Heartbreaker 5: Devil

279 19 4
                                    

"The hardest thing in life is letting go of what you thought was real."

-Mayumi

----------

Jane's POV

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko kay MUD pagkapasok namin sa bar.

Alam ko na bar ito but I can sense that hindi lang ang pag-inom ang pinunta namin dito.

"I will teach you.." Bigla na lang ako kinabahan pagharap niya sa akin.

"How to get even with your ex." My eyes literally widened. I mean how? Isa lamang akong hamak na boyish campus student.

"Ikaw na ang apprentice ko ngayon. Ways on how to become a tough girl." MUD smiled at me devishly. At the corner of my eye, I saw him making out with her.

How nice right?

I smiled sadly at her and grabbed her hand. Dinala ko siya sa counter kahit na hindi ko alam uminom. Just for a night, I want to forget all of it.

Lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Give me the strongest drink." Sabi ko agad pagkaupo palang sa isang stool. Nagkatinginan yung bartender at si Ayu and then nagproceed na yung bartender.

"What's the problem with you?! You look okay a while ago and now?! Lasinggera ka ba ha?" Sabi niya sa akin with irritation.

Ngumiti lang ako ng mapait sa kanya at napatingin sa kanila. Napasunod ng tingin si MUD at hindi ko na kinailangang magsalita pa.

"I see. Take your time." Sabi lang ni MUD. Akala ko pipilitin niya akong maging apprentice niya.

Hindi pa ako handang makita sila. Masyado pang masakit ang lahat.

Sobrang dami kong plano para sa amin. Pero wala na eh. Wala na. Humiling ako na sana panaginip lang ang lahat ng nun pero hindi pala.

"Ano bang nararamdaman mo Jane?" Sabi ni MUD pagkatapos kong inumin yung isang baso ng tequila.

"Masakit. Sobrang sakit na hindi ko maipaliwanag. Ngayong araw lang kami nagbreak right? Fresh pa rin yung sugat ko dito." Sabi ko habang tinuturo yung dibdib ko.

I saw her playing with her drink and listening at me.

"Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung gusto niya pa bang maging kami ulit? Na babalik pa rin ba kami sa dati? Ako pa rin ba ang laman ng puso niya? Mahal pa ba niya ako?" Kinagat ko yung lower lip ko. Ayokong umiyak. Not today. Not in this place. Not in front of her.

"Jane, look at me." Sabi niya at pilit na hinarap ang mukha ko sa kanya. She's looking at my eyes directly.

Ayoko sana siyang tignan pero wala akong magawa. Hindi ko magawang suwayin si MUD. Strange but, magaan ang loob ko sa kanya. It feels like I can trust her.

"Why don't you cry?" Kahit na wala akong makitang emosyon sa mga mata niya, sinabi niya iyon na parang isang kaibigan.

"I won't and I shouldn't. Ayokong mag mukhang mahina ulit. I already cried in front of them. I want to be strong. To show him what he lost. Kung anong pinakawalan niya at kung anong wala siya."

Nahihirapan akong magsalita but I managed to hold my tears. She looked at me unconvinced. The next thing she did, was unexpected.

She slapped me, HARD.

"Pag nasasaktan tayo, kailangan may gawin tayo para mawala na ang sakit na yun. Okay lang umiyak, pero hindi ibig sabihin na luha na lang ang palaging magiging sandata natin. Sometimes we need to find a better weapon for us to fight the pain. And in finding those weapon you need to open your eyes." For the first time, I saw an emotion at her eyes.

I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon