Kaya mo nga bang pumatay MUD? Alam kong kakaiba ang ugali mo. Cold, masungit, walang pakialam at aloof. Pero kaya mo nga bang pumatay? Are you a monster now?
-Jane
Jane's POV
"Samahan mo ako bukas okay? May kailangan kasi akong ayusin."
Magkasama kami ni MUD ngayon. Nag-cool down muna ako sandali pagkatapos ng encounter ko sa ex ko. Aish! I can't believe him.
I was about to ask MUD about what she said when I saw a man hit the left window of the car with a rock. Nag-panic ako lalo ng mabuksan nila ang kotse at hinila si MUD at ako palabas.
Alam ko na hindi maganda ang intensiyon nila sa amin lalo na't nakakatakot ang mga itsura nila.
Sa tingin ko naman eh kaedad namin sila pero malalalim ang mga mata nila dahil sa eyebags at may mga pasa sila sa pisngi. May tattoo naman sa buong right arm yung mistulang leader nila.
Lahat sila may mga piercing sa mata, ilong at tenga. Idagdag mo pa na nakangisi sila at halatang may masamang binabalak.
Natatakot na ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi naman ako pwedeng tumakbo. Nagsimula na silang umatake sa amin. Habang abala si MUD sa pakikipaglaban sa mga goons na ito eh, nakita ko sa reflection ko sa shop na nasa tapat namin ang isang lalaki na may hawak na kutsilyo at handa na akong saksakin.
Nanigas na lang ang buong katawan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Somebody help me please?
1..
2..
3..
4..
5..
Nakarinig na lang ako ng pagtama ng kutsilyo at nakaramdam ng pagtalsik ng dugo. Nanginginig ako sa takot. Ito ang unang beses na maexpose ako sa ganito.
"Run.." Iyon ang mga salitang narinig ko. Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko.
"Mud.." Tinitigan ko siya sa mga mata niya.
"Run!" She said with full authority having no signs of pain. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. There she is.
Hawak niya ang isang braso ko at nakaharap siya sa akin na parang nakayakap. Nagbago panandalian ang expression niya nang hugutin noong lalaki yung kutsilyo sa likod ni MUD.
Yes. She took the attack that was supposed to be mine. Imbes na makonsensiya eh mas lalo pa atang nasiyahan yung lalaki kaya't bumwelo na naman siya para sa isang saksak.
Mistulang nakita ni MUD ang pagbabago ng expression ko kaya't itinulak niya ako ng malakas.
"Run while you still can Jane. Run like hell." Sabi niya. Kinilabutan ako sa mga salitang binigkas niya. Hinarap niya yung lalaki at ginamit ang kamay niya para harangin yung saksak pero kahit mabilis siya, nadaplisan pa rin ang palad niya.
Tinakpan ko yung bibig ko gamit ang kamay ko. Nanginginig man ako pero pinilit kong tumakbo.
Babalik ako MUD. Babalikan kita.
3rd Person's POV
Noong maramdaman na ni Yumi na nakalayo na si Jane eh napangisi na lang siya.
"I don't need to hold back anymore." Nakasmirk pa rin siya kahit na puro dugo na ang suot niyang damit. Puti iyon kaya't nakakakilabot dahil naging kulay pula na ito nang dahil sa dugo.
BINABASA MO ANG
I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEART
RomanceMadeline Mayumi Ulanie Dizon or known as Mud is the typical cold-hearted heart breaker protagonist. She breaks heart not because of a failed relationship or because she was cheated on in the past. And nope, her heart was never broken by another guy...