Heartbreaker 9: After Him

182 15 1
                                    

"So are you after me too? I'm sorry but I don't entertain girls for now. Better luck next time baby." 

                                                -Thad

Mayumi's POV

Monday.

Naging tuloy tuloy ang training ni Jane sa bahay and I can see some improvements. Kailangan na lang siguro ng ilang adjustments sa body posture niya. Lalo na rin sa reflexes niya.

Anyway, naglalakad na ako papuntang classroom ngayon. Like any other days, nakasunod na naman sa akin ang mga tingin  nila. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero nagulat ako nang may sumigaw mula sa likod ko.

"Good Morning MUD!" Sabay pa iyon kung kaya naman napalingon ako. Nakita ko na lang doon na nagkatinginan yung dalawang tumawag sa akin.

"What do you need?" Nakataas na kilay kong sabi. Sabay naman silang naglakad palapit at parang naguunahan pa.

"Wala naman. Namiss lang kita MUD!" Yayakapin na sana ako ni Jane pero hinawakan ko ang mukha niya at unti unti siyang tinulak palayo.

"Tigilan mo ako Jane." Napatahimik naman ito at ibinaling ko ang atensyon ko sa taong katabi nito.

"Ano?" Napatingin naman agad ito sa akin at inabot sa akin ang isang box.

"Ginawan kasi kita ng lunch." Napataas naman ang kilay ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao at hindi ko alam kung  bakit ginagawa ni Miraflor ito.

"May sariling chef ako kung kaya't hindi mo na ako kailangan pang gawan." Napakagat naman ito ng kanyang lower lip. Tinitigan ko ang box na hawak nito at nalamang double layered bento box ito.

May intricate carves ito at makikitang napakaclassic ang dating.

"Nakagawian na kasi naming ito lalo na kung para sa isang kaibigan." Ako man eh nagulat sa sinabi niya. Kaya naman nagsalita agad ako.

"Stop staring at us and go to your classes!" Mistulang rush hour sa EDSA na halos magkabungguan pa iyong mga estudyante at dali daling umalis.

"You are not my friend Miraflor." She looks hurt. Maging ang katabi nito na si Jane eh napatingin sa akin.

"Pero please. Kahit tanggapin niyo lang Ms. MUD. Kahit itapon niyo na o ipakain sa aso. Sana tanggapin niyo." Nakayuko nitong sabi at ibinigay sa akin yung box.

Hindi ko alam pero nasa aktong aabutin ko na ang box nang may bumangga sa kanya mula sa likod. Naging sanhi ito para mabitawan niya ang box at matapon sa akin ang karamihan sa laman nito. Ang mga natira eh natapon sa sahig.

Japanese style ang nasa loob pero ang sauce ata ng isang dish eh natapon sa puting suot ko.

"The fuck?!" Ang tanging nasambit ko at napatingin ng matalim sa taong bumangga kay Mira. Halata naman kasing sinadya ito. Sina Jane at Mira naman eh hindi magkandaugaga sa paghahanap ng panyo.

"Wag kayong magtsismisan sa hallway Miss. Nakakaistorbo kayo." Automatikong napataas ang kilay ko at kinilatis ang lalaking nasa harap ko.

Messy ang buhok nito ngunit hindi ito nakabawas sa angas na taglay niya. Matangkad, maamo na mukha, maputi, matangos na ilong at malaanghel na mukha.

Nakanerdy glasses ito pero hindi naman siya mukhang nerd. In fact, lalo itong nagpalakas sa appeal na taglay niya.

Nakasuot ito ng itim na sando sa loob at napapatungan ng cardigan. Nakahalf pants ito at nakaVans na sapatos.

"Done checking me out?" Mentally akong napamura. Gwapo nga sana. Wag mo lang pagsasalitain.

"Sino ka ba ha?!" Wow. For the first time, I lost my cool.

"My name is Thaddeus Montez. Kung i-aadd mo ako sa facebook, don't even bother. Marami nang babae ang nag-add sa akin and I'm already at my limit." Aba't! Anghel nga ang mukha pero demonyo ang ugali!

"A-ah. Thaddeus. Nakikilala mo ba ang k-kausap m-mo?" Nanginginig na tanong ni Miraflor. Pinapainit niya ang ulo ko! Argh!

"Bakit ko naman siya kikilalanin?" Mayabang na wika nito.

"Siya ang a-anak ng m-may ari ng school na ito." Sabat ni Jane.

Imbis na masindak dahil sa mga salitang nabitawan nito eh nanatiling bored ang expression nito sa mukha.

"So are you after me too? I'm sorry but I don't entertain girls for now. Better luck next time baby." Sasabat pa sana ako pero may tumawag na ditong isang lalaki rin mula sa kalayuan.

"Thad! Nahanap ko na yung classroom natin!" Kinindatan niya lang ako at umalis na. Magsasalita pa sana ako pero naunahan niya ako.

"Your brassiere looks good." Napatingin ako sa damit kong kulay puti at bakat nga ang suot kong brassiere na may animal print pa.

Namula naman agad ako at napasigaw na rinig sa buong hallway.

"Thaddeus Montez!" Tanging halakhak lang nito ang narinig ko.

"Nice meeting you MUD."

--

Ang tagal bago ako nakapagupdate  I told ya.Busy month for September. Finals coming up! Nakakainis ang sunod sunod na activities. No time for social website life. Aish.

Siguro nga hindi talaga ako magaling sa time management.

Sa side po, Thaddeus Montez.

Hot? Gwapo? Lol. I'm sure kilala siya ng iba.

Hindi po ako maka EXO but I must say stay strong EXO.

Pati na rin sa aking pinakamamahal na SNSD(Girl's Generation) Pinapaabot ko lang ang aking INIS sa CEO ng SM Entertainment for kicking out Jessica from the group. That kicking out was really mean to say. Nakakainis kasi kung sino pa yung first member, siya pa yung naunang natanggal.

That was very inconsiderate dahil isang buwan lang yung hiningi para doon sa contract sa business na sinalihan niya pero inalis niyo agad!

OKAY. FAN GIRL MODE.

Seriously, iyang issue about Jessica ang kinainis ko for the whole week.

BACK TO OUR TOPIC!

Lol. Friday ang next update. I'll make sure na maipopost yun ng Friday. Kung hindi, pakibatukan, pakisipa, pakisalvage na po ako. Hahaha.

Comment down your feedbacks about Thaddeus Montez! 

I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon