Hearbreaker 11: Fight

147 14 0
                                    

The first transferee from BLU's rival, Lindsey Prefecture, is no other than Thaddeus Montez. On the other side, MUD, Mira and Jane became group mates. But on their way home from a restaurant, a group of delinquents appeared. Do I smell.. danger?

--

Of course tao ako, napapagod at nanghihina. Pero sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko dapat ipakita ang mga kahinaang iyon kung ayaw kong humantong ang katawan ko na palutang lutang sa Ilog Pasig.

-Mayumi

--

I'm nervous. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Ilang ulit ko nang sinabi pero in myself, kaya ko sila. But knowing them, gagamitin nila ang dalawa kong kasama para hindi ako makapanlaban.

Palapit na sila sa amin. Nanlalaban si Jane pero hindi talaga siya makawala sa kanila samantalang si Mira eh ganun din ang ginagawa.

I really need to think fast! Huminga ako ng malalim at pinikit ang mga mata ko. Kumalma ka lang MUD.

Now, concentrate.

Alamin mo kung nasaan sila, kung saan sila pwedeng umatake, kung anong pwede nilang gawin, kung saan ang pwedeng maging kahinaan nila.

Minulat ko ang mga mata ko at nakitang papunta na pala sa akin ang tatlo sa kanila. Sabay sabay ang mga ito at nakaamba sa iba't ibang direksyon.

Kaya naman inipon ko lahat ng lakas ko at malakas na siniko ang nasa kaliwa ko. Nang mabitawan naman nito ang kamay ko eh sinuntok ko ng malakas ang nasa kanan ko.

Ngayong wala nang may hawak sa akin, napunta lahat ng atensyon nila sa akin.

"Get her." Sabi ng boss nila. Naunang sumuntok yung pinakamaliit sa kanilang lahat.

Madali ko lang itong iniwasan at tinadyakan ang tiyan nito kaya naman napaatras ito mula sa akin. Sakto naman ang paghawak ng dalawa sa kanila sa mga kamay ko.

Nasa likod ko ang mga ito kaya naman nang pilitin kong kumawala eh hinigpitan lang nila yung hawak kaya hindi ako makagalaw.

Apat na tao ang kaharap ko dahil hawak ng apat yung dalawang kasama ko. Bale dalawang lalaki kada isa sa kanila. Buti na lang talaga at wala pa silang ginagawang masama.

Bumalik na ang atensyon ko sa harap at nakitang papalapit sa akin ang dalawang nasiko at nasuntok ko kanina.

"Babae ka lang!" Sabi ng isa at susuntikin na sana ako sa bandang tiyan. Pero masyado siyang mabagal kung kaya naman ginamit ko yung higpit ng hawak sa akin nung dalawa at kumuha ng malakas ng buwelo saka malakas na sinipa ang nasa harap ko.

Parang nagulat naman yung dalawang nakahawak sa akin kaya't sinamantala ko ito at inapakan sa paa ang isa sa kanila. Sigurado akong masakit yun dahil talaga diniinan ko. Idagdag mo pa na hindi niya inaasahan yun.

Nakawala ako sa kanila at agad na lumayo. Pinagmasdan ko ang apat na kaharap ko.

May kanya kanya silang iniindang sakit dahil sa mga ginawa ko pero hindi pa rin sila sumusuko. Ako man eh nakaramdam na rin ng pagod.

Mas malaki ang katawan nila sa akin. Babae ako. Hindi ko itatanggi na may limit yung kakayahan ko.

Hindi ako tulad ni Batgirl, Wonderwoman o Darna na hindi napapagod sa tuwing sumasabak sa ganito.

Of course tao ako, napapagod at nanghihina. Pero sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko dapat ipakita ang mga kahinaang iyon kung ayaw kong humantong ang katawan ko na palutang lutang sa Ilog Pasig.

I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon