Heartbreaker Two: Yumi's Game
"Once na ibigay na niya yung black ribbon, hindi mo na matatakasan ang laro dahil tanggapin mo man o hindi, you're already in the game."
-Wayne
First day of school. Dumating ako ng bahay by 6:30 AM pagkatapos kong magjogging. Isa't kalahating oras pa naman bago ang klase ko pero naghanda na ako.
Hindi naman porke ako ang anak ng may ari ng school eh pwede ko nang gawin kung ano ang gusto kong gawin. Naligo ako at nagbihis. Ano nga bang isusuot ko? Ang hirap mamili. Ginawa ko na lang yung lagi kong ginagawa.
Pumikit ako tsaka tinakpan ang mga mata ko. Kumuha ako ng damit habang nakapikit pa ako. Kabisado ko naman na yung closet ko kaya okay lang. Noong natapos ako eh napangiti na lang ako. Effective talaga yung trick na yun.
"Not a bad choice." Nagulat na lang ako pagkakita kay Wayne.
"Bilisan mo kakain na tayo." I just nodded and wore the dress.
It's a white tube tops tapos white mini skirt. May kasama siyang light blue blazer na hanggang elbow ko ang haba ng sleeves. May kasama pa itong manipis na golden belt at pearl necklace.
Simple but sexy. Not bad nga.
Kumain na kami ni Wayne at nag-punta na sa school after a while. Papasok pa lang yung kotse ko pero napatigil na agad yung mga tao sa ginagawa nila.
Parang automatic na nagdisperse yung mga tao at nagbigay daan sa akin. Alam ko naman na clear yung daan kaya kinuha ko yung nagriring na cellphone ko. Nakayuko ako noong narinig kong nagsigawan silang lahat. Napabitiw ako sa cellphone ko at dali daling inapakan yung brake ng sasakyan.
"Fuck!" Muntik na akong makabangga! Bakit ba kasi haharang harang ito sa dinadaanan ko?!
Bumaba agad ako ng sasakyan at padabog na isinara yung pinto ng kotse. Akala niyo mabait ako? Oo, kapag nasa bahay lang ako. Pero kapag nasa ibang lugar ako, the devil came out from its den.
"What the fuck?! Can't you see that I'm driving?! Get out of the way!" Pasigaw kong sabi.
Kung normal na estudyante ito sa school namin, tumakbo na ito palayo. Pero nanatili lang ito at nakatingin sa akin ng matalim.
"Eh bakit ka galit?! Ikaw na nga ang muntik nakasagasa eh! Kung hindi ka ba naman kasi tatanga tangang nagdadrive diba?!"
Kumulo lalo ang dugo ko. No one ever dared do this to a Mayumi Dizon.
Napagasp yung mga tao and I know alam nila ang danger ng pagsagot sa isang Mayumi Dizon. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Kaya naman pala.
Isang transferee.
"So tanga pala ako? Kasalanan ko bang wala kang sense of direction and common sense para tumabi? Kita mo na ngang may paparating na sasakyan?!"
"Eh bakit kasi magcecellphone ka eh nagdadrive ka?! Kung di ka ba naman tanga?! Di ka man lang ba tinuruan ng parents mo ng proper manners?!"
Second offense. Napangisi na lang ako.
"Watch your words Transferee. Baguhan ka lang dito. Hindi mo ako kilala."
"I don't need. Alam ko namang isa ka lang sa mga typical bitches na pakalat kalat tulad ng mga ibang bitches sa ibang universities at feeling reyna ng campus."
BINABASA MO ANG
I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEART
RomanceMadeline Mayumi Ulanie Dizon or known as Mud is the typical cold-hearted heart breaker protagonist. She breaks heart not because of a failed relationship or because she was cheated on in the past. And nope, her heart was never broken by another guy...