Heartbreaker 7: The Dizon Family

271 20 2
                                    

"That's it Mom. College na ako. See? I survived high school without having any friend so what's the difference? Magkakaroon lang ako ng nosy, pakialamera, maingay at tsimosang mga tao sa paligid ko."

Mayumi Dizon

Mayumi's POV

Nagising na lang ako na masakit ang likod ko. Nakatingin lang ako sa kisame. Paano nga ba ako nakarating sa hospital na ito?

Hindi naman na ako magtatanong kung nasaan ako dahil kung ikaw ang mapunta sa isang lugar na tahimik, may oxygen tank at nakadextrose ka, nasa hospital ka talaga.

Sasampalin ko sana yung pisngi ko pero may nakahawak pala sa kamay ko. Pagtingin ko eh may babae na nakatulog malapit sa akin.

Nasa gitna ako ng pakikipagtalo sa isip ko nang pumasok sa eksena ang isang walang modo-- joke. Nang pumasok sa kwarto ang isang babaeng istrikto pero napakaover protective sa akin-- Si Mommy.

"Ayu! What happened to you? May masakit ba?" Agad naman siyang lumapit sa akin.

"I'm--" Pero hindi ko natapos kasi nagsalita ulit siya.

"Sino ang may gawa nito sa iyo? Sabihin mo!" Ano bang gagawin mo Mom?

"I don--" 't know. Wala. Di ko nasabi.

"Okay ka lang ba? Nakakalakad ka pa ba?" Nasaksak po ako. Hindi nahazing.

"Of c--"

"Should I bring you to States for operation now? Anong specialist?"

"No-" I'm okay.

"Gagawa na ba ako ng drop out letter mo?"

"Gusto mo bang ipablotter natin sa lahat ng pulisya yung gumawa sayo nito?" Hindi na pa ulit ako nag-bother na sumagot. Hindi rin naman siya makikinig.

"Naalala mo pa ba ang mukha?"

"Ay! Kilala mo ba kung sino ka?"

"Kung sino ako?"

Here we go again. I folded my arms and waited for her to stop. Ganito naman kasi palagi si Mom. Sa kabila ng iron heart na meron siya eh pusong mamon pagdating sa kaligtasan namin. Konting galos lang, akala mo mamamatay ka na. Eh parang hindi niya kami sinanay sa saksakan at barilan.

"Answer me Ayu!" How can I even answer her kung sunod sunod na tanong ang ibinato niya?

"Mom. I'm okay! See?" Ginalaw galaw ko pa yung mga kamay ko sa harapan niya.

"But--"

"I was stabbed. Hindi ko na rin matandaan yung mga mukha nila but hindi na kailangang ipablotter because I already taught them a lesson. No need for specialists, states or drop out letter. I can already kick some asses now." Isa isa kong sinagot lahat ng tanong niya. Bago pa siya maglabas ulit ng isang armalite ng katanungan.

"My name is Madeline Mayumi Ulanie Alonzo Dizon. And you are Shalifa Natalia Zueleta Dizon, my mother." Nakapoker face ko ng sagot. May tanong pa kaya ulit to?

"Why were--" I cut her off bago pa man ang ano.

"And please Ma, ask questions one by one. Hindi ako nag-eexam para bagsakan ng isang dosenang tanong." Kagigising ko tapos ganito ba naman agad?

"Why were you stabbed Madeline? I taught you how to fight even though you are blinded. Did your senses failed you or did you let your guard down?"

Napakagat labi na lang ako kasabay ng pag-pasok ng isang lalaki sa kwarto ko. Ayokong tumingin kay Mommy. She called me Madeline. SHE CALLED ME MADELINE!

I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon