MUD denying the friendship in front of her, found herself wandering at the garden one night under the beautiful moonlight. Thinking about all the things she had said, this man cleared hemind up and came up into a decision.
--
"Buhay si Ana."
Wayne
--
Jane's POV
"DJ! Bumaba ka na diyan! Malelate na tayo!" Kinuha ko na lang yung suklay ko at tumakbo na pababa.
"Oh?! Bakit hindi ka pa nagsusuklay?" Nakita ko naman si Kuya na palabas ng kusina at may dala dalang dalawang sandwich.
"Sa daan na lang ako magsusuklay Kuya. Tara na!" Nag nod na lang si Kuya at nagsimula nang magpunta sa garahe. Humarap muna ako sa salamin at tinitigan ang sarili kung ayos na ba. Kailan ba ako nagsimulang maging self-conscious? Tsk.
Dahil pala ito sa kanya.
Oo nga't nangako ako na kailanman ay hindi ko iiwan si MUD pero kasi nakakasakit kapag siya mismo ang may gustong mawala kami.
Hindi ko siya maintindihan. Oo nga't maganda siya. Mayaman, matalino pero bakit simpleng friendship lang tinatanggihan niya? Hindi naman yun nakakasakit ah?
Friendship won't hurt at all.
Napailing na lang ako at nagsimulang maglakad papunta gate. Panigurado na andoon na si Kuya sa kotse.
"Ang tagal ah?" I rolled my eyes after seating at the front seat. Si Kuya Daniel lang ang kasama ko sa bahay simula noong magdecide sina Mama na magtrabaho abroad.
Hindi naman malayo ang loob namin sa kanila dahil naiintindihan namin sina Mama. Mahirap naman talagang magpaaral ng dalawang college student at sa BLU pa talaga.
Kaya naman I took the scholarship and fortunately, I passed.
After how many minutes, nakarating na nga kami sa school. Bumaba na ako sa front gate since malapit lang doon ang Language Department. Sa dulo pa kasi ng campus ang parking lot.
"Andiyan na siya." Rinig ko at mamaya maya pa eh dumating nga ang isang pulang sports car at base sa pagtabi ng mga tao, paniguradong si MUD yun.
Lagi namang ganyan. She gets the attention she wants but not friends.
"Tsk. Pasikat lang naman alam niya eh!"
"Tama ka friend. You know she's so panget naman but may cosmetics lang siya so maybe she get that face." Nagpanting yung tenga ko nang marinig ko iyon. Lumingon ako sa kaliwa ko at may nakita nga akong tatlong babae na nagdadaldalan. Rather, nagchichismisan.
"Maybe doctor niya si Belo and I hear super sama ng ugali niya that she yell at people that's why she is stabbed."
"Bagay lang sa kanya friend!" Naglakad ako papunta sa kanila at halata namang nagulat sila.
"Excuse me? Pero bago kayo magsabi ng masama sa ibang tao, pwede bang pakiayos muna yang grammar niyo?" Napatingin naman sa akin yung pinakamatangkad sa kanila.
"What was you said?" Napatawa na lang ako. I'm really sorry for laughing.
"Pakiayos yang grammar niyo. Are you deaf?" Akmang sasampalin niya ako pero napatigil siya dahil may nagiikot na guard.
"Isa pa. Bakit pa kayo nag enroll sa school na ito kung iyan lang ang sasabihin niyo sa future owner? Shame on you. Isa pa, totoong tao si MUD. She cares for her family and totoo rin ang ganda niya. Unlike you." Sabay duro ko pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEART
RomansaMadeline Mayumi Ulanie Dizon or known as Mud is the typical cold-hearted heart breaker protagonist. She breaks heart not because of a failed relationship or because she was cheated on in the past. And nope, her heart was never broken by another guy...