Sabog na buhok at panglalaking sapatos. Geez.
Alam ba niya ang salitang fashion?
BINABASA MO ANG
I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEART
RomanceMadeline Mayumi Ulanie Dizon or known as Mud is the typical cold-hearted heart breaker protagonist. She breaks heart not because of a failed relationship or because she was cheated on in the past. And nope, her heart was never broken by another guy...